- 5-araw na lockdown sa Victoria, palalawigin
- New South Wales nagtala ng panibagong 98 na kaso ngayong araw, 20 sa mga ito ay nakakahawa habang nasa komunidad
- Mga maliliit na negosyo maaari ng mag-apply sa Service NSW para sa COVID lockdown grant
- Isang milyong dosis ng Pfizer vaccine dumating na sa bansa
Victoria
Naunsyami ang nakatakda sanang pagtatapos ng lockdown sa Victoria ngayong Martes. Ayon kay Premier Daniel Andrews, hindi pa nito natutukoy ang mga patakaran at timeline para sa pagtatapos ng lockdown.
Nakapagtala ang Victoria ng 13 bagong kaso ng coronavirus sa komunidad habang 1 kaso ang galing sa ibang bansa. Suma total, umabot na sa 81 ang mga active cases sa Victoria.
15,800 ang natukoy na primary close contacts, na kasalukuyang naka-quarantine o naka-isolate habang pumalo naman sa 250 ang natukoy na exposure sites.
New South Wales
Nakapagtala ng 98 bagong kaso ang New South Wales, at karamihan sa mga kaso ay galing pa rin sa South-West Sydney. 61 sa mga ito ay konektado sa natukoy na cluster; 37 kaso ang kasalukuyang iniimbistigahan. Samantala, 20 sa mga kasong ito ay nasa komunidad nang higit isang araw, habang sila ay nakakahawa pa.
Samantala, ipinapatupad sa Greater Sydney ang mga panibagong paghihigpit, kabilang dito ang pagpapatigil ng anumang konstruksyon at pagpapagawa ng bahay, at pagsasara ng mga hindi pangunahing retail shops. Mananatiling bukas ang mga supermarket, botika, bangko at bilihan ng alak.
Maaari nang mag-apply sa Service NSW ng COVID lockdown grant para sa mga maliliit na negosyante. Sa mga maliliit na negosyo na nauna nang makatanggap ng grant, kabilang ang Small Business COVID-19 Support nitong 2020 at Small Business Recovery grants ay maaari pa ring mag-apply. Pwedeng mag-apply hanggang 11:59 pm ng Setyembre 13 2021. Para sa karagdagang impormasyon bisitahin ang .
Magtatapos ang kasalukuyang lockdown sa Byernes, Hulyo 30.
Mga pangyayari sa loob ng 24 oras sa buong Australia
- Wala na namang naitalang kaso ng community transmission sa Queensland
- Isang cargo ship na lulan ang pitong crew nito na hinihinalang may sintomas ng COVID-19 dumaong sa Fremantle sa Perth
- Higit 800,000 na dosis ng Pfizer vaccine ang nakarating sa Sydney, habang 100,000 naman ang dumating sa Melbourne
Eid al Adha (Festival of Sacrifice), magsisimula ngayong gabi. Mainam na maging protektado sa panahong ito sa pamamagitan ng:
- Pagdadasal sa bahay
- Pagkansela ng mga malaking pagtitipon
- Pagsuot ng mask
- Paggamit ng sariling prayer rug
COVID-19 MYTH:
Hindi tatablan ng COVID-19 ang mga malulusog na kabataan. Mga matatanda at maysakit na tao lamang ang pwedeng magkakaroon nito.
COVID-19 FACT:
Higit na maaapektuhan ng virus ang mga matatanda lalo na nag may kasalukuyang karamdaman, pero maaari pa ding mahawa at mamatay ang ilang malulusog na kabataan.
Quarantine, travel, testing clinics at pandemic disaster payment
Pinamamahalaan ng bawat estado at teritoryo ang mga kakailanganin para sa quarantine at testing:
Kung kinakailangan mong bumyahe sa ibang bansa, maaaring mag-apply ng exemption online. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga kundisyon sa pagbyahe sa labas ng bansa, . Mayroong mga patakarang pansamantalang ipinapatupad para sa mga international flights, na regular na sinusuri ng gobyerno at ina-update sa website.
- Balita at impormasyon na isinalin sa 63 wika sa
- Mga alituntunin sa bawat estado at teritoryo: , , , , , , .
- Impormasyon tungkol sa
Mga testing clinic sa bawat estado at teritoryo:
Impormasyon kaugnay sa pandemic disaster payment sa bawat estado at teritoryo: