Tumapak sila sa may mat, matapang at naka-pokus. Isang pagkakamay na biglang nasundan ng pagsubok na tulakin ang bawat isa. Nakapulupot na mga braso't binti. Nakikipagbunuan na mga katawan. Isang minuto lamang ang nakalipas ng mahulog ang isa, habang ang isa nama'y nasa ibabaw niya. Ang nasa ilalim ay nag-tap out, habang nakatayo ang nanalo. Kumakaway ang nanalo sa madla, habang inaayos ang kanyang buhok.
Habang patuloy na sinasakop ng mga kalalakihan ang Brazilian jiu-jitsu, dumarami na rin ang mga kababaihang sumasali dito. Isa na dito ang Melburnian na si Apryl Eppinger na lumalaban para sa Philippine National Team at lumalahok sa Australian Freestyle Wrestling. Sa kasalukuyan, hawak ni Ms Eppinger ang purple belt. Lumahok na rin siya sa mga kompetisyon gaya ng Sydney International Open IBJJF Championship, ang Oceania Wrestling Championships, at ang Asian Championship sa Vietnam.
"[Jiu-jitsu is] like a game of chess, but with your body. Instead of using striking or punching to win over your opponents, [you strategise]. It's an excellent mental and physical challenge."

"Jiu-jitsu is like a game of chess, but with your body." Source: Apryl Eppinger
Ms Eppinger, na isinilang mula sa isang half-Filipino na ina at ama mula Alemanya, ay sanay sa mga pagsubok; siya ay cyclist para sa Philippine National Team bago siya lumipat sa jiu-jitsu. Dahil dito, kinailangan niyang baguhin ang paggamit niya ng lakas, sa isang isport na hindi niya kilala hanggang sumali siya sa isang sesyon kasama ng isang kaibigan at fellow cyclist.
"So I contacted [my friend] and told her, I'm going to come train with you guys and give this jiu-jitsu thing a try," aniya, "I was hooked instantly."
At kapag na-hook si Ms Eppinger, kumakapit siya. Napagpasyahan niyang ilaan ang kanyang buong sarili sa isport, at dahil sa pag-laan na ito, umalis siya sa kanyang trabaho sa Superannuation upang mag-aral ng Sports Psychology at magturo at magtrabaho sa jiu-jitsu gym kung saan siya nag-eensayo.
Nagtuturo si Ms Eppinger ng klase kada-Sabado para lamang sa mga kababaihan; at ayon sa kanya, natutuwa siya na dumarami na ang mga babaeng sumali sa jiu-jitsu sa Pilipinas at Australya nitong mga nakaraang taon.

Apryl Eppinger with the other members of the Philippine National Team. Second to the left is Meggie Ochoa, three-time jiu-jitsu world champion. Source: Apryl Eppinger
Hinihimok ni Ms Eppinger ang mga babae at mga bata na subukan ang isport; at aniya, matuto silang mas magtiwala sa kanilang mga sarili dahil dito. Naiimpluwensyahan din ng tiwalang ito ang ibang aspeto ng kanilang mga buhay.
"[It makes] you feel like you can problem-solve your way out of anything. If you can solve this problem here, it can help you in everyday life," sabi niya.
Para kay Ms Eppinger, ang pagiging bahagi ng komunidad ng jiu-jitsu ay pagkakaroon ng pangalawang pamilya na may miyembro mula sa iba't ibang bahagi ng mundo. Ayon sa kanya, itinataguyod ng isport ang pagkakaisa at respeto. Upang maging matagumpay sa jiu-jitsu, kinakailangang talikuran mo ang kayabangan at pagiging makasarili. Sa bagay, aniya, "You need people to train with. You can't train by yourself. Otherwise it would look kind of funny - someone rolling around on the floor by themselves."
At kapag magkaroon ka na ng oportunidad na lumaban, ang isang kagandahan ng isport ay kapag babae ka, hindi gaano kahalaga ang laki o lakas mo. Mas mahalaga ang stratehiya mo.
“No matter what body type you are, you can learn the techniques that best suit your body type. [Jiu-jitsu is not a sport] that you need to have power [or] speed. [It] has different styles that can suit different body types and strength,” aniya, habang binabahagi na isang pinakamaliit na miyembro ng Philippine team ay si Meggie Ochoa, isang three-time world champion.
Maliban sa pagiging bahagi ng isang koponan, sumali na rin si Ms Eppinger sa adhikain ni Ms Ochoa na . Ito ay isang grupo na nakatuon sa pangangalaga, pag-rehabilitate at pag-empower sa mga batang biktima ng sekswal na pang-aabuso sa Pilipinas sa pamamagitan ng pagtuturo sa kanila ng jiu-jitsu. Ang adhikain na ito ay itinaguyod mula sa suporta ng Safe Haven for Kids.
"The kids are amazing. They're so cute and cheeky," saad niya, "Just to see them smile...They're my heroes just because they're so strong. They keep coming back...Whatever they're dealing with, they just keep trying to be better."
Habang hindi masosolusyunan ng jiu-jitsu ang lahat ng pinagdaanan ng mga bata, saad ni Ms Eppinger na malaki na ang pagbabago sa mga bata. Dahil sa jiu-jitsu, nabawasan ang pakiramdam nila ng pagiging helpless, mas naramdaman nila ang pagtitiwala sa sarili at sa iba.

Apryl Eppinger supports and promotes her friend Meggie Ochoa's advocacy, Fight to Protect. Source: Apryl Eppinger
At sa huli, ito ang jiu-jitsu. Hindi ito naka-base lamang sa laki, lakas at bilis. Hindi ito tungkol sa lakas at bilis ng suntok. Ito ay tungkol sa pagtitiwala sa sarili, at sa stratehiya. Tungkol ito sa pagkakaisa at respeto. Tungkol ito sa paghahanap ng paraan kung papaano gagana at tatakbo ang sarili mong katawan - maging maliit ka man o matangkad, bata ka man o matanda, lalaki ka man o babae.
BASAHIN / PAKINGGAN DIN