Feature

Masamang panahon, COVID-19 at domestic violence: Mga maaaring tawagan kung ika'y nasa isang emergency

Mahalagang alam mo kung sino ang iyong maaaring tawagan sa isang emergency, kagaya ng mental health support at domestic violence services. Ito ang ilan sa mga organisasyon at contact numbers na maaari mong tawagan nitong kapaskuhan.

AAP

Source: AAP

 

 

 


Sa artikulong ito...


 

Habang tumataas ang mga kaso ng COVID-19 sa bansa, patuloy sinisigurado ng mga state-based health services na sila'y matatawagan ng mga nangangailangan ng tulong.

Ngunit hindi lamang and pandemya and kailangang alalahanin nitong kapaskuhan.

Masamang panahon na nagbubuhat ng mga bushfires at baha ay kailangan ding tugunan.

Ito rin ang panahon na mahalagang bigyang suporta ang mga nangangailangan ng mental health services at tulong dahil sa domestic violence.

Ito ang ilan sa mga serbisyong maaaring tawagan at hingan ng tulong:

Triple Zero at masamang panahon

Tawagan ang Triple Zero (000) sa mga kaso ng sunog, medical or police emergency. Para sa emergency help sa baha, bagyo o tsunamis, tawagan ang State Emergency Service (SES) sa 132 500.

Walang mga translators ang Triple Zero kaya kung hirap ka sa Ingles, i-tatransfer ang iyong tawag sa pulis sa iyong capital city. Kapag ika'y nakonekta na, may translator na ibibigay sa iyo.

Mayroon ding dalawang emergency service numbers ang Australya, ngunit gumagana lang ito sa ibang mga serbisyo:

  • 112 ay maaari lamang i-dial sa mobile phone.
  • 106 ay maaari lamang gamiting sa teletypewriter (TTY) o device for the deaf. Ang 106 ay isang text-based emergency service number para sa mga bingi o sa mga may hearing o speech impairment.

COVID-19 contacts at bakuna

Para sa information ukol sa COVID-19 at bakuna, tawagan ang National Coronavirus Hotline sa 1800 020 080.

Gumagana ang linyang ito 24 oras kada araw, 7 araw kada linggo at may karagdagang opsyon pa para sa mga priority groups.

Maaaring makatulong ang helpline sa pagbigay ng lokasyon ng vaccine clinic at contact information upang makagawa ng booking, ngunit hindi maaaring gumawa ng booking para sa iyo ang mga call takers.

Upang mag-book para sa COVID-19 vaccine appointment, gamitin ang .

May  ang Beyond Blue upang tulungan ang mga taong kayanin ang mga epekto ng pangdemya - ang contact number nila ay 1800 512 348.

Kumunekta sa interpreter para sa iyong wika ukol sa impormasyon sa COVID-19 sa, tawagan ang 1800 131 450.

Maging updated sa kasalukuyang mga restriksyon sa iyong estado gamit ang .

Para sa mga health at support measures bilang response sa pandemya sa iyong wika, bisitahin ang .

Non-emergency police at fire incidents

Police Assistance Line - 131 444: Tawagan ang pulis para sa mga insidente kahit hindi emergency

​Crime Stoppers - 1800 333 000: Tawagan ang numerong ito kung may impormasyon ka ukol sa pagtulong malutas and isang krimen.

Para sa sunog kahit hindi emergency,.

Mental health support at translation services

 - 131 114: Nagbibigay ang national charity na ito ng tulong sa mga Australyanong dumadaan sa personal na krisis sa pamamagitan ng 24-hour crisis support. Gamitin ang  upang mahanap ang mga serbisyo sa iyong area.

 - 1800 551 800: Ito ay isang libreng telephone at online counselling service para sa mga nasa edad lima hanggang 25 na dumadaan sa mga pagsubok.

131 450: Itong interpreting service ay binibigay ng Department of Home Affairs para sa mga taong hindi nagsasalita ng Ingles at para sa mga agencies at negosyo na kinakailangang makipag-usap sa mga non-English speaking na kliyente.

 - 1300 789 978: Isang 24-hour counselling service para sa mga lalaki na may mga isyu ukol sa relationships at pamilya.

 - 1300 224 636: Nagbibigay ng 24-hour support upang tugunan ang mga isyu ukol sa depression, suicide, anxiety disorders at iba pang kagaya ng mga ito na mental illnesses.

 – 1300 659 467: Isang 24-hour counselling service para sa suicide prevention at mental health sa pamamagitan ng telepono, online and video.

 - 1300 364 277: Nagbibigay ng relationship support services para sa mga indibidwal, pamilya at komunidad.

 - 1800 007 007: Isang libre at confidential advice service mula sa professional financial counsellors.

Domestic violence support

 -1800 737 732: Isang 24-hour national sexual assault, family and domestic violence counselling line.

 - 1300 381 581: Isang national charity na nagbibigay priority sa kaligtasan at kapakanan ng mga bata sa pamamagitan ng counselling, advocacy, education, child abuse prevention programs at research.

 - 1300 766 491: Nakapokus ang organisasyon na ito sa epektibong evidence-informed engagement sa mg kalalakihan upang masiguro ang kaligtasan at kapakanan ng mga kababaihan at mga bata.

 - 1800 937 638: Isang advocacy body na gumagalaw para sa mga kababaihan at bata na dumadanas o dumanas ng domestic o family violence.

- 1800 353 374: Libreng impormasyon at support services para sa mga taong dumadanas o naka-witness ng abuse ng isang nakatatanda.

Para sa state-based services para sa domestic violence .


Share
Published 21 December 2021 10:27am
Updated 21 December 2021 10:35am


Share this with family and friends