- Lockdown sa Melbourne, magtatapos na ngayong hatinggabi
- Ayuda para sa mga negosyo, inanunsyo sa New South Wales
- At sa Queensland, magsasagawa ng malawakang vaccination drive
Victoria
Nagtala ng 2,232 na panibagong kaso ng coronavirus ang Victoria at labindalawa ang namatay.
Simula ngayong hatinggabi, magtatapos na ang ika-anim na lockdown sa Melbourne.
Susubukan na rin sa susunod na linggo ang home quarantine para sa mga byaherong manggagaling ng ibang bansa.
Idineklara na din Prime Minister Scott Morrison na opisyal nang naabot ng Victoria ang 70 per cent na double vaccination rate ngayong araw.
New South Wales
Nagtala ng 372 na panibagong kaso ng COVID-19 ang New South Wales at isa ang namatay. Dalawa sa mga ito ay galing sa ibang bansa.
Inanunsyo din ng gobyerno na makakakuha ng mga dagdag na benepisyo ang mga negosyo sa ilalim ng recory plan ng estado. Maglalaan umano ang gobyerno ng $530 milyon na tulong pinansyal para muling makabangon ang tourism at events sector.
Pwede na ding makakakuha ng $50ang lahat ng residente ng New South Wales na may edad 18 pataas.
Queensland
Nagtala ng isang panibagong kaso ang estado, at isang Uber driver na galing umano ng Melbourne ang pinagmulan nito.
Ayon kay Chief Health Officer Jeanette Young, isang lalaki na nasa kanyang 30s ang dinapuan ng virus at malala ang sakit. At dahil dito, hirap ang mga otoridad na makakuha ng karagdagang impormasyon.
Samantala, plano din ng Queensland na magsagawa ng malawakang vaccination drive sa 100 paaralan na tatawaging ‘Super Saturday’, bilang paghahanda sa pagbubukas ng estado sa Disyembre 17.
ACT
Sa Australian Capital Territory naman ay may naitalang dalwaput walong panibagong kaso ng COVID-19 at umabot na sa 425 ang bilang ng mga aktibong kaso sa teritoryo.
Inaasahan ding magluluwag pa ang mga restriksyon ngayong gabi, matapos maabot ng ACT ang 80 percent vaccination milestone.
Quarantine, travel, testing clinics at pandemic disaster payment
Pinamamahalaan ng bawat estado at teritoryo ang mga kakailanganin para sa quarantine at testing:
Kung kinakailangan mong bumyahe sa ibang bansa, maaaring mag-apply ng exemption online. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga kundisyon sa pagbyahe sa labas ng bansa. Mayroong mga patakarang pansamantalang ipinapatupad para sa mga international flights, na regular na sinusuri ng gobyerno at ina-update website.
- Balita at impormasyon na isinalin sa 63 wika sa
- Mga alituntunin sa bawat estado at teritoryo: , , , , , , .
- Impormasyon tungkol sa
Mga testing clinic sa bawat estado at teritoryo:
Impormasyon kaugnay sa pandemic disaster payment sa bawat estado at teritoryo: