COVID-19 Update: Victoria, nagtala ng pinakamataas na bilang ng kaso ng COVID-19; Pandemic payment, babawasan na ng gobyerno

Update kaugnay sa Coronavirus sa Australia ngayong Setyembre 29, 2021

Brisbane

Brisbane Source: AAP

  • COVID-19 disaster payments, babawasan na ng gobyerno sa sandaling maabot ang 70 percent na vaccination rate
  • Victoria, nagtala ng panibagong 950 na kaso ng coronavirus
  • At papayagan nang bumisita sa aged care ang dalawang tao na may kumpletong bakuna

Victoria

Nagtala ng 950 na panibagong kaso ng coronavirus ang Victoria at pito ang naiulat na namatay.

Nagluwag na ng ilang restriksyon ang estado pero sasailalim sa pitong araw na lockdown ang La Trobe Valley region para mapigilang lumobo ang mga kaso ng COVID-19. Ang outbreak ay konektado sa isang pagtitipon sa bahay.

Simula ngayong araw, dadagdagan na ang travel limit ng hanggang 15 kilometro para sa mga residente ng metropolitan Melbourne. Papayagan na din ang mga contactless sports katulad ng tennis at golf.

New South Wales

Nagtala ng panibagong 863 na kaso ng COVID-19 ang estado at labinlima ang namatay. Ayon kay NSW Premier Gladys Berejiklian, mas mababa pa sa inaasahang bilang ang mga naoospital dahil sa virus.

Simula Oktubre 11, papayagan na ang hanggang dalawang katao na may kumpletong bakuna na bumisita sa mga residente ng aged care kada araw.

Sa ngayon, nasa 86.2 per cent na ang makakuha ng unang dose ng bakuna, 61.7 per cent naman ang nakakuha na ng pangalawang dose, 44.5 percent ay mga batang may edad dose hanggang kinse na nakatanggap na ng unang dose ng bakuna.

Alamin kung paano 

Queensland

Nagtala ng isang panibagong kaso ng coronavirus ang estado, hindi kasama sa bilang ang isang naitalang kaso na natukoy sa NSW.

Kinakailangan na rin magsuot ng mask ang mga residente ng Gold Coast City Council area.

Ayon kay Chief Health Officer Jeannette Young, hindi pa kailangang magpatupad ng lockdown sa ngayon, pero maaari pang magbago ito sakaling magkaroon ng mas maraming hawaan sa komunidad.

Quarantine, travel, testing clinics at pandemic disaster payment
Pinamamahalaan ng bawat estado at teritoryo ang mga kakailanganin para sa quarantine at testing:

Kung kinakailangan mong bumyahe sa ibang bansa, maaaring mag-apply ng exemption online. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga kundisyon sa pagbyahe sa labas ng bansa.  Mayroong mga patakarang pansamantalang ipinapatupad para sa mga international flights, na regular na sinusuri ng gobyerno at ina-update    website. 




Isinalin sa inyong wika, .

Isinalin sa inyong wika .



Mga testing clinic sa bawat estado at teritoryo:

 
 

Impormasyon kaugnay sa pandemic disaster payment sa bawat estado at teritoryo:

 
 
 


Share
Published 29 September 2021 1:29pm
Updated 29 October 2021 1:23pm
By SBS/ALC Content
Presented by Roda Masinag
Source: SBS


Share this with family and friends