- Binawi ni West Australian Premier Mark McGowan ang naunang desisyon nito na buksan ang border ng estado ngayong Pebrero 5. Aniya, "hindi ligtas at iresponsable" ang magiging hakbang ng estado kung itutuloy nya ang planong pagbubukas sa Pebrero, sa gitna ng patuloy na pagtaas ng mga kaso ng Omicron variant sa buong bansa.
- Ayon din kay Premier McGowan, limitado ang proteksyon ng dalawang dose ng bakuna laban sa Omicron variant. Dagdag nito, kailangan pa nya ng mas maraming oras para maitaas ang booster rate ng estado.
- Binatikos naman ni Dr Omar Khorshid, pinuno ng Australian Medical Association, ang desisyon ng Premier. Aniya, "kailangan nang buksan na ang border ng estado."
- Umabot sa 46 ang bilang ng namatay sa COVID-19 sa NSW ngayong araw, pinakamataas na naitala ng estado simula nang mag-umpisa ang pandemya. Sa Victoria, 20 ang naiulat na namatay dahil sa COVID-19 habang 13 naman ang naitala sa Queensland at isa ang namatay sa Tasmania.
- Bumaba naman ang bilang ng na-oospital sa NSW at Victoria sa loob ng 24 oras - mas mababa ng siyam na porsyento sa Victoria na nagtala ng 1,206 ngayong araw mula sa 1,096 kahapon. Higit isang porsyento naman ang ibinaba sa NSW, na nagtala ng 2,781 ngayong araw, mula 2,743 kahapon.
- Ayon kay NSW Chief Health Officer Kerry Chant, "ilang mga indikasyon ang nagpapatunay" na bumababa na ang antas ng hawaan sa komunidad.
- Inanunsyo ni Queensland Premier Annastacia Palaszczuk na simula Lunes, maaari na magpa-book ng booster shot ang mga residenteng nakakuha ng pangalawang dose noong nakaraang tatlong buwan.
- Naglunsad ng imbestigasyon ang Australian Federal Police kaugnay sa pagtaas ng presyo ng rapid antigen tests.
- Babala ng unyon ng mga paramedics at call-centre operator, nahaharap na din sa kakulangan ng staff ang call-taking service para sa mga ambulansya, ilang buwan matapos may mamatay sa kahihintay sa pagdating ng ambulansya sa Melbourne.
- Halos 30 kumpanya na gumagawa ng generic na gamot sa Africa, Asia at Middle East, planong gumawa ng mas murang bersyon ng COVID-19 pill na gawa ng Merck & Co. Ang hakbang na ito ay suportado ng UN para maipaabot ang gamot sa mga mas mahihirap na bansa, bilang tugon sa pagsugpo sa pandemya.
RAT registration forms ng iba't-ibang estado at teritoryo
Covid-19 Stats: Nagtala ang nSW ng 25,168 na panibagong kaso at 46 ang namatay, habang umabot naman sa 18,167 na kaso ang naitala sa Victoria at 20 ang namatay.
Sa Queensland, nagtala ang estado ng 16,031 na panibagong kaso at 13 ang namatay, habang 866 na kaso naman ang naitala sa Tasmania, at isa ang namatay.
Quarantine at resktrikyon sa bawat estado
Pagbyahe
Mga dapat alamin kung ikaw ay at narito naman ang impormasyon tungkol sa Covid-19 at pagbyahe na isinalin sa
Tulong pinansyal
Narito ang ilang impormasyon kaugnay sa COVID-19 Disaster payment sa oras na maabot ang 70 at 80 porsyento ng vaccination rate: .
- Balita at impormasyon na isinalin sa 63 wika sa
- Mga alituntunin sa bawat estado at teritoryo: , , , , , , .
- Impormasyon tungkol sa
Mga testing clinic sa bawat estado at teritoryo: