Key Points
- Inilabas na ng Jobs and Skills Australia ang listahan ng mga prayoridad na kasanayan para sa mabilisang pagproseso ng mga visa.
- Kasama sa listahan ang mga instructor ng yoga at martial arts, mga designer ng alahas, at mga tagapagsanay ng aso.
- Prayoridad din ang mga educator, chief executive, medical professional, at youth worker.
Ang mga yoga at martial arts instructor , mga jewellery designer, at mga dog trainers ay ilan lamang sa mga trabahong kasama sa draft list ng priority skills para sa mga temporary migrant.
Kabilang din sa listahan ang mga artistic director, divers, retail buyers, at ilang mga trabahong pang-konstruksyon.
Ang draft ng Jobs and Skills Australia (JSA) Confident On List ay naglalaman ng mga propesyon na potensyal na kwalipikado para sa fast-tracked visas.
Ito ay matapos ilabas ng gobyerno ang kanilang Migration Strategy noong Disyembre, na naglalayong isakatuparan ang pagbabago sa sistema ng migrasyon sa Australia.
Ano ang mga 'in-demand' na trabaho para sa mga migrante sa Australia?
Ang ay nagtatala ng mga senior na posisyon tulad ng chief executives o managing directors, sales and marketing managers, advertising managers, research and development managers, at chief information officers bilang priority skills na kinakailangan sa Australia.
Kabilang din sa listahan bilang prayoridad na mga trabaho ang mga sumusunod na propesyonal sa medikal: registered nurses, midwives, nurse practitioners, at nurse researchers.
Kasama rin sa draft list ang iba pang mga propesyonal sa medisina tulad ng sonographers, diagnostic radiographers, anaesthetists, general practitioners, at iba't ibang uri ng surgeons at specialists.
Prayoridad rin ang mga family support worker, social workers, at youth workers, kasama ang mga beterinaryo, ambulance officers, psychologists, at drug and alcohol counsellors.
Sa Australia, may pangangailangan din sa mga educator, kabilang ang mga university lecturer, early childhood educators, primary at secondary school teachers, school principals, at special education teachers, ayon sa listahan.
Kabilang din sa mga propesyon sa sektor ng finance at accounting ang mga actuaries at taxation accountants.
Kasama rin sa listahan ang mga inhinyero sa mga larangang tulad ng geotechnical, civil structural, transport, electrical, industrial, mining, at aeronautical.
Ang draft na listahan ay binuo base sa pagsusuri ng labor market at magsisilbing gabay ng Jobs and Skills Australia (JSA) sa Core Skills Occupation List (CSOL) para sa bagong Skills in Demand (SID) Visa Program.
Ang naturang analysis ay nagpapalakas sa Skills Priority List at kinokonsidera din kung gaano kaganda ang pagtanggap ng mga migrante sa labour market on arrival, ang pagdepende sa mga sponsored skilled visa holders kumpara sa laki ng empleyo, vacancy data, at ang domestic labour market supply.
Ang draft CSOL ay hindi pa pinal at inilabas para sa konsultasyon at feedback mula sa mga interesadong partido.
Tila 'nabigla at nalito' ang building and trade industry sa listahan
Ang mga Building and trade professionals, kasama na ang mga construction project managers, building inspectors, electricians, carpenters, at joiners ay nakalista sa Confident On List, ngunit sinabi ng isang asosasyon ng industriya na dapat mas maraming mga trade ang kasama.
Sinabi ni Denita Wawn, ang chief executive ng Master Builders Australia, na siya'y "nabigla" sa proposal, na dumating habang patuloy ang Australia sa pagharap sa kakulangan sa pabahay.
"We cannot build homes with wellness instructors," saad nito sa mga mamamahayag sa Canberra.
"We need tradies and they must be on the definite list for skilled migration."
Sinabi ni Wawn na nakikipagkumpitensya ang Australia sa iba pang mga bansa tulad ng UK at Canada upang maakit ang mga skilled migrants at nangangailangan ng mas mabilisang sistema para hindi magkaproblema.
Si Opposition leader Peter Dutton ay nagsabi na gusto niyang makita na mas maraming mga building trades ang binibigyang prayoridad.
"(Trades people) would be at the top of our list, we want to see more of those trades coming in because, as everyone knows, the cost to build a house in our country has gone up dramatically," saad ni Dutton.
"People can't find a builder for love or money."
Sa federal budget noong Mayo, inilaan ang $1.8 milyon upang pagandahin at pabilisin ang mga skill assessment para sa mga 1900 potensyal na migranteng may kwalipikasyon sa konstruksyon at pabahay, at para sa pagsasagawa ng mga evaluation para sa mga bagong dating sa mga target na propesyon.
- Additional reporting by the Australian Associated Press.