COVID-19 update: Victoria, nagtala na naman ng pinakamataas na bilang ng kaso ng COVID-19 ngayong araw

Update kaugnay sa Coronavirus sa Australia ngayong Oktubre 8, 2021

People are seen canoeing at Albert Park Lake in Melbourne, Thursday, October 7, 2021.

People are seen canoeing at Albert Park Lake in Melbourne, Thursday, October 7, 2021. Source: AAP/James Ross

  • Border bubble, ipapatupad ulit sa Victoria
  • Mga residente ng NSW, hinihikayat ng gobyerno na huwag magpakakampante
  • Higit 68 per cent ng mga residente ng Canberra, bakunado na
  • Queensland at South Australia, magluluwag na ng mga restriksyon

Victoria

Nagtala ng 1,838 na panibagong kaso ng coronavirus ang Victoria at lima ang naiulat na namatay.

Nadagdagan din ang mga lugar na mapapasama sa border bubble kabilang ang Benalla, Greater Bendigo, Buloke Shire, Loddon, Yarriambiack, Hay, Edward River, Lockhart, Murrumbidgee, at Wagga Wagga.

Para sa mga residente na nanatili ng 14 na araw sa mga nabanggit na lugar na kasama sa bubble, papayagan umano ang mga ito na maglabas-masok sa Victoria kahit walang permit.

Alamin kung saan may 

New South Wales

Nagtala ng 646 na panibagong kaso ng coronavirus ang New South Wales at 11 ang namatay. Sa ngayon, umabot na sa 414 ang bilang ng mga namatay sa estado dahil sa COVID-19.

Samantala, may natukoy namang traces ng virus sa mga sewage samples ng Wee Waa sa Hunter New England region. Kasama din ang Quirindi at Brewarrina sa western New South Wales.

Hinihikayat ni Chief Health Officer Dr Kerry Chant ang mga residente na patuloy pa ding magsuot ng mask, kumustahin ang mga kamag-anak, panatilihin ang social distancing, at higit sa lahat ay mag-isolate at magpa-test, kung may nararamdamang sintomas ng COVID-19.

Alamin kung paano .  

Australian Capital Territory 

Nagtala ng 40 panibagong kaso ng COVID-19 ang Australian Capital Territory.

Sa ngayon, may 16 na pasyenteng may COVID-19 ang nasa ospital, anim dito ay nasa intensive care at lima ang nangailangan ng ventilator.

Pinakahuling kaganapan sa loob ng 24 oras sa Australia

  • Simula 4pm ngayong hapon, sasailalim na sa ang mga lugar ng Brisbane, Logan, Gold Coast, Moreton Bay, Townsville (including Magnetic Island), at Palm Island
  • Sasailalim na sa ang ilang lugar sa southeast sa South Australia, kasabay ng ibang lugar sa estado. 
Quarantine, travel, testing clinics at pandemic disaster payment
Pinamamahalaan ng bawat estado at teritoryo ang mga kakailanganin para sa quarantine at testing:

Kung kinakailangan mong bumyahe sa ibang bansa, maaaring mag-apply ng exemption online. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga kundisyon sa pagbyahe sa labas ng bansa.  Mayroong mga patakarang pansamantalang ipinapatupad para sa mga international flights, na regular na sinusuri ng gobyerno at ina-update    website. 




Isinalin sa inyong wika, .

Isinalin sa inyong wika .



Mga testing clinic sa bawat estado at teritoryo:

 
 

Impormasyon kaugnay sa pandemic disaster payment sa bawat estado at teritoryo:

 
 

Share
Published 8 October 2021 1:48pm
Updated 29 October 2021 1:26pm
By SBS/ALC Content
Presented by Roda Masinag
Source: SBS


Share this with family and friends