COVID-19 Update: Victoria, nagtala ng rekord na bilang ng namatay dahil sa COVID-19; NSW naghahanda na para sa susunod na target sa pagluluwag ng restriksyon

Update kaugnay sa Coronavirus sa Australia ngayong Oktubre 13, 2021

The Royal Children's Hospital in Melbourne is dealing with a coronavirus scare in its NICU unit, which cares for vulnerable newborns.

The Royal Children's Hospital in Melbourne is dealing with a coronavirus scare in its NICU unit, which cares for vulnerable newborns. Source: AAP

  • Victoria, nagtala ng rekord na bilang ng namatay dahil sa COVID-19
  • NSW, nakatakdang maabot ang 80% na full vaccination rate ngayong linggo
  • At daan-daang exposure sites natukoy sa ACT

 

Victoria

Nagtala ng 1571 na panibagong kaso ng COVID-19 ang Victoria at labingtatlo ang namatay.

Ipapatupad na ang paggamit ng Rapid Antigen Testing para sa mga bibisita sa Royal Children’s Hospital sa Melbourne. Ito’y matapos bumisita ang isang magulang sa neonatal intensive care ward ng ospital at hinihinalang positibo sa virus.

Pansamantala din munang ititigil ang mga elective surgery sa ospital.

Ayon kay State Health Minister Martin Foley, tatapusin na ngayong gabi ang lockdown sa Mitchell Shire, sa Hume region.

Alamin kung saan may 

New South Wales

Nagtala ng 444 na panibagong kaso ng COVID-19 ang New South Wales at apat ang namatay.

Inaasahan din na maaabot na ng estado ang target na 80% full vaccination rate ngayong darating na Linggo.

Ayon kay Premier Dominic Perrottet, posibleng magkaroon ng amyenda sa Roadmap ng estado at pag-uusapan ito sa pagpupulong ng gabinete bukas. Inaasahang iaanunsyo ang mga pagbabago ngayong Biyernes.

Sa ngayon, umabot na sa 75.2 per cent ng mga residenteng may edad disi-sais pataas ang kumpleto na ang bakuna, habang 90 percent naman ang nakakuha na ng isang dose.

Alamin kung paano .  

ACT 

Sa Australian Capital Territory naman, ay may naitalang 51 na panibagong kaso ng COVID-19. Sa 16 na pasyente na nasa ospital, walo ang nasa intensive care at lima ang nangailangan ng ventilator.

Umabot na sa 370 ang natukoy na exposure sites at nanawagan ang gobyerno sa lahat ng mga residente ng Canberra na i-check ang para sa listahan ng mga bagong exposure sites.

Pinakahuling kaganapan sa loob ng 24 oras sa Australia

  • 1,000 healthcare workers mula ibang bansa, planong i-recruit ng Victoria para matugunan ng estado ang paglobo ng mga kaso ng COVID-19
  • At ACT, inaasahang maaabot ang 99-per cent double-dose rate bago matapos ang Nobyembre.
Quarantine, travel, testing clinics at pandemic disaster payment
Pinamamahalaan ng bawat estado at teritoryo ang mga kakailanganin para sa quarantine at testing:

Kung kinakailangan mong bumyahe sa ibang bansa, maaaring mag-apply ng exemption online. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga kundisyon sa pagbyahe sa labas ng bansa.  Mayroong mga patakarang pansamantalang ipinapatupad para sa mga international flights, na regular na sinusuri ng gobyerno at ina-update    website. 




Isinalin sa inyong wika, .

Isinalin sa inyong wika .



Mga testing clinic sa bawat estado at teritoryo:

 
 

Impormasyon kaugnay sa pandemic disaster payment sa bawat estado at teritoryo:

 
 

Share
Published 13 October 2021 3:44pm
By SBS/ALC Content
Presented by Roda Masinag
Source: SBS


Share this with family and friends