COVID-19 update: Roll out ng rapid anti-gen tests sa Victoria, sisimulan na

Update kaugnay sa Coronavirus sa Australia ngayong Oktubre 6, 2021

Victorian Health Minister Martin Foley (left) and Victorian COVID-19 Commander Jeroen Weimar arrive to address the media during a press conference in Melbourne, Wednesday, October 6, 2021.

Victorian Health Minister Martin Foley (left) and Victorian COVID-19 Commander Jeroen Weimar in Melbourne, Wednesday, October 6, 2021. Source: AAP/James Ross

  • 2.2 milyong rapid anti-gen tests, bibilhin ng Victoria
  • Panibagong financial hardship support para sa mga negosyo, pinag-aaralan sa New South Wales
  • Higit 66 per cent ng mga residente ng Canberra, bakunado na
  • At sa Queensland, walang bagong naitalang kaso ng COVID-19

 

Victoria

Nagtala ng 1,420 na panibagong kaso ang Victoria at labing-isa ang namatay. Sa ngayon, umabot na sa 68 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa estado dahil sa COVID-19.

Nagbabalak din ang gobyerno ng Victoria na simulan ang roll out ng 2.2 milyong rapid antigen tests at ipapatupad ito sa buong healthcare system bago palawigin sa mga lugar kung saan mataas ang panganib na kumalat ang virus tulad ng paaralan at emergency services.

Ayon kay Health Minister Martin Foley, mahigit 90,000 na ang mga nabakunahang residente ng Victoria kahapon. Ito’y halos kalahating porsyento ng kabuuang bilang ng mga naipamahaging bakuna sa buong estado noon Martes, Oktubre 5.

New South Wales 

Nagtala ng 594 na panibagong kaso ng coronavirus ang New South Wales at sampu ang namatay,

Naglunsad naman ng bagong para matulungan ang ilang negosyong lubhang naapektuhan ng pandemya, na makakuha ng tulong pinansyal.

Susuriin ng bubuuing panel ang mga maliliit na negosyo na hindi kwalipikado sa mga kasalukuyang tulong na inaalok ng gobyerno, tulad ng COVID-19 Business Grant, Micro-business Grant at JobSaver payments.

Alamin kung paano .  

Australian Capital Territory

May naitalang 28 na panibagong kaso at isa ang namatay sa Australian Capital Territory.

Sa ngayon, umabot na sa 395 ang bilang ng mga aktibong kaso sa ACT.

Kabilang dito ang isang sanggol nanagpositibo sa virus na kasalukuyang nasa special care nursery sa Centenary Hospital for Women and Children.

Dagdag na kaganapan sa huling 24 oras sa Australia

  • Hinihikayat ni Premier Annastacia Palaszczuk na magpabakuna ang mga residenteng nakatira sa Ipswich, Logan, Beaudesert at Sunshine Coast habang nalalapit nanag maabot ng estado ang 70 per cent na vaccination rate para sa mga nakakuha na ng first dose.
Quarantine, travel, testing clinics at pandemic disaster payment
Pinamamahalaan ng bawat estado at teritoryo ang mga kakailanganin para sa quarantine at testing:

Kung kinakailangan mong bumyahe sa ibang bansa, maaaring mag-apply ng exemption online. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga kundisyon sa pagbyahe sa labas ng bansa.  Mayroong mga patakarang pansamantalang ipinapatupad para sa mga international flights, na regular na sinusuri ng gobyerno at ina-update    website. 




Isinalin sa inyong wika, .

Isinalin sa inyong wika .



Mga testing clinic sa bawat estado at teritoryo:

 
 

Impormasyon kaugnay sa pandemic disaster payment sa bawat estado at teritoryo:

 
 

Share
Published 6 October 2021 1:17pm
Updated 6 October 2021 4:24pm
By SBS/ALC Content
Source: SBS


Share this with family and friends