- Makakatanggap ng refund sa visa application fees ang mga international student at working holidaymakers na darating sa Australia simula ngayong araw. Ito ang ang hakbang ng gobyerno para mas marami pang mahikayat na pumasok sa bansa.
- Nag-anunsyo ng mga pagbabago si Punong Ministro Scott Morrison para matugunan ang kakalungan sa staff na nararanasan ng iba't-ibang industriya dahil sa Omicron variant.
- Para sa mga international students, iababalik ang kanilang binayaran sa visa fees, walong linggo simula Miyerkules, habang ipapatupad naman ang mga pagbabago para sa mga holidaymakers sa loob ng 12 linggo.
- Nadagdagan na naman ng 61 katao ang bilang ng namatay sa tatlong pinakamalalaking estado sa Australia dahil sa COVID-19.
- Sa NSW, umabot sa 32 ang bilang ng mga namatay dahil sa COVID-19 at 2,863 ang nadala sa ospital. 217 dito ay nasa intensive care, mas mataas kaysa sa naiulat na bilang kahapon.
- Inanunsyo ni Premier Dominic Perrotet na simula ngayong araw, pwede nang magpa-book ng booster shots ang mga nakakuha ng kanilang panagalawang dose noong nakaraang tatlong buwan.
- Ayon kay Chief Medical Officer Professor Paul Kelly, maaaring tumaaas pa ang bilang ng mga kaso pagdating ng taglamig at posible ding may umusbong na panibagong variant, kasabay ng pagsipa ng mga kaso ng flu infections.
- Sa Queensland, tatanggalin na ang quarantine requirements para sa mga byahero na galing ibang bansa simula ala-una ng madaling araw ng Sabado.
- Kampante si Premier Annastacia Palaszczuk sa desisyong ito dahil inaasahang maaabot na ng estado ang 90 porsyentong double vaccination rate sa mga susunod na araw.
- Nananawagan naman ang Melbourne Airport na tanggalin na sana ang testing requirement para sa mga byaherong kumpleto na ang bakuna na lalabas ng bansa, na kinakailangang magpakita ng negatibong resulta ng PCR test sa loob ng tatlong araw bago ang kanilang pag-alis sa Australia.
RAT registration forms ng iba't-ibang estado at teritoryo
Covid-19 Stats:
Nagtala ang NSW ng 32,297 na panibagong kaso at 32 ang namatay dahil sa COVID-19, habang ang Victoria ay nagtala ng 20,769 na panibagong kaso at 18 ang namatay.
Umabot naman sa 19,932 ang naitalang kaso sa Queensland at 11 ang namatay. At sa Tasmania, mayroong naitalang 1,185 na kaso.
Quarantine at resktrikyon sa bawat estado
Pagbyahe
Mga dapat alamin kung ikaw ay at narito naman ang impormasyon tungkol sa Covid-19 at pagbyahe na isinalin sa
Tulong pinansyal
Narito ang ilang impormasyon kaugnay sa COVID-19 Disaster payment sa oras na maabot ang 70 at 80 porsyento ng vaccination rate: .
- Balita at impormasyon na isinalin sa 63 wika sa
- Mga alituntunin sa bawat estado at teritoryo: , , , , , , .
- Impormasyon tungkol sa
Mga testing clinic sa bawat estado at teritoryo: