COVID-19 update: Higit 100 katao inaresto ng Victoria Police, NSW babawasan ang self-isolation period

Update kaugnay sa Coronavirus sa Australia ngayong Oktubre 3, 2021

Polisi wamkamata mwandamanaji MELBOURNE

Polisi wa Victoria wamkamata mwandamanaji karibu ya Royal Botanic Gardens, kwenye maandamano dhidi ya chanjo mjini Melbourne, Jumamosi, Oktoba 2, 2021. Source: AAP Image

  • Victoria nakapagtala ng 1,220 local cases
  • Sumunod sa mga patakaran kaugnay ng pagtitipon, hiling ng mga awtoridad sa mga residente ng NSW bago ang laro ng NRL
  • ACT nakapagtala ng 38 na panibagong local cases
  • Tasmania naitala ang isang bagong local case

Victoria
Victoria nakagtala ng 1,220 local COVID-19 cases at tatlong pagkamatay.

Ani Premier Daniel Andrews ang mga ipinapatupad na restriksyon ay para protektahan ang healthcare system at paggalang sa mga healthcare professionals. “What will be freedom for us will be the hardest time for our health system”, aniya.

Kahapon 109 katao ang inaresto ng pulisya sa isang anti-vaccination rally sa Melbourne.

Iniulat ni Michelle Spence, ICU Nurse Unit manager sa Royal Melbourne Hospital na simula Hulyo, mayroon nang 90 katao na dinala sa ICU sa Victoria, at wala sa mga ito ay fully vaccinated.

New South Wales
NSW nakapagtala ng 667 locally acquired cases, at 10 pagkamatay, habang minarkahan ng Greater Sydney ang 100 araw sa lockdown.

Hiniling ni Health Minister Brad Hazzard sa mga residente na mag-ingat bilang paghahanda para sa NRL grand final game. "Your home remains one of the most dangerous places to be in terms of transmission of the virus,” aniya.

Mula Oktubre 11, sinumang nasa NSW na maging isang close contact ng isang positibong kaso at bakunado, ay kailangang magpa-test at mag-self-isolate ng pitong araw sa halip na 14.

Alamin kung paano 

Pinakahuling kaganapan sa loob ng 24 oras sa Australia
  • ACT naitala ang 38 na panibagong locally acquired cases, hindi bababa sa 16 sa mga ito ay nakasalamuha sa komunidad habang nakakahawa.
  • Sa Tasmania isang binatilyo nagpositibo sa COVID-19 matapos lumipad patungong Launceston mula Melbourne.
  • Sa Queensland walang bagong kaso na naitala. Matutuloy namang ganapin ang NRL grand final sa pagitan ng Penrith Panthers at South Sydney Rabbitohs mamayang gabi sa Lang Park.
  • South Australia dalawa ang naitalang bagong kaso kahapon ng hapon.
Stay home Safe Life - SBS Radio
Stay home Safe Life - SBS Radio Source: SBS Radio
Quarantine, travel, testing clinics at pandemic disaster payment
Pinamamahalaan ng bawat estado at teritoryo ang mga kakailanganin para sa quarantine at testing:

Kung kinakailangan mong bumyahe sa ibang bansa, maaaring mag-apply ng exemption online. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga kundisyon sa pagbyahe sa labas ng bansa,.  Mayroong mga patakarang pansamantalang ipinapatupad para sa mga international flights, na regular na sinusuri ng gobyerno at ina-update    website. 




Isinalin sa inyong wika, .

Isinalin sa inyong wika .



Mga testing clinic sa bawat estado at teritoryo:

 
 

Impormasyon kaugnay sa pandemic disaster payment sa bawat estado at teritoryo:

 
 

Share
Published 3 October 2021 3:00pm
Updated 3 October 2021 3:18pm
By SBS/ALC Content
Presented by Annalyn Violata
Source: SBS


Share this with family and friends