Key Points
- Isang ulat mula sa Grattan Institute ang nagsabing kailangang pag-ibayuhin ang hindi na naayon na proseso para sa mga skilled migrant visas.
- Babala ng Grattan Institute, ang mga pabigat na mga visa requirements ay hindi nakakatulong sa Australya na makakuha ng mga tinaguriang mas nakababatang “globally mobile talent”.
- Ilan sa rekomendasyon ng Grattan Institute ay mahahalagang pagbabago sa employer sponsored visa at temporary skilled migration.
PAKINGGAN ANG ULAT:

'Kumplikado at hindi na napapanahon': Malawakang pagbabago sa sistema ng migrasyon ng Australya, ipinanawagan
SBS Filipino
05:50
Kailangan ng malawakang pagbabago sa sistema ng migrasyon ng Australya upang mahinto ang tinaguriang pagiging guest worker society ng bansa ayon sa isang ulat.
Babala ng Grattan Institute, ang mga pabigat na nga visa requirements ay hindi nakakatulong sa Australya na makakuha ng mga mas nakababatang “globally mobile talent.”
Habang ang sobrang pagdepende sa mga low-skilled na mga manggagawa ay napupunta sa mababang sahod at pang-aabuso.
Ang ulat na isusumite sa parliamentary inquiry kaugnay sa migration system ng bansa ay hinihikayat ang pederal na gobyerno na targetin ang pinakamagagaling na manggagawa sa mundo upang mapag-ibayo ang mabagal na pag-usad at maayos na daan ng Australya sa ekonomiya na net zero emmission.
Kabilang na dito ang pagtanggal sa mga programa na pumapabor sa mas matandang mga migrante, pagbawas sa mahabang sistema na sinasabing nagtutulak sa mga migranteng kumikita ng malaki na umalis ng bansa.
Tinawag ni Brendan Coates, economic policy program director ng Grattan Institute na ang mga kumplikado at hindi na napapanahong mga panuntunan ay hindi na nakakasabay sa mabilis na pagbabago sa pandaigdigang ekonomiya at nagreresulta ng pagkaantala sa mga proseso.
Giit niyang hindi na anya dapat itarget ng sistema ang mga permanent visa.
Sinabi din nitong maraming umuusbong na trabaho ang dapat pagtuunan gaya ng cyber security na hindi pa bahagi sa listahan ng klasipikasyon ng Australian Bureau of Statistics.
Ilan sa rekomendasyon ng Grattan Institute ay mahahalagang pagbabago sa employer sponsored visa.
Ang mga temporary skilled migration visa ay kasalukuyang available lamang sa mga manggagawa sa ilang trabaho na dapat pa ay kumikita ng $53,900 kada taon.
'Mas simpleng sistema'
Ilan sa rekomendasyon ng Grattan Institute ay mahahalagang pagbabago sa employer sponsored visa.
Ang mga temporary skilled migration visa ay kasalukuyang available lamang sa mga manggagawa sa ilang trabaho na dapat pa ay kumikita ng $53,900 kada taon.
Inirerekomenda ng Grattan na payagan ang mga employer na permanenteng mag-sponsor ng mga migrante na kumikita ng mahigit $85,000 kada taon habang ang lahat ng migrante na kumikita ng $70,000 na eligible sa temporary sponsorship.
Ayon kay Brendan Coates, ang pagpili ng nga skilled migrant base sa kanilang sahod ay magreresulta sa mas simpleng sistema na mas sumasalamin sa kahalagahan ng kanilang skill.

Graph showing decline in net migration during COVID-19.
Napag-alaman sa report na ang mga migrante na sumusweldo ng $70,000 pagdating sa bansa ay mas nakakatanggap ng pagtaas ng sahod kinakalaunan. Ngunit ang mga kumikita ng mas mababa dito ay hindi na nadadagdagan ang sahod at kadalasa'y nabibiktima ng pang-aabuso.
Bagaman ang points-tested visa ay tila epektibo, binibigyang diin ng report ang pagtutok sa mga skill ng pangalawang aplikante gaya ng asawa o miyembro ng pamilya na sinasabing halos kahati ng bilang ng nabibigyan ng permanent visa kada taon.
Sinabi ni Coates na maraming aplikante kaysa visa na inaalok kaya dapat tutukan ang mga taong single o mag-asawa na parehong may mataas na skills.
Ayon pa sa rekomendasyon, ang Business Innovation and Investment Program ay tatanggalin dahil karaniwan ang tumatanggap nito ay matanda at mas mababa ang kinikita kaysa sa mga migrante na employer sponsored.
'Mawawala ang tiwala'
Nagbabala din ang Grattan Institute na ang pagpapalawig sa low skilled temporary migration para tugunan ang kakulangan ng manggagawa ay makakaapekto sa sahod ng nga Australyanong mababa ang kita, mas magiging bukas sa eksploytasyon ang mga nasa industrya at mawawala ang tiwala sa programa ng migrasyon ng bansa.
Nangako ang Labor na dapat magkaroon ng registered nurse bawat aged care centre kada oras ng linggo sa gitna ng 2023 at inaasahan ang migrasyon ang tutulong na makamit ang target.
Tanggap ng report na ang sektor ng pangangalaga ay kakailangan ang madaliang pagtaas sa pagpapasok ng mga mas mababang skilled migrant pero hinihikayat nito ang gobyerno na palakasin ang sahod ng mga nasa industriyang ito.
Kakailanganin ang budget na 125 billion dollars sa loob ng tatlong dekada para maisakatuparan ang sa mga rekomendasyon ng Grattan Institute.