COVID-19 update: Victoria mapapaaga ang pag-alis ng lockdown, 'Travel bubble' sa pagitan Australia at NZ muling ibabalik

Update kaugnay sa Coronavirus sa Australia ngayong Oktubre 17, 2021

Brighton, St Kilda, Victoria

Brighton, St Kilda, Victoria Source: AAP/DANIEL POCKETT

  • Victoria mas maagang aalisin ang lockdown kaysa sa unang inaasahan
  • NSW naabot na ang 80 porsyeto ng target na mabakunahan
  • Travel bubble sa pagitan ng Australia at New Zealand ibabalik ngayong darating na linggo
  • 'Breakthrough' COVID-19 treatment binili ng gobyerno ng Australia

Victoria

Victoria nakapagtala ng 1,838 na panibagong lokal na kaso ng COVID-19 at pitong pagkamatay.

Nasa 777 katao ang kasalukuyang nasa ospital ngayon, 151 ang nasa intensive care at 94 ang naka-ventilator.

Inihayag ni Premier Daniel Andrews na mas mapapa-aga ang  kaysa sa unang inasahan. Sisimulan ang pagluwag ng mga restriksyon mula hatinggabi ng Huwebes, 21 Oktubre. Ayon sa Premier, kapag inalis ang lockdown, wala nang resktriksyon tungkol sa paglabas ng bahay, at wala na ring curfew.

89 porsyento ng mga Victorians edad 16 pataas ay naturukan na ng isang dosis ng COVID vaccine at 65.5 per cent ay fully vaccinated na.

Hanapin ang pinakamalapit na  sa iyo.

New South Wales 

NSW nakapagtala ng 301 na bagong kaso ng COVID-19 at 10 pagkamatay.

Ani Premier Dominic Perrottet, kahapon ay naabot ng NSW ang target na 80 per cent double-dose vaccination, ibig sabihin .

Inihayag ng Premier ang $130 miilyong pondo para sa mental health.

Ang NSW ang magiging unang estado sa Australia na simulan ang pagsasanay sa 275,000 katao para sa pag-iwas sa pagpapakamatay at first aid para sa mental health, ayon kay Mental Health Minister Bronnie Taylor.

Iba pang kaganapan sa loob ng 24 oras sa Australia
  • 15,000 units ng 'breakthrough treatment' na Ronapreve, binili ng pamahalaang pederal ng Australia.
  • Pagbiyahe sa pagitan ng NSW at Victoria at bahagi ng NZ na hindi na kailangang mag-quarantine ibabalik simula hatinggabi ng Martes, Oktubre 19.
  • ACT nakapagtala ng 33 na bagong kaso ng COVID infections.
  • Tasmania walang naitalang bagong kaso.
  • Pamahalaang Queensland wala pang itinakdang petsa para sa muling pagbubukas ng mga borders.
Quarantine, travel, testing clinics at pandemic disaster payment
Pinamamahalaan ng bawat estado at teritoryo ang mga kakailanganin para sa quarantine at testing:

Kung kinakailangan mong bumyahe sa ibang bansa, maaaring mag-apply ng exemption online. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga kundisyon sa pagbyahe sa labas ng bansa.  Mayroong mga patakarang pansamantalang ipinapatupad para sa mga international flights, na regular na sinusuri ng gobyerno at ina-update    website. 




Isinalin sa inyong wika, .

Isinalin sa inyong wika .



Mga testing clinic sa bawat estado at teritoryo:

 
 

Impormasyon kaugnay sa pandemic disaster payment sa bawat estado at teritoryo:

 
 

Share
Published 17 October 2021 1:19pm
Updated 17 October 2021 1:54pm
By SBS/ALC Content
Presented by Annalyn Violata
Source: SBS


Share this with family and friends