- Umabot sa 74 ang bilang ng mga namatay dahil sa COVID-19 sa NSW, Victoria, at Queensland. Ito ang pinakamataas na naitala sa bansa simula nang magumpisa ang pandemya.
- Nagdeklara na ang Victoria ng Code Brown emergency sa lahat ng ospital sa buong estado dahil sa pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 dahil sa Omicron variant
- Ayon kay Victorian Deputy Premier James Merlino umabot na sa puntong hindi na kakayanin ng mga ospital ang epekto ng pandemya habang nahaharap ang mga ito sa kakulangan ng empleyado
- Sa pagpapatupad ng kautusang ito, kasama ang anim na ospital sa rehiyon, babawiin ang leave ng ilang empleyado ng mga ospital at maaaring ipagpapaliban muna ang mga non-essential care.
- Nagtala ng 29,830 na panibagong kaso ang ang NSW. Karamihan sa mga ito ay galing sa PCR tests habang 2,850 naman ang dinala sa ospital dahil sa virus. 209 sa mga ito ay nasa ICU.
- 1.2 milyong estudyante sa estado, kakailanganing mag-test gamit ang RAT dalawang beses isang linggo, isa sa mga minumungkahing plano sa pagbabalik-eskwela ng mga kabataan, ayon sa report ng Sydney Morning Herald.
- Sa Tasmania, hindi na kakailanganing mag-register o magpa-test ang mga babyahe sa estado na may kumpletong bakuna.
- Maantala naman ng dalawang linggo ang pagbabalik-eskwela ng mga bata sa Queensland, na naging desisyon ng otoridad dahilan sa kasaulukuyang hinaharap na sitwasyon.
- Nag-anunsyo si Health Minister Yvette D'Ath ng pagbabago sa mga patakaran sa mga bibisita sa ospital para mapigilan ang pagkalat ng virus dito. Ito'y matapos magtala ang Queensland ng 16 na namatay dahil sa COVID-19.
- Maghihigpit naman ng Europian Union ang mga patakaran sa pagbyahe para sa mga di bakunadong bayhero na manggagaling ng Australia, Argentina at Canada dahil sa patuloy na pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 sa mga nabanggit na mga bansa.
RAT registration forms ng iba't-ibang estado at teritoryo
Covid-19 Stats:
Nagtala ang NSW ng 29,830 na panibagong kaso ng COVID-19 at 36 ang namatay, habang 20,180 naman ang naitalang panibagong kaso sa Victoria at 22 ang namatay.
Umabot sa 15,962 ang naitala sa Queensland at 16 ang namata, habang sa Tasmania ay may naitalang 1,310 na panibagong kaso.
Quarantine at resktrikyon sa bawat estado
Pagbyahe
Mga dapat alamin kung ikaw ay at narito naman ang impormasyon tungkol sa Covid-19 at pagbyahe na isinalin sa
Tulong pinansyal
Narito ang ilang impormasyon kaugnay sa COVID-19 Disaster payment sa oras na maabot ang 70 at 80 porsyento ng vaccination rate: .
- Balita at impormasyon na isinalin sa 63 wika sa
- Mga alituntunin sa bawat estado at teritoryo: , , , , , , .
- Impormasyon tungkol sa
Mga testing clinic sa bawat estado at teritoryo: