- NSW Premier, nagbigay ng babala sa mga residente na huwag magpakakampante
- Kampanya para mahikayat ang mga residente na magpabakuna, inilunsad sa Victoria
- Queensland, walang bagong naitalang kaso ng COVID-19
New South Wales
Nagtala ng 496 na panibagong kaso ng coronavirus ang New South Wales at walo ang namatay. Dalawa sa mga kaso ay kasalukuyang naka-quarantine.
Nagluwag na ng restriksyon ang NSW matapos sumailalaim ito sa mahigit isandaang-araw ng lockdown. Simula ngayong araw, bukas na ang mga gym, kainan, tindahan at mga salon.
Sa kabila nito, nagbabala pa din si Premier Dominic Perrottet, na kailangang siguruhin ng mga negosyo na tama ang impormasyong ibibigay sa kanila ng kanilang mga kustomer kaugnay sa kanilang bakuna.
Umabot umano sa halos isang bilyong dolyar kada linggo ang nagagastos ng gobyerno dahil sa mga restriksyon at ayon sa premier, nagdulot din ito ng labour shortage.
Balak din ng premier na gawing mas maaga ang pagbubukas ng Australia sa ibang bansa.
Aniya, hindi makakatulong sa ekonomiya ng bansa kung magpapatuloy na sarado ang international border ng Australia. Hiling din nya na makabalik na sa bansa ang mga Australyanong naipit sa iba’t-ibang bansa.
Victoria
Nagtala ng 1,612 na panibagong kaso ng COVID-19 ang Victoria at walo ang namatay. 677 sa mga kaso ay nasa ospital, 133 ang kasalukuyang nasa ICU at 94 ang nangailangan ng ventilator.
Ayon kay Health Minister Martin Foley, pwede na ma-access ng lahat ng residente ang mRnA, Moderna at Pfizer vaccines. Kaugnay nito, naglunsad ng malawakang kampanya ang gobyerno para hikayating magpabakuna ang mga residente habang papalapit na ang planong pagbubukas ng estado.
Nitong Linggo, umabot na sa 81,000 ang bakuna na naipamahagi sa buong Victoria.
ACT
Nagtala ng 32 bagong kaso ng coronavirus ang Australian Capital Territory.
Sa ngayon, umabot na sa 97.8 per cent ang mga nakakakuha na ng unang dose ng bakuna, na may edad dose pataas.
Quarantine, travel, testing clinics at pandemic disaster payment
Pinamamahalaan ng bawat estado at teritoryo ang mga kakailanganin para sa quarantine at testing:
Kung kinakailangan mong bumyahe sa ibang bansa, maaaring mag-apply ng exemption online. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga kundisyon sa pagbyahe sa labas ng bansa. Mayroong mga patakarang pansamantalang ipinapatupad para sa mga international flights, na regular na sinusuri ng gobyerno at ina-update website.
- Balita at impormasyon na isinalin sa 63 wika sa
- Mga alituntunin sa bawat estado at teritoryo: , , , , , , .
- Impormasyon tungkol sa
Mga testing clinic sa bawat estado at teritoryo:
Impormasyon kaugnay sa pandemic disaster payment sa bawat estado at teritoryo: