Mental health: Paano pangalagaan ang sarili

Ang sakit sa pag-iisip ay kinokonsiderang isang pangmundong epidemya kung saan apektado ang 300 milyong tao at halos 50 porsyentong Australyano ang makakaranas ng isang pangunahing problema sa pag-iisip sa kanyang buhay. Sa tumataas na pigura, mahalaga na bantayan ng bawat miyembro ng komunidad ang pangkaisipang kalusugan ng bawat isa.

October is Mental Health Awareness Month

Vulnerable times for young people to experience mental health issues at between 18-24 yrs when they experience significant life changes Source: Getty Images

Sa panayam kamakailan ng SBS Filipino sa chairman ng Mental Health Foundation Australia na si Jim Goodin at MHFA multicultural ambassador Lora Love, naniniwala silang hindi pa sapat ang ginagawa ng gobyerno upang tugunan ang kakulangan sa serbisyong komunidad ng kalusugan."The sysytem is in chaos in a certain sense there is some money going to acute services but there is not a lot of money going into community services." sabi ni Jim ng MHFA.

Sa 2016-2017 lamang, ang pagpapakamatay ay ang nangungunang dahilan ng kamatayan sa mga may edad 15 at 44 taong gulang. Naniniwala ang MHFA na ang antas ay tataas pa sa mga paparating na taon na siyang dahilan upang ito ay maging isang teribleng problema ng lipunan. "686 Victorians took their lives between 2016-17 and it is going up," sabi ni Jim.

Habang naniniwala si Jim na ang polisiya ng gobyerno ng 10 taong plano para sa pangkaisipang kalusugan upang bawasan ng kalahati ang antas ng pagpapakamatay sa taong 2025 ay isang mabuting kilos, sa palagay niya ay magiging mataas pa rin ang antas sa panahong ito. "It's a wonderful thought but we are going in the wrong direction, it's not happening. If we would cut it in half, it would still be higher from the Victorian road death rate. So there are 259 road deaths each year and if you would cut it, it's still massively out of whack."

Lumabas sa isang bagong survey mula sa Royal Australian College of GP na 62 porsyento ng mga problema na hinaharap ng mga GP araw-araw ay may kaugnayan sa kalusgan ng pangkaisipan." We can't ignore that any longer. We can't as a community ignore that any longer. It's a frightening statistic," sabi ni Jim.

Papel ng pamilya at komunidad

The community and family members play an important role in keeping each member mentally healthy according to MHFA multicultural ambassador Lora.

Ang mga miyembro ng pamilya at komunidad ay may mahalagang papel sa pagpapanatili na malusog ang isip ng isa't isa ayon sa MHFA multicultural ambassador na si Lora. "They're playing a big role because they are the ones living with whoever is going through that. For a change to happen there needs to be an acknowledgement and acceptance. But also just the basic, are you okay? What's happening? Making time with the family, having a chitchat. We know our loved ones best so you know when they're behaving differently then it's okay for us to approach them," sabi ni Lora.

Aktibong itinataguyod ni Lora ang kaalaman tungkol sa kalusugan ng pangkaisipan sa buong komunidad Pilipino dahil naniniwala siyang ito ay isang pagtawag na kanyang sinasagot at para sa isang tao na dumaan sa isang pagsubok sa pangakaisipan, nais niyang alisin ang stigma nito. Umamin siyang humingi ng propesyonal na tulong upang malabanan ang dinaanang yugto ng depresyon. "Through external experiences from a very toxic relationship, I ended up having the black dog (depression). It broke me to a point that I didn't want to be around anymore," naiiyak na sinabi ni Lora.

Pagpapanatiling malakas at malusog ang isip

Sosyal

Dahil stress ang unang senyales, hinikayat ni Jim ang mga taong i-monitor ang sarili. "Just as we look after our nutrition, sleep and exercise patterns and all of those feed into mental health as well. We also need to monitor our stresses, what we put ourselves through. Understand and remember that each of us individually has a certain tolerance for stress and a major event can be a trigger, don't allow it to be a surprise, in a sense expect that might occur, " sabi ni Jim. 

Sikolohikal

Ang mg sikolohikal na sakit ay tumutukoy sa mga pangkaisipang sakit o saykayatrikong sakit. Ang sakit sa isip ay pattern ng mga sintomas ng asal at sikolohikal na nakakaapekto sa maraming mga lugar sa buhay. Ang mga sakit na ito ay maaring maglikha ng pagkabalisa sa taong nakakaranas ng sintomas. "There are also other people that psychologically have a problem maybe just because their thought their way of thinking about things is too negative. We can retrain the way that we think so that we think a little bit more positively about things." Dagdag ni Jim.

Byolohikal

Isa din sa grupo ng tao ay ang mga nakakaranas ng byolohikal na kondisyon tulad ng schizophrenia, bipolar disorder, obsessive-compulsive disorder at iba pang neuro-developmental na sakit. Mahalaga na isipin ito sa pamamagitan ng sosyal, sikolohikal at medical na perspektibo dahil sa bawat isa ay maaaring kombinasyon ng lahat ng bagay kaya ito ay mas nagiging mahirap. "If you're not coping with the things that you want to do with your life to make it more satisfying and happy, and there's something going wrong and  you're not achieving your potential that you have set for yourself.  That's the first indication that you might be struggling with your mental health and that's the time to do something about it," sabi ni Jim.

Kung ang isang tao ay dumadaan sa isang pakikibaka sa pangkaisipan, mas mabuting ito ay bigyan ng aksyon upang maputol ang pattern ng depresyon."Prevention early intervention is much more likely to make a successful result than leaving it and having to be cured further down the track," dagdag ni Jim.

Pakiusap ni Lora sa pamilya at komunidad na maging maingat at maunawain kung ang isang miyembro ay nagsalita tungkol sa kanyang paglalakbay sa pangkaisipang kalusugan."Don't say it's all in the head. Unfortunately, in the Asian background, it's a big stigma. We need to be understanding and just listen. It's a big step for anyone who can finally open up to someone," pagbabahagi ni Lora. 

Giit din ni Jim ang kalusugan sa pangkaisipan ay mayroong makapangyarihang kaugnayan sa ibang mga isyung lipunan ng bansa." It feeds to everything else, it is a connection to homelessness, it is a connection to drug addiction, substance abuse. It links into so many other things. The key link in my view and the view of MHFA is individual mental health and community mental health".

BASAHIN DIN:
SUNDAN ANG SA .

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 


Share
Published 8 November 2018 3:12pm
Updated 20 July 2020 4:03pm
By Claudette Centeno-Calixto


Share this with family and friends