- Mga bagong reporma sa pagsugpo sa pandemya, ilulunsad sa Victoria
- Planong pagbabalik ng mga international student sa Queensland, pinaghahandaan na
- At ‘no quarantine policy’, ipapatupad sa Northern Territory
Victoria
Nagtala ng 1,510 na panibagong kaso ang Victoria at apat ang naiulat na namatay. Plano ding ihain ng Victoria sa parlyamento ang mga bagong batas sa pagsugpo ng pandemya.
Alinsunod sa naturang plano, magkakaroon ng kapangyarihan ang premier na magdeklara ng pandemya, batay sa abiso ng mga chief health officers at iba pang otoridad sa pangkalusugan.
Ayon kay State Health Minister Martin Foley, papalitan ng mga bagong batas ang kasalukuyang patakaran kung saan kailangang suriin at palawigin ang pagdedeklara ng state emergency kada apat na linggo.
Ipapatupad din ang bagong concessional scheme para sa mga nakatanggap ng multa at hirap makabayad, kung saan pwede silang mag-apply na mabawasan ang dapat na babayarang multa.
Samantala, naghahanda na rin ang Victoria sa nalalapit na pagbubukas ng estado sa Biyernes, Oktubre 29, kapag naabot na ang 80 per cent na vaccination target.
Queensland
Inanunsyo ni Premier Anastasia Palaszczuk na makakabalik na sa susunod na taon ang mga international student sa Queensland habang nakapagtala naman ang estado ng dalawang panibagong kaso ng COVID-19 ngayong araw.
New South Wales
Nakapagtala ang New South Wales ng 282 na panibagong kaso ng COVID-19 at isa ang naiulat na namatay.
Sa ngayon, umabot na sa 85 per cent ang may kumpletong bakuna na may edad 16 pataas.
Iba pang kaganapan sa loob ng 24 oras sa Australia
- ACT, nagtala ng 12 kaso ng COVID-19
- At ‘no quarantine policy' sisimulan na sa Enero 18 para sa mga kumpleto na ang bakuna
Quarantine, travel, testing clinics at pandemic disaster payment
Pinamamahalaan ng bawat estado at teritoryo ang mga kakailanganin para sa quarantine at testing:
Kung kinakailangan mong bumyahe sa ibang bansa, maaaring mag-apply ng exemption online. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga kundisyon sa pagbyahe sa labas ng bansa. Mayroong mga patakarang pansamantalang ipinapatupad para sa mga international flights, na regular na sinusuri ng gobyerno at ina-update website.
- Balita at impormasyon na isinalin sa 63 wika sa
- Mga alituntunin sa bawat estado at teritoryo: , , , , , , .
- Impormasyon tungkol sa
Mga testing clinic sa bawat estado at teritoryo:
Impormasyon kaugnay sa pandemic disaster payment sa bawat estado at teritoryo: