Punan ang iyong buhay ng kaligayahan
Kung pinupunan ang isip ng masasayang alaala at aktibidad, wala kang oras upang mag-isip ng mga problema. Huwag dibdibin ang mga bagay. Gawin ang mga bagay na iyong gusto. Pumunta sa isang art show, mamili, magbasa ng libro, pumunta sa dagat o manood ng sports. Kung ano man ang iyong ginagawa para sa kaluguran kapag ikaway masaya, ito ay nagiging mas mahalaga kapag ikaw ay malungkot.

Bookshops and libraries were the places I disappeared into imagined worlds. Source: Getty Images
Tumawa ng tumawa
Kailan ba ang huling panahon na ikaw ay tumawa ng malakas? Kung hindi mo ito naaalala baka masyado ka ng seryoso sa buhay. Ang pagtawa ay nakakatunaw ng tensyon at nagpapataas ng diwa. Kung hindi makahanap ng rason para tumawa, maghanap ng mga taong magpapatawa sayo.

Source: Getty Images
Igalaw ang katawan
Nalulungkot ka ba? Subukan maglakad, tumakbo o magbisikleta. Ang pag-alis mula sa iyong mesa at paglalakad ng lima hanggang sampung minuto sa loob ng gusali o sa labas nito ay mayroong malaking diperensya sa iyong pakiramdam at sa antas ng enerhiya na iyong dinadala pagbalik sa iyong trabaho. Nalaman sa ilang pag-aaral na ang ehersisyo ay isang makapangyarihang elebeytor ng kalooban.

Young asian woman with bike on the country lane Source: Getty Images/xia yuan
Mag-isip ng mga positibong bagay
Suriin ang panloob at makinig sa sinasabi nito. Kung ito ay puno na ng mga negatibong bagay tulad ng- hindi ko na kaya, hindi ako maswerte, lagi itong nangyayari sa akin- subukang baguhin ang ugali kahit na nangangailangang makipagkita sa isang tagapayo. Ang mga masasayang tao ay positibong tao.

emale counselor counsels teenage girl in group therapy or support group. Source: Getty Images
Papasukin ang liwanag ng araw
Karamihan sa atin ay masaya pagkatapos magpalipas ng oras sa araw. Isa sa rason ay dahil ang pagtambad sa ultraviolet na ilaw ng araw ay tumtulong sa balat sa paggawa ng bitamina D. Marami pang mga maliwanag na benepisyo ang bitamina D: tumutulong ito sa pagpapanatili ng malakas na buto at kalamnan at nagpapababa sa panganib ng impeksyon, sakit sa puso, diabetes, kanser, multiple sclerosis, allergies at asthma. Sa ano mang paraan, tamasahin ang araw!
Ang pagiging malungkot ay isang karaniwang pakiramdam na ating nararanasan subalit ang totoong depresyon ay hindi. Ang depresyon ay isang pagkakabagabag sa kalooban na may dalang malalim na kalungkutan at kawalan ng pag-asa. Ito ay isang kondisyon na dapat gamutin ng propesyonal na tagapayo at medikasyon. Sa kabutihang palad, mayroong gamot dito.

Senior couple sitting on back of camper van on beach, smiling, portrait Source: Cultura RF
Kung ang mga simtomas ng pagkabalisa o depresyon ay hindi nawawala, tumawag ng tulong mula sa mga propesyonal. Nararapat kang gumaling.
BASAHIN DIN:
READ MORE

Dealing with mental health