Feature

Anong mga serbisyo kaugnay sa mental health ang maaari mong makuha?

Para sa mga naninirahan sa Australia na nagsasalita ng iba pang wika maliban sa Ingles (LOTE speakers), maaaring makakuha ng suporta at serbisyo kaugnay sa mental health sa kanilang sariling wika. Alamin kung pano ito makukuha sa inyong estado o teritoryo.

Maaaring ma-access ang iba’t-ibang serbisyo sa buong bansa kaugnay sa mental health sa iba’t-ibang wika, at karamihan sa mga ito ay pinamamahalaan ng mga estado at teritoryo.

May iba’t-ibang sitwasyon o kalagayan kung saan mangangailangan ka ng suporta, nariyan ang mga kondisyong dulot ng coronavirus tulad depresyon at pagkabalisa, pati na rin mga mental illness tulad ng bipolar disorder, post-traumatic stress, personality disorder o psychosis.

Kadalasan, may mga organisasyon na walang tagapagsalin sa iba’t-ibang wika , kung kaya’t ang iba ay ginagamit ang na pinopondohan ng pamahalaang pederal. Maaaari kang tumawag o di kaya’y gamitin ang on-site interpreting services, sa halos 150 wika.

Ang ay isang proyektong pinamamahalaanan ng Mental Health Australia na nakatuan sa kalusugan ng pag-iisip ng mga taong mula sa magkakaibang kultura at wika (CALD background). Layon nitong magbigay ng serbisyo at impormasyon na madaling ma-access ng mga taong nasa grupong ito.

Upang makahanap ng mental health expert na nagsasalita ng kapareho mong wika, bisitahin .

Ang Forum of Australian Services for Survivors of Torture and Trauma (FASSTT) ay isang network ng walong specialist rehabilitation agencies sa Australya na nagtatrabaho kasama ng mga nakaligtas mula sa pang-aaapi at trauma na dumating galing ibang bansa ang nananatili sa Australya. Karamihan ng mga kliyente ng mga FASSTT agencies ay dumating sa Australya bilang mga refugees o humanitarian entrants. May isang FASSTT member agency sa bawat estado't teritoryo sa Australya: 

National mental help Lifelines and services

Mga impormasyon sa Beyond Blue sa iba't-ibang wika:

Mga COVID-19 mental health campaigns ng Health Department na isinalin sa iba't-iabng wika:

New South Wales

NSW Mental Health Line

Ang Mental Health Line ay para sa mga taga-NSW at maaaring tumawag 24/7 sa numerong  1800 011 511

Transcultural Mental Health Centre (TMHC)

Layon ng serbisyong ito na mabigyan ng access ang mga taong kabilang sa culturally and linguistically diverse (CALD) background, makapagbigay ng konsultasyon at assessment, pagtataguyod ng mental health, magkaroon ng  kagamitan para makapagbigay ng kaukulang edukasyon at pagsasanay.

Nagbibigay ng libreng serbisyo ang TMHC sa pamamagitan ng mga bilingual clinicians para sa mga indibidwal at pamilya na konektado sa NSW Health mental health service. Para magamit ang serbisyong ito, kinakailangang makakuha ng referral mula sa isang local mental health team. Para ma-access ang serbisyo sa ibang wika, pumunta sa .

Service for the Treatment and Rehabilitation of Torture and Trauma Survivors, STARTTS

Ang serbisyong ito ay nakatuon sa pagbibigay ng suporta na naayon sa iyong kultura o pinagmulan. Kabilang sa serbisyo ang community intervention para matulungan ang mga tao at ang komunidad na malampasan ang trauma at makapagsimulang muli sa Australya.

Para ma-access ang serbisyo sa ibang wika, pumunta sa .

Victoria

Mayroong directory ng mental health information ang Victoria, kung saan maaaring ma-access ang  iba’t-ibang isinaling impormasyon kaugnay sa mental health:

Dalawa pang organisasyon ang nagbibigay ng mga pagsasanay sa mental health, ngunit hindi ito nagbibigay ng direktang suporta sa mga indibidwal:

Action on Disability in Ethnic Communities (ADEC)

Kasama sa ADEC ang Transcultural Mental Health Access Program (TMHAP) na naglalayong mapadali ang pag-access sa mental health services ng mga taong may iba’t-ibang pinagmulan. Nakikipagtulungan ang organisasyon sa mga katutubong komunidad upang madagdagan ang kamalayan sa mga problema sa mental health at para magkaroon ng access sa mga mental health at carer services. 

Victorian Transcultural Mental Health (VTMH)

Dating kilala bilang Victorian Transcultural Psychiatry Unit (VTPU), ang VTMH ay sumusuporta sa mga clinical mental health services at psychiatric disability support services para sa mga propesyonal na nakikipag-ugnayan sa mga culturally and linguistically diverse (CALD) consumer at carers.

