Teenager lamang noon si Semonti noong una siyang naghanap ng tulong para sa kanyang mental health mula sa isang school counsellor.
Saad ng babaeng ito na taga-Melbourne, na ngayo'y nasa kanyang 20s na, na nahirapan siya noon sa pagharap sa mga hangarin niya ukol sa kanyang edukasyon at kinabukasan.
“I was lonely and had difficulty navigating culture clashes between an Australian and Bangladeshi Hindu upbringing,” saad niya sa SBS News.
Ngunit nang pumunta siya sa isang psychologist na may ibang cultural background sa kanya, nadiskubre niya na hindi nito maintindihan ang kanyang pinanggagalingan.
“Maybe it was because of our cultural barriers,” aniya.
“It would have been better to have someone of, like, South Asian descent who was also Hindu to be able to help me sort out my challenges.”
Hangarin ng isang bagong online resource na inilunsad noong Sabado na tumulong sa hamong ito, Maaari ng kumunekta ang mga taong mula sa culturally and linguistically diverse backgrounds sa Australya at ang mga mental health professionals gamit ang HeartChat.
Layunin ng proyektong ito na maging one-stop-shop, at magbigay ng isang online directory ng mga counsellors at psychologists na may kaparehong kultura o pananampalataya - pati na rin ang kanilang appointment durations at fees - at opsyon na mag-book ng telehealth appointment.

هارتچت حاوی معلوماتی چون زبان و باورهای مذهبی متخصصان نیز میباشد. Source: HeartChat.com.au
Ideya ito ng clinical neuropsychologist na si Dr Judy Tang, na commissioner din sa Victorian Multicultural Commission, na siyang nag-fund ng proyekto.
Ang resource na ito ay resulta ng kanyang mga karanasan sa pagtatrabaho niya sa field na ito bilang isang taong galing sa Asian background.
“I've had clients come to me saying, ‘It's been so hard for me to find someone like you, someone who can speak my language or know my culture. It took me ages just to get this booking’,” saad ni Dr Tang, na nagsasalita ng Mandarin.
“I just wanted to make [mental health support] more accessible for our communities.”
Culturally appropriate na suporta
Minsan mas madaling makipag-usap sa isang taong kapareho mo ng religious norms, cultural nuances, o political o sexual preferences din ay mahalaga - at maaari rin itong makasagip ng buhay.
Kinwento ni Dr Tang ang ukol sa isang psychologist na sinabi sa isang kliyenta niyang mula sa Asian background na “do it for yourself” noong sinusubukan nitong tulungan na gumawa ng mga pagbabago sa buhay niya.
“The person said back, ‘Well, actually, since I'm from an Asian background, if he had told me to do it for my family that would have been much more effective’,” saad ni Dr Tang.
Saad din niya na minsan may mga maling suhestyon ang mga propesyunal kapag kulang ang pagkaintindi nila sa kultura ng kanilang kliyente.

Some of the professionals listed on HeartChat. Source: HeartChat.com.au
“Someone from an Indigenous background … [was told] to ‘go out bush and be with your people’, and that's not necessarily what that Indigenous person would have identified with,” aniya.
“It's unfortunate that sometimes mental health professionals just have their own assumptions that can come up wrong when it comes to culture or faith."
Saad din ni Dr Tang na minsa'y hindi humihingi ng tulong ang iba dahil sa cultural at language barriers.
“When they get it so wrong, in some cases, that's when a person loses interest and motivation to continue on accessing mental health services, and that's what we definitely don't want to give, that negative experience, to our multicultural communities.”
'I know where they're coming from'
Matagal ng hirap makahanap na ng support services ang mga culturally diverse Australians dahil sa language o cultural barriers, stigma sa kanilang mga komunidad pagdating sa mental illness o kakulangan ng kaalaman ukol sa kung papaano mag-umpisang maghanap ng tulong.
Nang mangyari ang pandemya, ng tumaas ang mga tawag sa mga mental health support services at humaba ang mga waiting times upang makahanap ng tulong sa mga propesyunal, mas naging mahalaga na maka-access ng tulong ang mga tao.
“It's impacted everyone and especially our multicultural communities around limitations to visiting family, which is for a lot of cultures a very important aspect of their life,” saad ni Dr Tang.
Ang isa sa mga psychologists na sumali sa HeartChat ay ang Sydney-based na si Jelena Zeleskov Doric, na mula sa Serbian background.
Madalas nakakatanggap ng mga tawag si Dr Doric - na nagsasalit ng limang Balkan languages at Bulgarian - mula sa mga kliyenteng naghahanap ng nagsasalita ng kapareho nilang wika.

یکی از روانشناسانی که نامش را درج هارتچت کرده، جِلِنا زلسکوف دوریک است. Source: Supplied
“Some of them, they just don’t know English and, you know, they cannot express themselves as well,” saad ni Dr Doric.
“Especially from a psychological perspective, like when you want to talk about your feelings and relationships, emotions, it's really difficult sometimes.”
Aniya, nakaka-relate siya sa kanila at hindi na nila kinakailangang ipaliwanag pa ang kanilang cultural practices o customs. Hindi nila nararamdaman na hinuhusgahan sila.
“For me, it's easier to understand because I know where they're coming from," saad niya.
“You can read about different cultures but if you're not coming from a particular culture you will never understand what those people are experiencing.”
Sinusuportahan din ni Dr Doric ang mga kliyente niya mula sa Asian background na umaming hirap silang makahanap ng propesyunal na migrante din.
“They approached me because they want to discuss cultural identity issues, because I come from different cultures - I live here and been raised there - so, you know, there is that diversity."
Bisitahn ang para sa kumpletong direktoryo para sa mga mental health professionals, o upang magrehistro para dito bilang isang propesyunal.
Itong din ay may listahan din ng in-language mental health support services sa Australya.
Ang mga naghahanap ng crisis support ay maaaring tumawag sa Lifeline sa 13 11 14, Suicide Call Back Service sa 1300 659 467 at Kids Helpline on 1800 55 1800 (para sa mga edad 5 hanggang 25). Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang at .
Sinusuportahan din ng ang mga taong mula sa culturally at linguistically diverse backgrounds.