Bilang ng makakakuha ng parent visa at skilled visa, inaasahang madadagdagan pa

Naglaan ang gobyerno sa Department of Home Affairs ng dagdag na $576 milyong pondo sa loob ng apat na buwan. Bukod dito, madadagdagan din ang bilang ng mga skilled visas na maaaprubahan batay sa inilatag na federal budget ngayong taon.

Visas have been part of the second federal budget of the year

A large increase in the number of visas to be issued is a key part of the second federal budget of the year. Credit: Karin Zhou-Zheng

Key Points
  • Bilang ng skilled visas na pwedeng makuha, tataasan na mula 79,600 hanggang 142,400.
  • Mas marami na ang pwedeng makakuha ng parent visa, kung saan itaas ng gobyerno ang alokasyon mula 4,500 hanggang 8,500 ngayong taon
Halos dodoblehin ng pamahalaang Albanese ang bilang ng mga parent visa at mga skilled visa na makukuha bilang bahagi ng federal budget ngayong taon.

Palalawigin din ng gobyerno ang permanent migration program ng Australia,matapos ito tapyasan ng nakaraang administrasyon.

Maglalaan ng dagdag na $576 milyong pondo sa Department of Home Affairs para sa pagpoproseso ng mga visa at inaasahang matutugunan nito ang kakulangan sa pondo para sa pagpapanatili ng mga processing centres sa labas ng bansa at mabibigyan din ng suporta ang mga refugee.

Gayunpaman, mas mababa pa rin ito ng $300 milyon kumpara sa $875 milyon na kinuha noong Marso.

At ayon kay Punong Ministro Albanese, malaki na ang inalaan nitong pondo sa departmento.

Pero para sa mga refugee advocate, hindi pa rin sapat ito.

A breakdown of the skilled visas available in the 2022-23 budget
A breakdown of the skilled visas available in the 2022-23 budget.

Ano ang inilaang pondo ng gobyernong Albanese pagdating sa usaping visa?

Nauna nang inanunsyo ng gobyernong Albanese na maglalaan ito ng dagdag na $36.1 milyong pondo para makakuha pa ng dagdag na staff at mabawasan ang paghihintay sa pagpoporoseso ng visa. Inaasahan din na madadagdagan pa ang pwedeng makuha na skilled at family visas mula 160,000 hanggang 195,000.

Ipapakilala din ng ang bagong Pacific Engagement Visa para sa mga taga Pacific Island at Timor-Leste.
Aabot sa 3,000 ang pwedeng magamit na visa simula sa susunod na taon. Dagdag pa ito sa 195,000 na ginagamit sa kasalukuyang programa.

Tataas mula 79,600 hanggang 142,400 ang bilang ng mga skilled visas at kabilang dito ang employed sponsored, skilled independent, regional, pati na rin ang state at territory nominated visas.

Bilang ng makakakuha ng Parent visa, madadagdagan pa

Pagdating sa family visa, mas marami na ang pwedeng makakuha ng parent visa, kung saan itinaas ng gobyerno ang alokasyon mula 4,500 noong 2021-22, hanggang 8,500 ngayong taon.

Mananatili naman na demand-driven ang partner and child visa na walang limit na inilagay. Habang may limandaang slots para sa ibang family visa at isandaan naman para sa special eligibility visa.

Walang pagbabago sa humanitarian visa program, at nananatili ito sa 13,750 slots ngayong 2022-23 at dagdag na 16,500 para sa Afghan refugees sa loob ng apat na taon.

Uunahing mabigyan ng skilled visas ang mga naninirahan sa ibang bansa at mga taga New Zealand na matagal ng nakatira sa Australia.

Migration basically just makes Australia bigger, it doesn't necessarily make it better, either in terms of the economy or the budget.
Chris Richardson

Pinalawig na immigration program inaasahang magdadala ng milyon-milyong dagdag na kita sa buwis

Inaasahang ang mga pagbabagong ito ay makakapagdala ng dagdag na $935 milyong kita sa buwis sa loob ng apat na taon. Tinatayang nagkakahalaga ng humigit-kumulang $487 milyon para sa pagkakaloob ng mga karagdagang serbisyo tulad ng mga lugar ng paaralan o mga programa sa wika.

Bagama't may ilang Australyano ang nangangambang maaaring mawalan sila ng trabaho bunsod ng pagpapalawig ng migration intake, ito rin umano ang argumento sa mga kababaihang may asawa na unang pumasok sa trabaho noong huling bahagi ng 1970, ayon sa independenteng ekonomista Chris Richardson.

"Migration basically just makes Australia bigger, it doesn't necessarily make it better, either in terms of the economy or the budget," sinabi nito sa SBS News.

Sinabi ni G Richardson na ang mga inaasahan ng pagtaas ng kawalan ng trabaho ay dahil sa pagtaas ng mga rate ng interes at ang pagbagal ng pandaigdigang ekonomiya.

Reaksyon ng mga community group

Kinalugod ng Asylum Seeker Resource Centre ang paglalaan ng pondo sa pilot program para tulungan ang Temporary Visa Holders na biktima ng family at domestic violence. May inilaaan sa budget na $12.6 milyon sa loob ng dalawang taon mula 2022-23 para sa inisyatibo.

Pero ayon din sa grupo, may ilang ipinangako noong eleksyon na hindi na nabigyang pansin.

"The 2022-23 Federal Budget failed to live up to the public expectations for a more compassionate and fair country for refugees and people seeking asylum," sinabi nito sa isang pahayag.

"The Asylum Seeker Resource Centre is deeply disappointed that key Australian Labor Party commitments have not been met in this budget, including increasing humanitarian intake, abolishing Temporary Protection Visas/Safe Haven Enterprise Visas and providing appropriate social services for people seeking asylum."
LISTEN TO
What barriers are faced by people from migrant communities entering politics? image

What barriers are faced by people from migrant communities entering politics?

SBS News

08:04
Dismayado umano ang grupo sa kakulangan ng mga hakbang para mabawasan ang refugee visa backlog, at pagtaas sa paggasta sa offshore at onshore detention.

Malugod na tinanggap ng migrant and refugee settlement agency AMES Australia ang pagkakaloob ng dagdag na visa, gayundin ang pagpopondo upang gawing mas flexible ang paghahatid ng pagtuturo sa wikang Ingles sa pamamagitan ng Adult Migrant English Program (AMEP).

"We also welcome funding for flexibility in the AMEP program, which will mean people who are newly arrived to Australia will be able to acquire language skills whilst also working or caring for family members," ayon kay AMES Australia chief executive officer Cath Scarth.

Ikinalugod din ng Save the Children Australia ang $1.37 bilyong pondo para sa paghahatid ng tulong sa ibang bansa para sa Pacific at Southeast Asia. Pero ayon din sa grupo mas marami pang dapat gawin para matulungan ang 13.6 milyong kabataan na dumaranas ng matinding malnutrisyon.

"Despite a devastating increase in the number and severity of crises [facing children globally], Australia in this budget has not met its 'fair share' of humanitarian funding," ani G Tinkler.

Additional reporting by Anna Henderson

Share
Published 27 October 2022 10:29am
Updated 27 October 2022 3:49pm
By Charis Chang
Presented by Roda Masinag
Source: SBS


Share this with family and friends