Napapadalas ba ang iyong pagkamakakalimutin o hirap ka ba mag-spelling matapos magka-COVID?

Ang pagkamakakalimutin, problema sa konsentrasyon at pagtulog ay mga karaniwang sintomas ng long COVID na kadalasa'y nangyayari sa loob ng tatlong buwan pagkatapos mahawa ng Coronavirus.

Tired businesswoman with head in hand sitting at computer desk in office

Credit: Maskot/Getty Images

Key Points
  • Ayon sa mga eksperto karaniwan ang brain fog sa mga taong nakakaranas ng long COVID
  • Ang kondisyong ito ay kadalasan pansamantala at gumagaling lang ng kusa
  • Kumunsulta sa iyong GP kung magpatuloy ang sintomas ng higit sa walong linggo
  • Payo ng mga eksperto mag-ehersisyo at makisali sa cognitive activities tulad ng pagbuo ng puzzle at paglalaro ng video games dahil makakatulong ito sa mabilis na paggaling
Nahihirapang mag-spelling ng ilang salita at hindi na maalala ang ilang mga proseso sa negosyo nang bumalik sa kanyang trabaho matapos nahawa ng COVID, ang project manager na si Dianne Watts mula Sydney.

“Kinakilangan ko ng isang tao na maupo sa tabi ko para turuan akong muli sa proseso,” sabi ni Watts sa SBS

Nahawa ito ng coronavirus noong buwan ng Hunyo at naniniwalang nagka-long COVID na karaniwang nangyayari sa loob ng tatlong buwan pagkatapos ng impeksyon.

Ayon sa NSW Health wala pang test para sa long COVID. Gayunpaman, ang pag-diagnose nito ay dapat ihiwalay ng doktor sa iba pang mga kondisyon na may katulad na mga sintomas.

Kabilang sa long COVID o post COVID na kondisyon ay ang brain fog, makakalimutin, problema sa konsentrasyon, hirap ang pagtulog, hirap sa pagsasalita, depresyon o pagkabalisa at palaging pagod.

Ang iba pang mga kondisyon ay ang hirap sa paghinga, malubhang ubo, pananakit ng dibdib, pananakit ng kalamnan, pagkawala ng pang amoy o panlasa at lagnat.

Hanapin ang pinakamalapit na long COVID clinic sa lugar mo:

Ano ang COVID brain fog?

Ang "COVID fog" ay hindi isang medical term ngunit karaniwang ginagamit upang ilarawan ang mga isyu sa pag-iisip, tulad ng hirap sa pag-iisip, pag-concentrate, at pagkamakalimutin pagkatapos ng impeksyon sa COVID.

Ang Department of Health at Aged Care ay walang istatistika o datos ng kaso ng COVID fog sa buong Australia.

Pero ayon sa Associate Professor at direktor ng long COVID-19 Clinic sa St Vincent's Hospital sa Sydney na si Steven Faux, karaniwan itong nararanasan ng mga taong may long COVID.

Diagnosis ng COVID fog

Ayon kay Dr Sonu Bhaskar isang physician-scientist at academic neurologist mula sa Sydney ang pag-diagnose ng COVID fog ay hindi madali, dahil "ito ay karanasan ng isang indibidwal na may pakiramdam na malabo o nahihirapang mag-concentrate pagkatapos gumaling mula sa COVID-19."

"Ang mga nakaligtas sa COVID-19 ay maaaring makaranas ng neurological at cognitive problems," dagdag ni Dr Bhaskar.

Sabi naman ni Propesor Faux ang pag-diagnose ng COVID fog ay hindi lang limitado sa pagkabalisa at madaling mapagod, apektado din ang pag-iisip.

"Dapat nating tingnan ang konteksto o buong kondisyon kapag COVID fog ang gustong alamin," sabi ng propesor.

Naniniwala si Propesor Faux na ang mga tao na nasa high-demanding jobs gaya ng legal, health care sector at silang mga nag-iintegrate ng maraming impormasyon ay tila mas apektado ng kondisyon.

"Ang COVID fog ay maaaring ituring na malubha para sa mga taong may propesyon na hindi maaaring mawalan ng konsentrasyon."

Ano ang dapat gawin kapag may COVID fog

Sa pangkaraniwan ang COVID fog ay pansamantala lamang at gumagaling lang ng kusa.

"Huwag mag-panic. Malabong maging permanente ito. Bigyan mo ng oras ang sarili mo," paniguradong payo ni Propesor Faux.

Ang pagtugon sa kaugnay na isyu, gaya ng pagkabalisa o depresyon ay maaaring makatulong sa pagpapabuti ng kondisyon habang may COVID fog.

Payo naman nito sa mga taong mayroong kondisyon na agad pagtingin sa doktor o GP kung ang nararanasang sintomas ay higit sa walong linggo matapos ang impeksyon.
Para sa mga may kondisyon, maaari itong i-manage sa bahay sa pamamagitan ng pagkakaron ng tamang oras sa sarili. Dapat maging mahinahon sa lahat ng bagay, lalo na ang pag-eehersisyo at higit sa lahat huwag pilitin ang sarili.
Dagdag ni Dr Bhaskar makisali sa mga cognitive activities tulad ng paglalaro ng video games dahil makakatulong ito sa mabilis na paggaling.

Samantala, hindi na nagpatingin sa nararamdamang brain fog sa GP si Watts ngunit patuloy nitong sinusubaybayan ang kalagayan at sinisigurong bumubuti na ang kondisyon.

"Dahan-dahan akong bumalik sa pagiging aktibo, pero nariyan pa din ang mga limitasyon at palaging kumakain ng maayos," sabi niya.

"Apat na linggo pagkatapos ng impeksyon, biglang nawala ang brain fog," alala pa ni Watts.

Young businessman holding his head and pondering
Naniniwala ang mga eksperto na ang mga taong nasa high-demanding jobs ay maaaring mas apektado ng COVID fog. Credit: Hinterhaus Productions/Getty Images

Karagdagang pananaliksik higit kailangan

Higit pang pananaliksik ang kailangan para sukatin ang tumpak na epekto ng COVID-19 sa iba't ibang sistema ng katawan, kabilang ang neurological system o utak ng tao.

Ngunit sa pinakahuling pag-aaral na inilathala sa Lancet Psychiatry, iminungkahi na ang ilang tao ay nahaharap pa rin sa mas mapanganib na kondisyong neurological at psychiatric, kabilang ang brain fog, dementia, at psychosis, kahit dalawang taon pagkatapos ng kanilang impeksyon sa COVID-19.

Samantala, sa karagdagang pananaliksik na pinangunahan ng La Trobe University na inilathala sa na ang ipinakitang neurological na sintomas ng post COVID ay halos katulad ng mga sintomas ng Alzheimer's disease at dementia.

Gayunpaman, sabi ng mananaliksik na si Dr Nick Reynolds sa SBS ang mga gamot na binuo upang gamutin ang Alzheimer at dementia ay maaaring muling gamitin para gamutin ang mga neurological symptoms dahil sa impeksyon sa COVID sa hinaharap.

Makakaasa kayo na ihahatid ng SBS sa multikultural na komunidad ang lahat ng napapanahong update at balita kaugnay sa COVID-19. Maging maalam at maingat, bisitahin ang

Share
Published 23 September 2022 1:14am
Updated 23 September 2022 7:53am
By Yumi Oba
Presented by Shiela Joy Labrador-Cubero
Source: SBS


Share this with family and friends