Paano siya nagbawas ng 50 kilos mula sa keto diet

Sa timbang na 275 lbs, si Mae Paner ay natatakot para sa kanyang buhay. Hindi siya makatulog at makahinga ng maayos dahil sa napaka-bigat na timbang. Sa takot na dulot ng labis na katabaan at diabetes, nagdesisyon siyang magbago.

QUEZON CITY, METRO MANILA, PHILIPPINES - 2016/07/25: Commediene Mae Paner, also known as Juana Change, gestures a peace sign in front of the police line near the Batasan Pambansa. Thousands of activists marched to the House of Representatives at the Batas

Source: J Gerard Seguia/SOPA Images/LightRocket via Getty Images

Pagkatapos bumaba ang timbang ng 109 lbs dahil sa , ngayon ay isang matapang na tagataguyod na ng kalusugan ang manunulat at aktres na si Mae Paner o kilala bilang Juana Change. 'With the ketogenic diet talagang napansin ko. Wow! Eto pala ang ibig sabhihin ng nabubuhay ka without excesss baggage and living healthy hindi katulad ng dati na grabe yung fear ko kung mabubuhay pa ako kinabukasan o hindi na,' sabi ni Mae.

Bago magsimula sa kanyang paglalakbay tungo sa mabuting kalusugan, si Mae ay nasa kanyang pinaka-mabigat na timbang. Mula 275 lbs bumaba ang kanyang timbang sa 192 lbs sa loob ng isang taon. Inamin niyang mas positibo ang kanyang disposisyon ngayon kumpara dati. 'Now I'm really happier, even your mood changes. Hindi na ako kasing sungit ng dati mas cool ako kasi nga hindi ka irritable. Well one dahil gumagaan ka gumaganda ang tingin mo sa sarili mo masarap ang pakiramadam mo. Therefore when your body changes, your outlook changes with it,' sabi niya.
Mae Paner at 275 lbs before embarking on a ketogenic diet.
Mae Paner at 275 lbs before embarking on a ketogenic diet. Source: Mae Paner FB
Ang tagumpay ng pagbawas ng timbang ay nagdulot upang siya ay magsulat ng libro na pinamagatang 'Keto sa puso ko' kung saan ay ibinahagi niya ang mga karanasan tungkol sa ketogenic diet at ang mga sekreto sa tagumpay ng pagbawas ng timbang. Ayon kay Mae, mayroong 5 C's sa matagumpay na pagbawas ng timbang.

Consciousness. kung ginagawa ang keto diet, dapat ay isaisip na ginagawa mo it.

Consistency. Manatili sa iyong naka-planong diyeta.

Commitment. Tulad ng lovebirds na tapat sa isa't-isa, manatiling tapat sa iyong diyetang sinimulan.

Critical mindedness. Kung dumating sa punto na hindi na epektibo ang diyeta, suriin at isaayos.

Common sense. Huwag higpitan ang sarili sa pagkain. Ilapat ang maingat na pag-iisip.
Mae Paner after losing 109 lbs with SBS Senior Producer Maridel Martinez during her recent visit to Melbourne to promote and perform for the play 'Tao po'.
Mae Paner after losing 109 lbs with SBS Senior Producer Maridel Martinez during her recent visit to Melbourne to promote and perform for the play 'Tao po'. Source: MAe Paner FB page
Sinabi rin ni Mae ang kahalagahan ng pagkakaroon ng suporta kung sisimulan ang paglalakbay tungo sa maayos na kalusugan. 'Ang laki ng tulong ng community ko. Meron akong tinatawag na ketogenicsPH. Ang laki ng tulong! May tanong ka doon ang daming sasagot sayo. Ang dami kong support group.' dagdag ni Mae.

Mas mabuti din komunsulta muna sa isang keto doctor kung sakaling papasukin ito dahil magka-iba ang kondisyon ng kalusugan ng bawat indibidwal.

Sa kabila ng pagiging pulitikal, naging bahagi na ng kanyang adbokasiya ang kalusugan. Bahagi ni Mae, 'sa akin naging exciting ang keto because it transformed my body, it transformed my mindset, it transformed people around me, people I love, people I care for and because of that it has become my cause.'

Naniniwala si Mae na ang bawat indibidwal ay may kapangyarihang magbago. Sa pamamagitan ng pagbabahagi ng kanyang mga karanasan sa di-malilimutang epekto ng kanyang pangakong makamit ang malusog na pamumuhay, naaabot niya ang komunidad at nasasaksihan ang paglago ng taong nagiging malusog. 'I share my whole experience through that lumalaki yung komunidad ng mga tao na nagiging healthy.'

BASAHIN DIN:


SUNDAN ANG SA.

 

 

 

 

 

 


Share
Published 19 September 2018 12:24pm
Updated 23 September 2018 11:14am
By Claudette Centeno-Calixto


Share this with family and friends