COVID-19 update: Hunter Valley sa NSW, sasailalim sa lockdown

Update kaugnay sa Coronavirus sa Australia ngayong Agosto 5 2021

Newcastle residents are tested at a drive through collection centre in Adamstown, Newcastle,

Newcastle residents are tested at a drive through collection centre in Adamstown, Newcastle, Thursday, August 5, 2021. Source: AAP Image/Darren Pateman

  • Hunter valley region sasailalim sa lockdown simula 5pm
  • Lahat ng kaso ng coronavirus sa Brisbane, konektado sa kasalukuyang outbreak
  • Victoria, nagtala ng mystery infection at mga bagong kaso ng COVID-19 
  • Dagdag na Pfizer COVID-19 doses para sa NSW, kinumpirma ng Punong Ministro

New South Wales

Nagtala ng panibagong 262 na bagong kaso ng coronavirus at lima ang namatay sa estado. Apat sa mga namatay ay wala pang bakuna, habang ang isa ay nakatanggap ng unang dose ng Astrazeneca COVID-19 vaccine.

Magkakaroon ng mga paghihigpit sa Newcastle, Lake Macquarie, Maitland, Port Stephens, Singleton, Dungog, Muswellbrook at Cessnock simula alas-singko ng hapon ngayong araw hanggang Agosto 13.

Hinihikayat ni Chief Health Officer Dr Kerry Chant ang mga residente ng Armidale at Dubbo na magpa-test matapos makitaan ng mas maraming traces ng virus ang sewage systems nito.

Nananawagan ang otoridad na magpabakuna ang lahat ng residente ng NSW. Narito ang .

Queensland

Nagtala ng panibagong 16 na kaso ng COVID-19 ang estado, lahat ay konektado sa kasalukuyang cluster.

Ayon kay Deputy Premier Steven Miles, 12 sa mga kaso sa Brisbane ay naka-isolate habang infectious o nakakahawa. Sa ngayon, umabot na sa 79 ang mga aktibong kaso sa Queensland. Dahil dito, walang katiyakang magtatapos nag lockdown sa darating na Agosto 8.


 

Mga huling kaganapan sa loob ng 24 oras sa Australia

  • Victoria, nagtala ng 6 na panibagong kaso ang estado, kabilang dito ang isang guro na sinasabing nasa komunidad habang nakakahawa. Kasalukuyang inimbestigahan ang kaso.
  • Dagdag na 180,000 doses ng Pfizer vaccine sa NSW kumpirmado na at inaasahang dadating ito sa Agosto 16

Quarantine, travel, testing clinics at pandemic disaster payment

Pinamamahalaan ng bawat estado at teritoryo ang mga kakailanganin para sa quarantine at testing:

Kung kinakailangan mong bumyahe sa ibang bansa, maaaring mag-apply ng exemption online. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga kundisyon sa pagbyahe sa labas ng bansa, . Mayroong mga patakarang pansamantalang ipinapatupad para sa mga international flights, na regular na sinusuri ng gobyerno at ina-update sa  website. 


 



Isinalin sa inyong wika, .

Isinalin sa inyong wika .



Mga testing clinic sa bawat estado at teritoryo:

 
 

Impormasyon kaugnay sa pandemic disaster payment sa bawat estado at teritoryo:

 
 
 


Share
Published 5 August 2021 3:37pm
Updated 5 August 2021 3:41pm
By SBS/ALC Content
Source: SBS


Share this with family and friends