- Sinabi ni World Health Organisation Director-General Tedros Adhanom Ghebreyesus na hindi umano nakakatulong ang pagpapatupad ng blanket ban para mapigilan ang pagkalat ng Omicron variant, sa halip, mas masasabing ito ay pasakit at pahirap sa mga tao at mga kabuhayan nito. Sa ngayon, 23 bansa na ang may kumpirmadong kaso ng ng bagong variant.
- Payo ng WHO sa mga mas madaling mahawa ng sakit na ipagpaliban muna ang pagbyahe.
- Nagtala ng ika-pitong kaso ng Omicron variant ang NSW. At hindi umano ito bumyahe sa southern Africa. Nangangamba ang NSW Health na maaaring nahawa ito sa ibang pasahero ng flight na galing Doha.
- Hinala naman ng Victorian Health Minister na hindi malayong mayroon na ding kaso ng bagong variant sa estado, bagamat wala pang kumpirmadong report tungkol dito.
- Ayon kay Victorian Premier Daniel Andrews, hindi nakatuon ang estado sa mga panibagong kaso ngayong mas mataas na ang vaccination rate ng estado.
- Kinumpirma naman ni Queensland Premier Annastacia Palaszczuk na ang lalaking nagpositibo sa virus sa Gold Coast kahapon ay nasa komunidad noong Black Friday sales.
COVID-19 stats
Victoria: Nagtala ng 1,419 na panibagong kaso at sampu ang namatay.
NSW: Nagtala ng 271 na bagong community cases
ACT: May walong bagong naitalang kaso
NT: 1 panibagong kaso
Quarantine at resktrikyon sa bawat estado
Pagbyahe
Mga dapat alamin kung ikaw ay at narito naman ang impormasyon tungkol sa Covid-19 at pagbyahe na isinalin sa
Tulong pinansyal
narito ang ilang impormasyon kaugnay sa COVID-19 Disaster payment sa oras na maabot ang 70 at 80 porsyento ng vaccination rate: .
- Balita at impormasyon na isinalin sa 63 wika sa
- Mga alituntunin sa bawat estado at teritoryo: , , , , , , .
- Impormasyon tungkol sa
Mga testing clinic sa bawat estado at teritoryo: