- Mga otorisadong manggagawa sa Victoria, obligado na magpabakuna
- Mga negosyo sa New South Wales, makakukuha pa din ng tulong pinansyal
- At dalawang panibagong kaso ng coronavirus, naitala sa Queensland
Victoria
Nagtala ng 1,143 na panibagong kaso ng COVID-19 ang Victoria at tatlo ang namatay.
Kinkailangan na din makakuha ng unang dose ng bakuna ang lahat ng mga hanggang Oktubre 15 para makapasok sa kani-kanilang trabaho. Bibigyan sila ng gobyerno ng hanggang Nobyembre 26 para makumpleto ang kanilang bakuna.
Simula Martes, Oktubre 5, balik-operasyon na ang mga construction sites at papayagan silang mag-operate hanggang 25 per cent capacity. Kinakailangan din na mayroong kahit isang dose ang mga papasok sa site.
Samantala, sasailalim naman sa pitong araw na lockdown ang Moorabool local government area simula ngayong hatinggabi.
New South Wales
Nagtala ng 864 na panibagong kaso ang estado at 15 ang namatay.
Siniguro naman ni Treasurer Dominic Perrottet na makakatanggap pa rin ng tulong pinansyal ang mga negosyo sa New South Wales hanggang Nobyembre 30, basta’t makakapagbigay sila ng mga kakalanganing dokumento.
Makakatanggap din ng ayuda na hanggang $750 kada dalawang linggo ang mga maliliit na negosyo na may turnover na mas mababa sa $75,000.
Maaari din ma-access ang Job Saver program para sa mga negosyo na nawalan ng higit 30 porsyento ng kanilang kita.
Australian Capital Territory
Sa Australian Capital Territory naman ay may naitalang 53 na panibagong kaso ng coronavirus at dalawa ang namatay.
Ayon kay ACT Chief Minister Andrew Barr, nasa apatnapung porsyento pa ng mga taga-Canberra ang hindi pa bakunado, at karamihan ay mga may edad 40 pababa.

Source: SBS
Quarantine, travel, testing clinics at pandemic disaster payment
Pinamamahalaan ng bawat estado at teritoryo ang mga kakailanganin para sa quarantine at testing:
Kung kinakailangan mong bumyahe sa ibang bansa, maaaring mag-apply ng exemption online. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga kundisyon sa pagbyahe sa labas ng bansa. Mayroong mga patakarang pansamantalang ipinapatupad para sa mga international flights, na regular na sinusuri ng gobyerno at ina-update website.
- Balita at impormasyon na isinalin sa 63 wika sa
- Mga alituntunin sa bawat estado at teritoryo: , , , , , , .
- Impormasyon tungkol sa
Mga testing clinic sa bawat estado at teritoryo:
Impormasyon kaugnay sa pandemic disaster payment sa bawat estado at teritoryo: