- Libo-libong vaccine appointments pwede nang ma-access sa Victoria
- Double vaccination rate sa New South Wales, pumalo na sa 67.5 per cent
- Higit 94 per cent ng mga residente sa Canberra, nakakuha na ng unang dose ng bakuna
- At sa Queensland, walang naitalang bagong kaso ng coronavirus
Victoria
Nagtala ng 1,763 na panibagong kaso ang Victoria, pinakamataas na naitala simula nang mag-umpisa ang pandemya. Apat naman ang naiulat na namatay.
Ayon kay Premier Daniel Andrews, libo-libong vaccine appointments ang pwede nang i-book ng mga residente para sa Pfizer, Astrazeneca at Moderna vaccines.
Simula ngayong araw, bubuksan na ang mga construction sites saVictoria. Pero papayagan lamang bumalik sa trabaho ang mga empleyado, kung sila ay bakunado na at kinakailangan din nila sumunod sa ilang mga patakaran para maging COVID-safe.
Magtatapos na ang lockdown sa Latrobe Valley simula ngayong hatinggabi
New South Wales
Nagtala ng 608 na panibagong kaso ang New South Wales at pito ang namatay,
Pumalo na sa 88.5 per cent ang mga residenteng nakakuha na ng isang dose ng bakuna na may edad disi-sais pataas, habang umabot na sa 67.5 per cent ang nakakumpleto na ng bakuna.
Magtatagal pa hanggang Oktubre 11 ang stay-at-home orders sa ilang lugar sa NSW, dahil sa patuloy nap ag taas ng mga kaso ng COVID-19. Kabilang dito ang Taree, Forster-Tuncurry at Muswellbrook.
Australian Capital Territory
Sa naman ay may naitalang 33 na panibagong kaso, at labing-apat sa mga ito ay nasa komunidad habang nakakahawa.
Umabot naman sa 94 per cent ang mga nakakuha na ng unang dose, na may edad dose pataas, habang nasa 65 per cent na ang nakakuha na ng kumpletong bakuna.