Pumalo na sa higit dalawang milyon ang nag-download ng COVID-19 tracer app, kasunod ng paglunsad nito noong nakaraang Linggo.
Layon ng gobyerno na mahikayat ang publiko na i-install ito sa kanilang mga mobile phone upang mapabilis ang pagtukoy ng awtoridad sa mga taong nakasalamuha sa nagpositibi sa virus.
Gamit ang Bluetooth technology, nirerekord ng app kung may ma-detect ito na isa pang user na may layo na 1.5 metro sa isa’t-isa at nagkaroon ng contact ng mahigit 15 minuto. Kung mapag-alaman na nagpositibo sa coronavirus ang gumagamit ng app, kinakailang kumpirmahin na binibigyan nila ng pahintulot ang awtoridad na ma-access ang record ng mga nakasalamuha nila.
Ayon sa mga eksperto, kung mas maraming Australyano ang magda-download ng app, malaking tulong ito na malabanan ang coronavirus. Samantala, ilang tech at privacy experts ang nangangamba tungkol sa data na kinokolekta ng app.
Bago naipalabas ang app sa publiko noong nakaraang Linggo, nagbigay kami ng kaalaman sa kung paano gagana ang app at anu-ano ang mga dapat alalahanin sa pag-download nito. Ngayong naipalaba na ito sa publiko, narito ang mga nakalap namin impormasyon mula sa mga eksperto kung makakatulong nga ba ito o kung dapat mo nga ba ito i-download.
Narito ang natuklasan ng ilang mga software developers.
Bago pa man nailabas ang COVIDSafe app, ilang mga eksperto sa tech at privacy ang humiling sa gobyerno na ipalabas ang full source code ng app, kung saan maaaring masuri ng mga independyenteng eksperto kung saan magkakapoproblema, makapaglatag sila ng solusyon, at kumpirmahin na gagana ang app na tulad ng ipinangako ng gobyerno.
Sa ngayon, hindi pa pinalabas ng gobyerno ang nasabing source code, bagama’t nangako si health minister Greg Hunt na ipapalabas ito sa loob ng dalawang linggo.
Habang marami ang nag-aabang dito, ilang software developers naman ang nagging abala sap ag-reverse engineer ng nasabing app, at kanilang ibinahagi sa social media ang natuklasan nila.
Noong Linggo, sinubukang i-download ng software engineer na si Matthew Robbins ang app at gumawa ng paraan upang ma-decompile ang naturang source code para sa Android na bersyon ng app.
Si Robbins ay 10 taon na sa industriya at walong taon dito ay iginugol nya sa app development. Bagamat hindi siya maituturing na eksperto sa privacy, may kaalaman siya sa pagbubuo ng app ay may kakayanan siyang tukuyin kung app na ito ay halintulad sa ipanangako ng gobyerno.
Kasama ang iba pang software developers, sinuri nila ang app.
Karamihan sa napag-alam nila ay positibo naman: sa Twitter, kinumpiram ni Robbins na pasado ang app sa kanya. Katulad ng kanyang inaasahan, nai-store ang data sa mobile phone ng user, nagre-record lamang ng mga signal mula sa ibang mga telepono na naka-install din ang app, awtomatikong natatanggal ang lahat ng mga talaan pagkatapos ng 21 araw, at magkakaroon lamang ng access ang awtoridad kung magbibigay ng pahintulot ang gumagamit ng app.
Hindi din nirerekord ng app ang inyong lokasyon (kung ikaw ay Android user, makakatanggap ka ng mensahe na humihiling ng pag-access sa location data kapag ininstall mo ang app. Karaniwan ito sa Android, na kapag may gustong makaroon ng Bluetooth access ang isang app na tulad nito, awtomatikong hihingan ka ng pahintulot. Subalit ang COVIDSAfe app hindi magrerekord o gagamit ng iyong location data)
Kwento ni Robbins sa The Feed, sinuri niyang mabuti ang app dahil nais niyang tuklasin kung anong meron ang app, ngunit para sa kanya, masaya naman siya sa kanyang nalaman.
"The data they're gathering is, for lack of a better phrase, relatively benign."
"I'm fairly confident in how the app has been built."
Habang ninanais pa rin niyang masilip ang full source code – kabilang ang iOS app, na mas mahirap suriin kumpara sa Android na bersyon – sa kabuuan wala naman siyang gaanong nakitang dapat na ikabahala.
"I think it's absolutely worthwhile installing," aniya.
Sang-ayon din sa kanya ang ibang software developers na sumuri sa code and hinihikayat din nila ang ibang Australyano na i-download ang app.
Kung interesado kang malaman ang iba pang detalye, narito ang ilan pang impormasyon na nakalap ng isang software engineer na si Geoff Huntley mula sa tech community sa Australya.
Buhat nang maipalabas ang app sa publiko, anu-anong mga problema ba ang natuklasan?
Isa sa mga alalahanin ay ang pagtiyak na gumagana ang app sa kanilang mobile phone. Kinakailanganng nakabukas lang ang app para ito ay gumana – maaari mo pad in gamitin ang ibang app sa iyong mobile phone, ngunit dapat siguruhin na ito ay nasa background lamang habang ikaw ay nasa labas.
Ilang eksperto ang nagsabi na may mga pagkakataong maaaring hindi ito gumana sa iPhone. Halimbawa, kung paubos na ang baterya ng iPhone, o mas maraming app ang gumagamit ng Bluetooth sa device na ito, may posibilidad na hindi ito gumana.
