Paano gumawa ng homemade burger na swak sa inyong panlasa

Bakit pa kailangan mag-order ng take-away kung pwede kumain ng masarap, makatas at nakakatakam na burger sa loob ng iyong bahay. Ibinahagi ni Dan Soto ng St Burgs ang isang masarap na homemade burger para sa pamilya.

Who can resist a juicy homemade burger? Dan Soto/ St Burgs

Who can resist a juicy homemade burger? Source: Dan Soto/ St Burgs

Sa kabila ng rason na ang burger ay puno ng calories na sinasabing nakakataba, sino ba ang makaka-tiis na di kumain ng isang masarap, makatas at nakakatakam na burger?

Ibinahagi ni Dan Soto ng St Burgs ang isang homemade burger recipe na perpektong i-enjoy ng pamilya ngayong school holidays.

Finishing Up Delicious Cheeseburgers
Young Male Cook Adding Final Details to Delicious Cheeseburgers Source: E+

Homemade Beef Burger

Mga sangkap:

Para sa burger patty:

500 grams na quality beef mince (nakakagawa ng 4 patties)

4 American cheese slices

1 Sibuyas

1 Baby cos Lettuce

2 Kamatis

1 bote ng bread at butter pickles

4 Burger buns (Inirekomenda ni Dan Soto ang Aldi brioche buns)

Whole egg mayo

Ketchup

Mustard

Gherkins o pickled cucumber

Para sa espesyal na sauce:

1/2 Cup Mayo

2 Kutsara ng Ketchup

2 Kutsara ng Mustard

2 Kutsara ng hiniwang gherkins

2 Kutsarita ng tinadtad na sibuyas

1/4 Kutsarita ng tinadtad na bawang

READ MORE

Paraan ng paggawa:

1. I-roll ang apat na magkaparehong sukat na bola mula sa iyong minced beef.

2. Painitin ang isang heavy cast iron skillet hanggang ito ay maging napaka-init.

3. Ilagay ang naka-roll na bola ng beef sa skillet at ipitin pababa ng isang metal spatula hanggang magkaroon ng diyametro ng isang burger patty. (Ulitin ang hakbang sa ibang bola)

4. Panatilihing nakaluto ng isang minuto pagkatapos ay baliktarin at ipatong ang sliced cheese.

5. Kapag natunaw na ang cheese, tanggalin mula sa skillet.

6. Lagyan ng butter ang mga bun at ilagay sa isang bagong grill pan upang i-toast, kapag naging golden brown ay tanggalin at maari nang simulan ang pag-aayos ng burger.
Burgers on Charcoal Grill
Burgers on Charcoal Grill Source: Moment RF

Paano ayusin ang burger

Ang pagiging tumpak sa kung paano aayusin ang burger ay magpapanatili sa iyong bun na magaan, malutong at makakaiwas sa pagkalat.

Mula sa baba hanggang sa taas

1. Bun 

2. Espesyal na sauce

3. Lettuce (Isang dahon)

4. Patty at cheese

5. Nakahiwang kamatis

6. Ketchup, mustard at pickles pagkatapos ay ang bun
Dan Soto/St Burgs Being precise in how you layer your burger keeps your bun light and crispy and prevents slippage.
Being precise in how you layer your burger keeps your bun light and crispy and prevents slippage. Source: Dan Soto/St Burgs
BASAHIN DIN:

Share

Published

Updated

By Claudette Centeno-Calixto


Share this with family and friends