Kumusta ang pakiramdam mo? Bakit mahalaga ang self-check- in para sa iyong kalusugan at kapakanan

Ang pagsusuri sa iyong sarili sa pamamagitan ng pagtatanong ng hanay ng mga tanong ay isang epektibong paraan upang masuri ang iyong mental health at buong pagkatao o kapakanan.

Maaari rin itong maging sukatan kung ipagpatuloy ang iyong ginagawa, o kung kinakailangan na gumawa ng hakbang upang humingi ng tulong mula sa eksperto ng kalusugan, kabilang ang isang GP o doktor.

Ang sumusunod na self-check-in infographic- na ginawa ng Centre for Rural and Remote Mental Health at inendorse ng Embrace Multicultural Mental Health Project- ay nagtatakda ng anim na mga tanong para pag-isipan ng isang indibidwal kapag tinatasa ang kanilang sariling kalusugan at kapakanan:

MYH_Infograph_Filipino.jpg
Ang Embrace Project ay pinangangasiwaan ng Mental Health Australia at pinagtuonan ng pansin ang kalusugan ng pag-iisip o mental health at kung paano mabawasan ang kaso ng pagpapakamatay o suicide sa mga taong mula sa culturally at linguistically diverse (CALD) background.

Ito ang nagbigay ng pambansang plataporma para sa mga Australian mental health services at multicultural na komunidad na ma-access ang mga resources, serbisyo at impormasyon sa isang format na naa-access ng kultura.

Si Ruth Das, na mula sa , ay inihayag sa SBS ang tungkol sa mga partikular na aspeto na dapat isaalang-alang ng isang indibidwal kapag sinasagot ang bawat tanong sa self-check-in.

Tanungiin ang iyong sarili:

Q1. Kumusta ang pakiramdam ko?

Mga follow-up na tanong: Ang pakiramdam ko ba ay okay? Kailangan ko bang kumuha ng payong medikal at kaunting suporta?

Q2. Hirap ba akong matulog?

Mga follow-up na tanong: Nahihirapan ba akong makatulog? Puyat ba ako sa gabi dahil sa kakaikot lang sa kama?

Q3. Napipikon ba ako kahit sa maliliit na bagay?

Mga follow-up na tanong: Kapansin-pansin ba ang pagiging iritable o maiyamutin ko? Agad ba akong nagagalit kahit sa mababaw na komento?

Q4. Pakiramdam mo ba hindi mo ma-kontrol ang mga pangyayari?

Mga follow-up na tanong: Palagi ba akong bugnutin o sinusumpung?

Pinaliwanag ni Ms Das, ang mga sagot ng isang indibidwal sa mga tanong na ito ay maaaring magpahiwatig kung nangangailangan silang suporta.

Mga karagdagang dalawang mga follow-up na tanong:

Q5. Gumalaw-galaw ba ako ngayon?

“Mahirap kumilos kapag ikaw ay malungkot, pakiramdam na guilty o nag-iisa. Mahirap hilahin ang sarili para tumayo kapag malungkot," sabi ni Ms Das.

Kapag ang negatibong pakiramdam ay nagiging balakid kahit sa pagbangon mula sa kama, ang pagsisimula ng mga simpleng bagay tulad ng pagbabasa o pagtatanin ng halaman ay nakakatulong ng malaki.

Mula sa maliliit na paggalaw, ang isang indibidwal ay maaaring umunlad sa mga aktibidad na nagpapasigla sa isip at katawan.

Mula sa kaunting paggalaw-galaw, ang isang indibidwal ay maaaring maging aktibo sa buhay na magpapasigla ng isipan at katawan.

“Mag-ehersisyo. Gawin ang mga bagay na nagpapasaya sa iyo. Sumali at maging aktibo sa komunidad, relihiyosong grupo man o sa palakasan o sports.

“Maaari kang sumali sa isang book club, isang chess club o anumang aktibidad sa komunidad na nagpapagalaw ng iyong isipan at katawan.

“Seguraduhin ding alagaan ang iyong pisikal na pangangatawan. Kumain ng tama. Magkaroon ng healthy diet. Dapat magkaroon ng sapat na tulog. Bawasan ang dami ng iniinom na alak at iba pang gamot na iniinom.

Q6. Nakikipag-usap ba akong sa mga mahal ko sa buhay?

Kapag mahirap gawin ang isang bagay nang mag-isa o simulan ang pagbabago sa iyong sarili, ang pakikipag usap sa mahal sa buhay ay maaaring ang lakas na kinakailangan mo.

“Malungkot at maaaring lumalayo ka sa mga kaibigan mo, hindi gaya ng dati. At ang pagbabagong yan ay napapansinn ng mga nagkapalibot sa'yo, ngunit mahalagang ibahagi kung ano ang nangyayari sa iyo," dagdag pa ni Ms Das.

“Tanungin mo kung pwede ka nilang samahan, baka magkape lang kayo. Isa itong paraan para maibahagi mo ang bigat na nararamdaman at paraan din ito para makahingi ng suporta."


Ang mga stigma at hindi gustong mga label tungkol sa mental health ay patuloy na nananatili sa mga culturally at linguistically diverse (CALD) na mga komunidad sa Australia.

Ngunit habang ang kahihiyan o pagpapahiya sa mga ito ay maaaring nakalakip, inulit ni Ms Das na ang paghingi ng suporta ay dapat na gawing normal sa loob ng mga komunidad na ito.

Para sa higit pang nakabalangkas at detalyadong suporta sa mental health, kumunsulta sa isang GP.

"Kung kailangan mo, maaari kang humingi ng interpreter kapag makipagkita ka na sa iyong GP," sabi ni Ms Das.

"Kung wala kang regular na GP at naghahanap pa, magtanong tungkol sa karanasan sa mental health ng mga doktor."

Magdala ng pamilya o kaibigan sa panahon ng appointment sa iyong doktor upang makatulong silang maipaliwanag kung ano ang iyong pinagdadaanan.

"Kapag pumunta ka sa GP, magtatanong sila para gawing sukatan sa pinakamahusay na suporta at paggamot para sa iyo. Magtanong sa pwede mong mga pagpilian o opsyon.

“Walang dapat ikahigaya sa paghingi ng tulong. Dahil pakatandaan ang mga suliranin ay normal na bahagi ng buhay."

Binibigyang-diin ni Ms Das na ang matagal na pakiramdam ng malungkot o negatibo sa buhay ay isang bagay na kailangang pagtuonan ng pansin.

"Maaaring na-stress ka sa loob ng mahabang panahon o, hindi mo na kayang gampanan ang iyong mga responsibilidad.

"Hinihikayat namin ang mga tao na mas maiman na suriin nang maaga ang kanilang mental health."

Para sa mga nagbabasa na naghahanap ng suporta sa mental health makipag-ugnayan sa sa 13 11 14 o sa 1300 22 4636.

Ang ay sumusuporta sa mga indibidwal mula sa mga culturally at linguistically diverse backgrounds na mga komunidad sa Australia.

Share
Published 26 September 2022 1:52pm
Updated 4 October 2022 2:45pm
By Nikki Alfonso-Gregorio
Presented by Shiela Joy Labrador-Cubero
Source: SBS


Share this with family and friends