Marami pa rin ang nalilito sa mga magkasalungat na payo ng gobyerno kaugnay sa mga dapat gawin ng gumagamit ng app para masiguro na gumagana ito. Ayon sa COVIDSafe website, makakatanggap ang mga iOS users ng notification at mga hakbang kung paano mag-troubleshoot kung sakaling hindi gumana ang app sa loob ng 24 oras.
Wala ring katiyakan kung makakaubos ba ng baterya ng mobile phone ang paggamit ng app na ito.
Hindi man ito makakaapekto sa seguridad para sa mga gumagamit ng app, maaari pa rin itong makaapekto sa kabuuan, kung hindi ito bibigyang pansin.
Mayroon pa bang alalahanin ang mga security experts tungkol sa seguridad ng COVIDSafe app?
Mayroon pa ding pangamba ang mga security experts kaugnay sa COVIDSafe app. Kung ito ang dahilan mo para hindi mo i-download ang app, payo ng mga eksperto na depende ito sa palagay ng bawat indibidwal.
Bago pa man mailabas ang app, nakausap ng The Feed ang privacy expert na si Dali Kaafar, Executive Director ng Optus Macquarie University Cyber Security Hub. Inilatag ni Professor Kaafar ang ilang mga alalahanin kaugnay ng privacy sa paggamit ng COVIDSafe app.
Isa sa mga pangunahing pangamba niya ay ang pag-upload ng data na nakolekta ng app sa central server. Ayon sa kanya, ang sinumang may access sa central server ay may access sa buong impormasyon na nakalap ng app. Kung ma-hack ang server na iyon, o ma-access ng mga taong magdudulot ng kapahamakan, hindi natin malalaman kung paano nila gagamitin ang impormasyong ito.
Isa pang eksperto ang nagbigay ng kanyang opinyon. Ayon kay ANU Associate Professor Vanessa Teague, dapat ding suriin ang pagrekord at pag-share ng impormasyon sa app.
"Although it may seem innocuous, the exact phone model of a person's contacts could be extremely revealing information," ayon sa blog post ni Teague na nailathala noong Lunes.
"Suppose for example that a person wishes to understand whether another person whose phone they have access to has visited some particular mutual acquaintance. The controlling person could read the (plaintext) logs of COVID Safe and detect whether the phone models matched their hypothesis."
"Although not very useful for suggesting a particular identity, it would be very valuable in confirming or refuting a theory of having met with a particular person."
Nabahala rin si Propesor Kaafar na ang awtoridad ay maaaring makatanggap ng maraming impormasyon kaysa sa talagang alam ng gumagamit ng app.
Paliwanag ni Kaafar, kung si Person A ay nagpositibo sa coronavirus at nagbigay ng pahintulot sa pag-upload ng kanyang mga contact, malalaman din ng awtoridad na nakasalamuha niya si Person B at Person C. Matutukoy ng awtoridad na nagkaroon ng contact si Person B at Person C, kahit na walang kamalayan ang mga ito na naibahagi ang kanilang impormasyon.
"This information might not really be sensitive for lots of people, but it might be really important for others. For example, two politicians from two different political parties who are meeting, or a journalist and a politician meeting."
Ani Professor Kaafar, maaari iton masolusyonan sa pamamagitan ng ilang pagbabago sa naturang app ; ayon sa international coalition ng mga eksperto, possibleng magkaroon ng tracing app na hindi kinakailangang i-upload ang impormasyon sa awtoridad.
Hangga’t walang kaukulang pagbabago, sinabi ng propesor na hindi niya ida-download ang app, bagama’t hindi rin siya sigurado sa kung ano ang nirerekomenda niyang gawin ng ibang Australyano.
"Whether I would be recommending installing it or not, I really don't know -- I actually find it to be a really tricky question," sabi niya.
"I think the government has taken some privacy considerations into perspective, but it didn't hit some of the major ones. It did try to have some good intentions, though, for example to make sure that the location is not collected, and that the data will definitely be removed after 21 days."
"I think one important thing is that privacy is very personal. Some co-location information might be really sensitive for some people, and for others it might be completely irrelevant."
"I can't really give a binary recommendation here, but I will be sitting and waiting. We need a little more transparency on the tech and legislative aspects."
Dapat ko bang i-install ang COVIDSafe?
Talagang minadali ang pagpapalabas ng COVIDSafe app sa kadahilanang nasa gitna tayo ng pandemic at kinakailangan ng agarang aksyon. Kung nais nating mas mapabilis ang pagbabalik sa normal nating mga gawain, makakatulong ang app na ito para mapabilis ang pagtukoy sa mga bagong kaso na sa ngayon ay mahalaga.
Kung makakuha ng sapat na bilang ng mga nag-download, isa itong paraan para makatulong. Para mas maging epektibo ang app na ito, ayon sa gobyerno, kinakailangang umabot sa 40 porsyento ng mga Australyano o higit pa ang dapat na gumamit nito. Ibig sabihin, kinakailangang umabot sa halos 10 milyon ang dapat na mag-sign up; ngayong Lunes ng gabi, umabot pa lamang sa 2 milyon ang nag-download.
Lahat ng tao sa Australya ay kinakailangang panatilihin ang distansya na 1.5 metro sa ibang tao. Ang mga pagtitipon ay limitado sa dalawang tao lamang, maliban na lamang kung kasama mo ay kapamilya o kasambahay.
Kung sa tingin mo ay nakuha mo ang virus, tawagan ang iyong doktor (huwag bumisita sa clinic) o kontakin ang national Coronavirus Health Information Hotline 1800 020 080. Kung nahihirapan kang huminga, o may emergency, tumawag sa 000.
Makakaasa kayo sa SBS para ihatid ang mahalagang impormasyon tungkol sa COVID-19. Maaaring makakuha ng balita at impormasyon sa 63 wika sa .