Kasama dito ang enquiry service para sa mga practitioners, serbisyo at pagpapaunlad ng komunidad, edukasyon, programa para sa consumer at carer participation, ngunit walang direktang mga serbisyo para sa indibidwal:

Queensland

Queensland Transcultural Mental Health Centre (QTMHC)

Layunin ng specialist state-wide service na ito na matulungan ang mga tao na may culturally and linguistically diverse (CALD) background na makakuha ng mental health care at suporta na naaayon sa kanilang nakagisnang kultura.

Maaaring makakuha ng mga isinalinng impormasyon sa: at magkaroon ng access sa mga propesyonal, sa pamamagitan ng mga local mental health coordinator:

Queensland Program of Assistance to Survivors of Torture and Trauma (QPASTT)

Ang QPASTT ay ngabibigay ng serbisyo na angkop sa kanilang kultura at pinagmulan para mapabuti ang kalagayan ng mga taong nakaranas ng trauma at paghihirap bago makarating sa Australya.

Nagbibigay sila ng libreng psychological at social support, kabilang ang counselling:

World Wellness Group

Narito ang mga programa ng World Wellness Group na naka-base sa Brisbane:

Harmony Place

Ang Harmony Place ay isang non-government community-based multicultural organisation na nagbibigay ng serbisyong pangkalusugan na sensitibo sa kultura para sa mga tao na may Culturally and Linguistically Diverse (CALD). Nakikipagtulungan sila sa mga taong mahigit sa 12 taong gulang kabilang ang mga migrante at kanilang mga anak, mga refugee, naghahanap ng asylum, skilled migrant at kanilang asawa.

Ang samahan ay nakabase sa Queensland, na nakatuon sa mga taong may magkakaibang kultura Southeast Queensland region ng Brisbane, Logan, Ipswich at Gold Coast.

Mental health line

Ang 1300 MH CALL (1300 642255) ay confidential mental health telephone service para sa mga Queenslanders na nagsisilbing first point of contact para sa mga mental health services para sa publiko.

Northern Territory

MHACA (Central Australia)

Ang serbisyong ito ay para sa higit 18 taong gulang na mayroong mental health condition.

TeamHealth (Darwin)

Ang TeamHealth ay nagbibigay ng serbsiyo at suporta sa mga taga-NT na may problema sa mental health:

Maaari din ma-access ang TIS. Ang website ay naglalaman ng mga impormasyon na nakasalin sa inyong wika at sa higit 80 iba pang lenggwahe.

The Northern Territory Mental Health Coalition (NTMHC)

Ang NTHMC ay ang peak body para sa mental health services na pinamamahalaan ng komunidad sa Northern Territory.

Northern Territory Mental Health Line: 1800 682 288

Maaaring ma-access ang mental health services sa estado sa pamamagitan ng Mental Health Helpline at maaaring kumuha ng tagapagsalin kung kinakailangan: https://www.tisnational.gov.au/

Western Australia

West Australian Transcultural Mental Health Centre

Ang serbisyong ito ay magagamit lamang sa Royal Perth Hospital at para sa tatlong sesyon matapos makaalis ang pasyente sa ospital. Maaari ding mag-request ng tagapagsalin sa telepono man o sa personal.

Tasmania

Phoenix Centre

Ang Phoenix Centre ay pinapatakbo ng Migrant Resource Centre at nagbibigay ng specialist services para sa mga nakaranas ng torture at trauma. Nagbibigay din sila ng counselling atmga pagsasanay at proyekto na nagsasaalang-alang ng kapakanan ng komunidad. Nakabase ang mga kawani ng Phoenix Centre sa Hobart at Launceston at nagbibigay ng serbisyo sa buong estado.

Naghahatid ng serbisyo ang gobyerno ng Tasmania para sa mga residenteng may malubhang kondisyon sa mental health sa mga in-patient facilities, sa komunidad, mula mismo sa mga government cinics o sa pamamagitan ng mga pangunahing health care providers, mga pribadong espesyalista, pati na rin ang mga GP.

Para sa karagdagang impormasyon:

Helpline para sa assessment at referral call:  1800 332 388

Parehong nagbibigay serbisyo ang mga counsellor sa mga bagong dating sa Australya at sa mga matagal na sa bansa. MAyroon ding mga espesyalista na magbibigay tulong sa mga nakatatanda at mga kabataan.

Maaaring ma-acees ang mental health crisis service sa pamamagitan ng pagtawag sa telepono (1800 629 354 or 02 6205 1065) o sa website nito

South Australia

Relationships Australia

Ang serbisyong Personal Education and Community Empowerment (PEACE) ay nakatuon sa paghahatid sa mga komunidad mula sa CALD background. Anuman ang kanilang hawak na visa, ang PEACE ay nagbibigay ng mga serbisyo na makakatulong sa mga indibidwal, pamilya at komunidad:



Share
Published 9 June 2020 8:44am
Updated 4 October 2022 4:49pm
By SBS/ALC Content
Presented by Roda Masinag
Source: SBS


Share this with family and friends