Tinukoy sa COVID-19 Vaccine National Rollout Strategy kung sino ang mauunang mababakunahan at kung saang lugar sa buong bansa magbibigay ng bakuna.
Kabilang sa unang babakunahan kontra COVID-19 ay silang mga frontline health workers, nagtatrabaho sa quarantine at nagbabantay sa mga borders. Kasama din ang mga aged care at disability care na mga residente at trabahante.
Para malaman kung maaari ka nang makakuha ng bakuna sa COVID-19 at kung saan pwede magpabook ng appointment, bisitahin ang website
Kung ikaw ay may edad na 40 pataas, pwede ka nang magpabakuna. Habang may ilan ding mga nasa edad 16 hanggang 39 anyos ang maaari ding magpabakauna.
Sundin ang mga hakbang sa website upang malaman kung maaari ka nang makakuha ng bakuna:
Kung hindi ka pa makakakuha ng bakuna, at ikaw ay nasa edad 18 pataas, maaari kang magpaabiso kapag pwede ka na magpabakuna.
Ang mga kabataang nasa edad 16 pababa ay hindi pa rin maaaring mabakunahan sa Australia.
Maaari ka ring mag-book ng appointment sa iyong GP at makakuha ng impormasyon tungkol sa bakuna, sa iyong sariling wika sa:
Ano ang mga nirerekomendang bakuna?
Inirekomenda ng Australian Technical Advisory Group on Immunization [ATAGI] ang bakunang COVID-19 Comirnaty (Pfizer) para sa mga nasa edad 16 hanggang 59.
Ang COVID-19 Vaccine AstraZeneca ay maaari ring ibigay sa mga taong may edad 18 hanggang 59.

Australia's Coronavirus vaccine roll out Source: Australian Department of Health
Para masigurong ang lahat ay makakatanggap ng kompletong bakuna kontra COVID-19.
Lahat ng babakunahan ay ililista at ang ang lahat nga impormasyon ay isasama sa My Health Record, Medicare (Immunisation History Statement), o sa certificate na pwedeng i-print o i-email sa mga nabakunahan.
Ang katawan ng tao ay may iba’t ibang level ng pagka-immune sa bakuna. Ayon sa eksperto, inaasahang sa loob ng dalawang linggo, mag-generate na ng anti-bodies sa loob ng katawan para maproteksyunan ito laban sa virus.
Pero ang proteksyon ay hindi garantisado na ligtas ka na sa sakit o may immunity ka na sa sakit.
Ipinaliwang ni RMIT immunologist Dr Kylie Quinn sa panayam sa SBS, na mayroong iba’t-ibang lebel ng bisa para masukat kung gaano ka-epektibo ang bakuna sa katawan ng tao:
Level 1 - pigilan ang lahat ng impeksyon
Level 2 - hindi kayang pigilan ang impeksyon pero posibleng mapipigilan ang nagbabadya na sakit
Level 3 - hindi mapigilan ang sakit pero hindi ito lalala na maging sanhi ng pagkamatay
Libre ang lahat ng bakuna kontra COVID-19
Ang magandang balita, libre ang bakuna kontra COVID-19 sa lahat ng Australian citizens, permanent residents at lahat ng may visa dito sa Australia.
Walang ding bayad ang bakuna para sa sinumang may visa na international student visa o estudyante , working, skilled, family, partner, refugee, asylum seekers, temporary protection visa holders, humanitarian, regional, bridging or special visa dito sa Australia.
Kasama na din sa libreng mabakunahan ay ang mga taong nasa piitan o preso at silang may mga kanseladong visa.
SBS Coronavirus information sa wikang Filipino
Government Coronavirus information
- Department of Health - COVID-19 Vaccine information .
- Department of Home Affairs - COVID-19 information .
- Ang lahat ay kinakailangang panatilihin ang 1.5 metro na distansya sa ibang tao
- Kung ikaw ay may nararamdamang sintomas ng sipon o trangkaso, manatili sa bahay at magpa-test
- Alamin ang iba't-ibang alintuntunin sa bawat estado o teritoryo kung saan ka naroroon , , , , , , .