Magsisimula na ang FIFA World Cup 2022™ sa ika-21 ng Nobyembre 2022 at mapapanood ang broadcast sa SBS sa Australya. 64 na laro ang matutunghayan ng live at libre sa pamamagitan ng mga sumusunod:
- Digital audio radio DAB
- Online sa
- SBS Radio mobile app para sa |
Paano ito mapapakinggan
Tumutok sa nakalaang istasyon sa FIFA World Cup 2022™ gaya ng SBS Football 1, 2 at 3 sa inyong DAB radio, sa wesbite ng , o sa pamamagitan ng libreng SBS Radio mobile app, para mapakinggan ang bawat laban ng live sa 12 wika.
- SBS Football 1 (available na sa ngayon): Live na mapapakinggan ang mga komentaryo ng bawat laban sa wikang Ingles sa buong torneo kasama ang mga musika na may tema ng World Cup.
- SBS Football 2 and 3 (ilulunsad sa ika-14 ng Nobyembre): Live na mapapakinggan ang mga komentaryo ng mga laro sa wika ng lalabang koponan.
- SBS Arabic24: Live na mapapakinggan ang mga komentaryo ng bawat laban sa wikang Arabic.
Ang mga komentaryo ng laro ay magmumula sa mga broadcast partner ng FIFA World Cup™ mula sa buong mundo at ihahatid ng SBS sa mga wikang Arabic, Spanish, Portuguese, French, German, Dutch, Croatian, Polish, Japanese, Korean, Persian, at English.
Sa panahon ng torneo, ang SBS Radio 3 ay magiging SBS Football 2 - na magbibigay ng komentaryo sa bawat laro na nasa iba't ibang wika. Para patuloy namang mapakinggan ang mga programa ng BBC World Service sa mga pagkakataong ito, bisitahin ang para sa live web stream.
Makinig ng mga awiting tungkol sa Football
Bukod sa mga komentaryo sa bawat laro, pakinggan din ang tuloy-tuloy na mga awiting tumatak na may temang football kabilang ang mga opisyal na kanta sa mga nakaraang torneo at ilan sa mga pinakamagandang (at hindi) na mga pambansang awit. Simulan na agad ang inyong pagtutok sa World Cup at makinig ng live ngayon sa SBS Football 1, sa DAB radio o sa .
Mga araw at oras ng FIFA World Cup 2022ᵀᴹ
Maaring puntahan ang buong schedule ng mga komentaryo ng laro sa bawat wika ng SBS Radio sa na ito.
- Group Stage: November 21 - December 3
- Round of 16: December 4 - 7
- Quarter-Finals: December 10 - 11
- Semi-Finals: December 14 - 15
- 3rd vs 4th playoff: December 18
- World Cup Final: December 19
Mga language broadcast partner: BBC, Radio Nacional de España, Radio France Internationale, BAND, beIN, RTP, ARD, SRF, RNE, Radio Oriental Montevideo, HRT, RFI, NHK, NOS, VRT, Polskie Radio, Seoul Broadcasting System.
Paano ito mapapanood

Panoorin ang 2022 FIFA World Cup 2022ᵀᴹ sa inyong mga TV
Eklusibong mapapanood ang free-to-air broadcast ng lahat ng 64 na laro sa SBS at SBS VICELAND na may kabuuang 500 oras ng FIFA World Cup content na ibo-brodkast sa dalawang channel sa kabuuan ng torneo.
Panoorin ang 2022 FIFA World Cup 2022ᵀᴹ sa pamamagitan ng SBS On Demand
Gumawa ng upang mapanood at ma-stream ang lahat ng 64 na laro ng FIFA World Cup 2022ᵀᴹ ng live at libre anumang oras sa inyong nais na device.
Panoorin ang World Cup ng libre sa pamamagitan ng , naka-konektang mga TV o sa pamamagitan ng mga app na mada-download sa at .