- Victoria pumalo sa 1,488 panibagong COVID-19 cases ang naitala
- NSW nakapagtala ng 813 panibagong COVID-19 cases
- ACT nakapagtala ng 52 panibagong COVID-19 cases
- Queensland may dalawang panibagong kasong naitala mula sa home quarantine
Victoria
Pumalo sa 1,488 panibagong kaso ng COVID-19 at dalawang kamatayan ang naitala sa Victoria. Ito ang pinakamataas na naitala ng estado simula ang Delta outbreak. Sa kasalukuyan, may 429 katao ang isinugod sa ospital habang 97 ang nasa icu at 54 ang naka-ventilator.
Nasa tier 1 ng ang ilang mga medikal na pasilidad kabilang dito ang mga regional sites sa Warrnambool, Shepparton, Gisborne, East Bendigo, Muckatah at Ballarat.
Inanunsyo ni Treasurer Tim Pallas ang $196.6 million na support package na magbibigay ng one-off payment sa mga eligible na negosyo kabilang ang mga sole traders simula ika-21 ng Setyembre hanggang ika-4 ng Oktubre.
New South Wales
Nakapagtala ang NSW ng 813 panibagong COVID-19 cases at sampung kamatayan.
Mayroong 1,005 katao sa NSW ang nasa ospital, 202 katao ang nasa icu, habang 99 ang naka-ventilator.
Hinimok ni Dr Jeremy McAnulty ng NSW Health ang mga residente na sumunod sa patakaran at iwasan na muna ang mga illegal na pagtitipon sa mga kabahayan bago pa man ang Rugby League Grand Final ngayon weekend na gaganapin sa Brisbane.

Source: SBS
Quarantine, travel, testing clinics at pandemic disaster payment
Pinamamahalaan ng bawat estado at teritoryo ang mga kakailanganin para sa quarantine at testing:
Kung kinakailangan mong bumyahe sa ibang bansa, maaaring mag-apply ng exemption online. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga kundisyon sa pagbyahe sa labas ng bansa. Mayroong mga patakarang pansamantalang ipinapatupad para sa mga international flights, na regular na sinusuri ng gobyerno at ina-update website.
- Balita at impormasyon na isinalin sa 63 wika sa
- Mga alituntunin sa bawat estado at teritoryo: , , , , , , .
- Impormasyon tungkol sa
Mga testing clinic sa bawat estado at teritoryo:
Impormasyon kaugnay sa pandemic disaster payment sa bawat estado at teritoryo: