Gaano mo kaalam ang Aussie political language?

Maaring naninibago ka sa mga salitang ginagamit tuwing halalan dito sa Australia. Huwag mag-alala, narito kami para matutunan mo ang mga iyon.

General view of Parliament House Canberra

General view of Parliament House on Budget Day in Canberra, Tuesday, 2 April 2019. (AAP Image/Lukas Coch) NO ARCHIVING Source: AAP

Maraming salita ang ginagamit ng kapwa mamamahayag at pulitiko tuwing pinaguusapan ang pulitika dito sa Australia. Kalimitan ay hindi ito maintindihan ng isang pangkaraniwang tao.

Isang ang aming ginawa para mas mapadali ang iyong pagkakaintindi ng mga balita patungkol sa halalan.

Ilan sa mga pinaka-kilalang political term dito sa Australia ang 'pub test' na siyang ginagamit upang ilarawan kung ang isang bagay ay pinapaniwalaan ng isang Australyano araw araw. O kaya, 'dog-whistle politics' na ginagamit naman upang tukuyin ang isang mensaheng nag iiba depende sa tagapakinig lalo na kapag mas maliit itong grupo.
May malaking impluwensya ang ang pulitika at kultura ng US at Britain sa mga political terms dito sa Australia. 

Ilan sa mga British political term na nakarating dito sa Australia ay ang konsepto ng 'nanny state', na nangangahulugang isang pamahalaan o polisiya na nakakasagabal sa mga desisyon ng mga tao, at 'hustings' na ang ibig sabihin naman ay isang pulitikal na pagtitipon sa panahon ng halalan. Nakuha naman sa US ang salitang 'pork barrelling' na nangangahulugang paggastos ng pera sa mga electorates upang makakuha ng boto.

 


Share
Published 25 April 2022 3:55pm
Updated 26 April 2022 12:46pm
Presented by David Joshua Delos Reyes


Share this with family and friends