Mga pagbabago sa imigrasyon sa Australya sa 2020

Alamin ang ilang mahahalagang pagbabago sa pagkakaloob ng visa at ilang mga benepisyo na nakalinya ngayong 2020.

Changes in 2020

Source: SBS

Points Score

Nananatili sa 65 ang pinakamababang puntos na dapat makuha bago makapag-apply ng Expression of Interest sa mga nais magkaroon ng Permanent Resident visa.

Sa panayam kay Kaila Cruz, isang Australian Registered Migration Expert, mas mabilis na nakakakuha ng imbitasyon para sa Permanent Residency ang may matataas na score dahil prayoridad ng gobyerno na magkaroon ng mga de-kalidad na trabahador sa bansa. Pero walang dapat ikatakot ang mga nakakuha ng minimum score sa pagpasa ng kanilang EOI dahil bukod sa libre, makakuha pa rin sila ng imbitasyon ngunit mas matagal kumpara sa mga nakakuha ng 80 hanggang 90points.

Magandang taon din umano ito para sa mga International Students na may PR pathways dahil maari nilang magamit ang mga karagdagang puntos sa kanilang aplikasyon.

Sa bagong polisiya, binibigyan ng  10 points ang mga single o walang asawa at de-facto partner na aplikante.

10 points din kung nakakuha ng Science, Technology, Engineering at Mathemathics (STEM) qualifications

10 points kung mayroong kang partner o asawa na Australian Citizen o Permanent resident

10 points kung ang iyong asawa o parner ay pumasa sa Skills Assessment

5 points kung ang iyong asawa o partner ay may mataas na English Test Score (IELTS 6 o katumbas na puntos).

 

Bagong Visa

Mula sa 190,000 na Permanent Residency visa at Family Visa, ibinaba ng Pederal na Gobyerno sa 160,000 ang bilang ng imbitasyon ngayong taon.

Sa kabila nito, inaasahan pa rin ang pagtaas ng aplikasyon ng EOI matapos maglabas ang ng mga bagong visa na nakatuon sa paghikayat sa mga migrante na manirahan at magtrabaho sa Regional Australia.

Ang subclass visa 491 Skilled Work Regional (provisional) at  subclass visa 492 Skilled Employer Sponsored Regional ay sinimulang ipatupad noong Nobyembre 2019.

 

Traffic Light Bulletin

Naglabas ang Australian Government’s Department of Employment, Skills, Small and Family Business ng mga panukala para sa bagong listahan ng  Skilled Migration Occupation sa bansa.

Ang  Traffic Light Bulletin ay binuo upang maagang makita ang mga trabahong madadagdag o mawawala sa opisyal na Skilled Occupation List sa March 2020.

32 trabaho ang magkakaroon ng pagbabago kung saan 11 ang nakatakdang alisin. Anim naman ang nasa rekomendasyon ng salary caveat o abiso sa sahod.

 Apat na bagong trabaho ang nagdagdag sa listahan kabilang na ang Corporate Treasurer, Aged or Disabled Carer, Nursing Support Worker at  Personal Support Assistants .

Ayon sa Migration expert na si Kaila Cruz, ang mga pagbabago ay ipinapatupad na may malalim na basehan at pag-aaral ng Department of Employement.

 “Immigration Law is ever changing, yung pagdedecide nila wheter  ilagay yung occupation sa list or tanggalin dyan ay hindi lang yan one factor, marami yan , kinoconsider din nila yung local graduates magkakaroon ng opportunity to work, tapos titingnan din nila yung ageing population.  “

Ang pag-alis sa mga trabaho sa listahan ay walang epekto sa mga mayroong  Skilled visa.

Immigration,Changes,Australia,2020
Traffic Light Bulletin Source: Department of Employment, Skills, Small and Family Business www.employment.gov.au
Immigration Changes in Australia for 2020
Traffic Light Bulletin Source: Department of Employment, Skills, Small and Family Business www.employment.gov.au
Immigration Changes in Australia for 2020
Source: Department of Employment, Skills, Small and Family Business www.employment.gov.au


 

 


Share
Published 30 December 2019 4:50pm
Updated 2 January 2020 1:35pm
By Edinel Magtibay


Share this with family and friends