Mga pagbabago sa pagsalubong ng bagong taon sa Sydney at ibang bahagi ng Australia

Habang hinaharap ng NSW ang dumadaming kaso ng COVID-19 sa Northern Beaches cluster, narito ang mga bagong restriksyon na ipinatutupad sa selebrasyon ng bagong taon sa bansa.

Fireworks explode above the Sydney Harbour Bridge during New Year's Eve celebrations in Sydney, Wednesday, 1 January, 2020.

Fireworks explode above the Sydney Harbour Bridge during New Year's Eve celebrations in Sydney, Wednesday, 1 January, 2020. Source: AAP

Dahil sa mga coronavirus restrictions, magiging tahimik ang nakasanayang New Year's Eve celebrations ng Australia sa pagsalubong ng 2021.

Hinihikayat ng mga awtoridad ang mga residene na magpa-test dahil sa dumadaming kaso ng sakit sa NSW. 

Bukas ang mga testing clinic ngayong holiday break hanggang New Year's Day. Mayroong higit 350 COVID-19 testing locations na maaring puntahan sa NSW na bukas buong linggo. para malaman kung saan ang pinakamalapit sa iyo, bisitahin ang  o tawagan ang iyong GP.

— NSW Health (@NSWHealth)

Narito ang pwede at hindi pwedeng gawin sa NYE sa buong bansa.

Northern Beaches

Ang pinakamahigpit na restriksyon ay ipinatutupad sa Northern Beaches area ng Sydney na ng lumalalang outbreak.

Ang mga nakatira sa northern zone ng Northern Beaches ay nasa ilalim ng stay-at-home orders hanggang ika- 9 ng Enero, pero pinapayagan ang mga residente na tumanggap ng hanggang limang bisita sa New Year’s Eve na mula sa parehong lugar.
Ang mga nasa southern zone ng Northern Beaches ay papayagan din tumanggap ng limang bisita sa bahay na mula sa parehong zone. Hindi maaring bumisita ang mga residente ng Greater Sydney sa lugar.

Bukas ang mga Bars, restaurants at venuessa dalawang zone sa Northern Beaches para sa takeaway services.

Greater Sydney

Inanunsyo ni NSW Premier Gladys Berejiklian ang mas mahigpit na restriksyon para sa selebrasyon  ng bagong taon sa Greater Sydney. Sa isang press conference noong Miyerkules, sinabi nyang nagkaroon ng ang NSW sa loob ng 24 na oras.

Ang mga pagtitipon ay limitado sa limang bisita sa Greater Sydney.

"All households in Greater Sydney, that includes Wollongong, the Central Coast, and the Nepean and Blue Mountains, as well as the southern zone of the Northern Beaches, will now be limited to five people per household on New Year's Eve," Ms Berejiklian said.

Ang mga outdoor gatherings naman ay limitado rin sa 30 tao.  

Walang ibinigay na petsa kung hanggang kailan mananatili ang bagong restriction.
Magtungo sa  para sa mas maraming impormasyon


Victoria

Matapos maranasan ang pinaka mahabang lockdown sa bansa, mas relaxed ang magiging selebrasyon ng bagong taon sa Victoria dahil sa 60 araw ng zero locally transmitted cases.

Pero dahil sa tatlong kaso ng community transmission nitong Miyerkules,  muling ipapatupad ang mandato na pagsusuot ng mask. 

Pinapayagan ang pagtitipon ng hanggang 15 tao sa mga tahanan. 

Bukas rin ang mga Bars, restaurants at ibang venues tulad ng nightclubs pero may limitasyon sa dami ng tao.

Kanselado ang annual fireworks display sa Yarra River sa Melbourne  at hinihikayat ang mga residente na huwag pumunta sa CBD. Tanging ang may bookings sa mga venue ang papayagan sa syudad.

New Year's Eve fireworks over the Yarra river and Melbourne at midnight, Wednesday, Jan. 1, 2014. (AAP Image/David Crosling) NO ARCHIVING
آتش‌بازی شب سال نو بر فراز دریای یارا در ملبورن Source: AAP

Queensland

Isa rin ang Queensland sa mga estadong matagal nang walang kaso ng coronavirus. 

Ang mga residente ay pwedeng magtipon ng hanggang 50 tao sa isang tahanan.

Pinapayagan naman ang hanggang 100 tao sa mga outdoor gatherings

South Australia

Sa South Australia, 50 tao ang pwedeng magtipon sa isang bahay pero dapat may espasyo na dalawang square meters sa bawat tao.

Hanggang 200 tao naman ang pinapayagan sa mga private function, alinsunod sa parehong distansya ng bawat tao.

Western Australia

Walang limitasyon ang dami ng tao sa mga pagtitipon sa Western Australia pero dapat may espasyo na dalawang square meters sa bawat tao.

Tasmania

may parehong two square meter rule na ipinatutupad sa Tasmania. Pinapayagan naman ang hanggang 250 tao sa isang indoor venue

1,000 tao ang maaring magtipon sa outdoor spaces

Northern Territory and ACT

Walang limitasyon ang dami ng tao sa pagtitipon sa Northern Territory, pero ipinatutupad pa rin ang 1.5meters social distancing.

Wala rin restriksyon sa bilang ng bisita sa bahay sa ACT pero hanggang 500 tao ang pinapayagan sa outdoor gatherings alinsunod sa two square meter rule
People in Australia must stay at least 1.5 metres away from others. Check your jurisdiction's restrictions on gathering limits. If you are experiencing cold or flu symptoms, stay home and arrange a test by calling your doctor or contact the Coronavirus Health Information Hotline on 1800 020 080.

News and information is available in 63 languages at

Please check the latest guidelines for your state or territory: , , , , , , ,


Share
Published 31 December 2020 12:21pm
Updated 31 December 2020 2:15pm
By Jarni Blakkarly


Share this with family and friends