Key Points
- Sa estado ng NSW, ang lahat ng kwalipikadong botante ay kinakailangang magpatala at bumoto sa pederal, estado pati na din sa lokal na pamahalaan na eleksyon.
- Bukod sa Ingles, ang NSW Electoral Commission ay nagbibigay ng impormasyon tungkol sa halalan sa higit 20 mga wika.
- Ang online na sistema ng pagboto na iVote ay hindi gagamitin ngayong halalan.
Sa pangunguna ng nakaupong si Premier Dominic Perrottet, ang Koalisyon ay naghahangad na manalo sa ika-apat na magkasunod na termino sa panunungkulan.
Ang pangunahing kalaban ni Perrottet para sa pinakamataas na posisyon ay ang pinuno ng Labor na si Chris Minns, matapos simulang mamuno sa partido noong Hunyo 2021.
Ang Parlyamento ng New South Wales ay gumagalaw bilang ‘bicameral’ o ‘two house’ na sistema na binubuo ng Legislative Assembly (lower house) at Legislative Council (upper house).
Sa halalan ng estado, ang mga botante ay sa lahat ng ay maghahalal ng isang miyembro na kakatawan sa kanila sa Legislative Assembly.
Ang Legislative Council ay binubuo ng 42 na miyembro, at sa bawat halalan ng estado, 21 miyembro ang inihahalal upang maglingkod sa loob ng dalawang termino ng Parlyamento - at manunungkulan ito sa loob ng walong taon.
Para sa mga bontante na mahihirapang bumoto ng personal sa mga polling centres, maaari silang .
Ang Aplikasyon sa Pagboto sa Koreo ay kinakailangang i-sumite at dapat matanggap ng NSW Electoral Commission alas-5 ng hapon sa Marso 20.
Samantala, ang mga nakumpletong balota at sertipiko ng pagboto sa koreo ay kinakailangang matanggap ng NSW Electoral Commission ng .

Chris Minns nagsimulang mamuno sa NSW Labor noong Hunyo 2021. Source: AAP / BIANCA DE MARCHI/AAPIMAGE
Pagboto sa araw ng halalan – Marso 25
Magtatalaga ng higit sa 2,450 voting centres sa buong estado ng NSW, ito ay itatayo sa mga simbahan, paaralan, community centres, at iba pang mga lugar sa estado.
Magbubukas ito sa araw mismo ng halalan simula alas 8 ng umaga hanggang alas 6 ng hapon.
Sa pagpunta sa mga voting centres, isang kawani ang sasalubong at magtatanong sa botante ng kanilang pangalan, tirahan at electorate at kung nakaboto na ba sila sa halalan.
Kapag makumpirma ng kawani ang ibinigay na detalye ng botante, bibigyan na sila ng balota.
Kung hindi mahanap ng staff ang mga detalye ng botante sa electoral roll, kakailanganin nilang kumpletuhin ang

NSW Premier Dominic Perrottet. Source: AAP / Bianca De Marchi
Ang pagboto ay sapilitan o compulsory
Sa NSW, ang mga kwalipikado at naka-enroll na mga botante ay kinakailangang bumoto sa lahat ng pederal, estado at mga halalan ng konseho.
Ang pagboto kung ang isang indibidwal ay homeless, may kapansanan, interstate o nasa ibang bansa
ay pwedeng makapagtala bilang botante o makaboto.
Subalit kung ang mga indibidwal na ito ay hindi makaboto, hindi sila pagmumultahin.
Kung ang mga botante na ay at mangangailangan ng tulong o assistance, maaari nilang dalhin ang kanilang kaanak o kaibigan na makakatulong sa kanila para bumoto o kaya magpatulong sa election staff sa mga voting centres.
Kung talagang sagabal o mahihirapan makaboto ng personal sa araw ng halalan, ang botante ay maaaring pumili ng mga opsyon para sa maagang pagboto o early voting, bumoto sa pamamagitan ng koreo o postal voting, declared facility voting, o bumoto sa pamamagitan ng telepono o telephone voting.
Kapag ang botante ay nasa ibang estado o, maaari silang bumoto ng personal sa mga o bumoto sa pamamagitan ng koreo.
Ang mga kwalipikadong botante naman ng NSW pero sa panahon ng election period ay kailangang bumoto sa pamamagitan ng koreo.
Impormasyong isinalin sa maraming wika
Ang NSW Electoral Commission ay nagbibigay ng impormasyon kung paano magpatala at bumoto, at tungkol sa mga kandidato sa .
Sa mga early voting booths at voting centres sa araw ng halalan ay mayroong nakatalagang mga multilingual staff o volunteers na may badges kung saan nakasulat ang wika na maaari silang makatulong sa mga botante na nagangailangan ng pagsalin.
Nag-aalok din ang Komisyon ng libreng telephone interpreter na magbibigay serbisyo sa wika na hindi kasama sa listahang inaalok.
Ang mga Election staff ay maaaring makatulong para maka-konek ang mga botante sa Translating and Interpreting Service (TIS National) kung kinakailangan nilang ng karagdagang language support sa mga voting centres.
Upang mabawasan ang pagkalat ng maling impormasyon tungkol sa halalan sa komunidad, ang NSW Electoral Commission ay nagpapatakbo ng na sumusubaybay at nagtatanggal ng mga mapanlinlang at maling pahayag tungkol sa proseso ng halalan.
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa pagboto, bisitahin ang o tumawag sa 1300 135 736.