COVID-19 update: Dalawa pa ang namatay sa NSW dahil sa virus, public holiday sa Queensland kanselado

Update kaugnay sa Coronavirus sa Australia ngayong Agosto 4 2021

NSW Premier Gladys Berejiklian arrives to speak to the media during a press conference in Sydney, Wednesday, August 4, 2021. (AAP Image/Joel Carrett) NO ARCHIVING

Source: AAP Image/Joel Carrett

  • Traces ng virus, natagpuan sa Newcastle region sewage
  • Ekka public holiday sa Brisbane, kanselado
  • South Australia, nagtala ng panibagong kaso ng coronavirus sa komunidad
  •  Victoria, walang bagong kaso ng COVID-19 ngayong araw

New South Wales

Nagtala ng panibagong 233 na kaso ng coronavirus  ang estado at 47 dito ang nasa komunidad habang infectious o nakakahawa. Dalawang katao ang naiulat na namatay dahil sa COVID-19, kabilang dito ang 20 anyos na lalaki mula Southwest Sydney. Biglaan umano ang pagbasak ng kalusugan nito matapos mahawa sa virus.  

Hinihikayat ni Chief Health Officer Dr Kerry Chant ang mga residente ng Newcastle na magpa-test agad kung may maramdamang sintomas matapos makitaan ng traces ng virus ang kanilang local sewerage.  

Kabilang sa mga apektadong lugar ang Birmingham Gardens, Shortland, Maryland, Fletcher, Minmi, Cameron Park, Mayfield, Stockton, at Fern Bay.

Queensland

Nagtala ng panibagong na kaso ng coronavirus ang estado, 16 dito ay konektado sa kasalukuyang cluster. Ang pinakahuling kaso, na naiulat sa Cairns kahapon ay di konektado sa Brisbane cluster.

Samantala, ipagpapaliban muna ang Ekka public holiday sa Brisbane hanggang bago matapos ang taon.

Hinihikayat ni Chief Health Officer Jeanette Young ang publiko na mag- online shopping muna o ipagpaliban ang pamimili upang maiwasan ang makihalubilo sa komunidad.

Mga huling kaganapan sa loob ng 24 oras sa Australia

  • South Australia, nagtala ng isang panibagong kaso ng coronavirus, kasalukuyang nakaquarantine ang beinte anyos na lalaki
  • Sa Victoria, walang bagong kasong naitala sa unang pagkakataon sa loob ng tatlong linggo

Quarantine, travel, testing clinics at pandemic disaster payment

Pinamamahalaan ng bawat estado at teritoryo ang mga kakailanganin para sa quarantine at testing:

Kung kinakailangan mong bumyahe sa ibang bansa, maaaring mag-apply ng exemption online. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga kundisyon sa pagbyahe sa labas ng bansa, . Mayroong mga patakarang pansamantalang ipinapatupad para sa mga international flights, na regular na sinusuri ng gobyerno at ina-update sa  website. 


 



Isinalin sa inyong wika, .

Isinalin sa inyong wika .



Mga testing clinic sa bawat estado at teritoryo:

 
 

Impormasyon kaugnay sa pandemic disaster payment sa bawat estado at teritoryo:

 
 
 


Share
Published 4 August 2021 2:19pm
Updated 4 August 2021 2:41pm
By SBS/ALC Content
Source: SBS


Share this with family and friends