Key Points
- Dagdag dastos na naman sa mga motorista ang nakaambang taas-presyo ng gasolina
- Pero may ibang mga paraan para makatipid sa mga gastusin
Mula Setyembre 29, tataas ng 25¢ kada litro ang presyo ng produktong petrolyo.
Noong nakaraang administrasyon, binawasan ng kalahati ang pinapataw na excise tax na sinimulan noong Marso para maibsan sana ang dagdag na pressure sa mga motorista bunsod ng sunod-sunod na pagtaas ng presyo ng mga bilihin.
Pero sa kabila ng panawagan sa gobyernong Albanese na palawigin pa ang panukalang budget, nakatakada ng ibalik ang pagpapataw ng kabuuang excise tax sa produktong petrolyo.
Ang magandang balita lamang dito ay hindi agarang sisipa ang presyo ng gasolina, dahil bantay-sarado ang NRMA sa NSW at ACT sa pagmomonitor ng pagtaas ng mga presyo. At inaasahang hindi agarang ipapatupad ang taas-presyo ng gasolina, habang patuloy ang pag-restock ng mga gasolinahan ng panibagong gastos sa kanilang mga negosyo.
Ang masamang balita lamang sa mga motorista ay hindi na mapipigilan ang nakaambang pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo. Kasabay pa nito, papalapit na ang taglamig at may hinaharap ding krisis sa enerhiya sa Europa, at inaasahang tataas pa lalo ang presyo habang papataas din ang demand sa produktong petrolyo.
Kaya't narito ang ilang tipid tips para makabawas sa gastos sa pagpapagasolina.
Alamin ang presyo sa iba't-ibang lugar
Kung dati ay kailangan pang magmaneho papunta sa mga gasolinahan para malaman kung saan may pinakamurang gasolina, ngayon ay may mga bago ng paraan para makasiguro na makukuha mo ang pinakamababang presyo.
May mga apps at websites na maaaring gamitin, na makakatulong sa paghahanap ng pinakamababang presyo - at ilan sa mga ito ay aprubado ng gobyerno.
Payo ng tagapagsalita ng NRMA, "mag-research muna bago magpagasolina para makatipid."
"Kung pupunta ka lang sa unang gasolinahang makita mo, mas malaki ang tsansa na baka mas mataas pa ang binayad mo," dagdag pa nito.
Sa NSW, mayroong site na kung tawagin ay Fuel Check, na pwedeng makita kung saan may pinakamababang presyo na malapit sa iyo. Sa Northern Territory, mayroon namang MyFuek NT at FuelWatch naman sa Western Australia.
Bagama’t wala pang ginagamit ang South Australia at Queensland, may inilalabas naman silang listahan ng ilang serbisyo sa kanilang mga website.
Para naman sa mga motorista na nasa Victoria at ACT, aala pa ding nakalaang site o link sa ilang mga serbisyo, pero meron namang site ang mga ito na nagbabantay ng presyo ng produktong petrolyo sa bansa.

Australian motorists will be paying more at the bowser when the fuel excise is reinstated at the end of the month. Source: AAP / BIANCA DE MARCHI/AAPIMAGE
Mayroon ding fuel lock future ang app ng 7-Eleven, kung saan pwedeng i-lock in ng pitong araw ang pinakamababang presyo sa pinakamalapit sayo na gasolinahan. At makukuha mo pa rin ang pinakamababang presyo sa ibang servo station, kahit na mas mataas ang naka-advertise na presyo dito.
At syempre, nariyan din ang mga shopper docket fuel vouchers na makukuha mo sa mga pamilihan, kung saan makakakuha pa ng dagdag na diskwento kapag ginamit mo ito.
I-monitor ang pagtaas at pagbaba ng presyo ng produktong petrolyo
Ito naman ay para sa mga todo ang pagtitipid.
Nagmomonitor ang Australian Competition and Consumer Commission (ACCC) ng pagtaas at pagbaba ng presyo ng petrolyo – na nakabatay sa mga polisiya ng pagpepresyo ng mga retailer sa Sydney, Melbourne, Brisbane, Adelaide at Perth.
Makikita sa site nila kung saan bumababa o tumataas ang presyo, na makakapagbigay ng indikasyon para makapagpagasolina ng mas maaga. Ina-update ang mga charts tuwing alas dose ng tanghali mula Lunes hanggang Biyernes at malalaman din ang average na presyo kada araw sa huling 45 na araw.

It's a good idea not to carry too much around in your car for everyday driving if you want to save on fuel. Source: Moment RF / Michael Godek/Getty Images
Ayon sa tagapagsalita ng ACCC, ang pagbili sa mga independent retailer at pag-iwas sa mataas na cycle ng presyo ng produktong petrolyo ay makakatulong sa mga motorista.
Tiniyak din nito na patuloy ang pagmomonitor nila ng wholesale at retail na presyo ng produktong petrolyo, kahit hanggang sa maibalik na ang pagpapataw ng buong fuel excise tax.
"Hindi magdadalawang-isip ang ACCC na gawan ng aksyon ang sinumang magbibigay ng maling pahayag kaugnay sa pagtaas at pagbaba ng presyo ng produktong petrolyo. At kung mayroong katibayan ng maling gawain tulad ng price collusion, hindi ito babalewalain," sinabi ng tagapagsalita sa isang pahayag.
Ayon naman kay G Khoury ng NRMA, mainam namaintindihan ng mga motorista ang galaw ng presyo ng produktong petrolyo, dahil maaari silang makatipid ng hanggang 30 sentimo kada litro.
Gayunpaman, dagdag pa nito na hindi na garantisado na makakakuha ng pinakamababang presyo ng gasolina tuwing Martes, tulad ng mga nakaraang taon. Pero giit nito, maaari pa ring i-monitor ang galaw ng presyo ng produktong petrolyo at alamin kung kailan posibleng bumaba ang presyo sa mga pangunahing syudad sa bansa.
Dalhin lamang ang kailangan
Kung maraming nakatambak sa boot ng sasakyan, mas mainam na itabi muna sa storage ang hindi kinakailangang gamit. Dahil kung mabigat ang sasakyan, mas malakas ang konsumo nito sa gasolina.
“Ilagay muna ang mga golf clubs at scuba diving gear sa inyong garahe,” ayon kay G Khoury .
Maaaring maliit na bagay lamang ang mga ito pero malakas din minsan ang konsumo ng mga ito. Katulad na lang ng paggamit ng air-con kung malamig ang panahon, hindi pagche-check ng tamang hangin ng gulong, o di kaya'y pagbubukas ng bintana - na maaaring makapagpabagal ng takbo ng sasakayan.
"Magugulat ka na lamang na kung minsan ang malilit na bagay na ito ay may malaki ding epekto."