• Bilang ng kaso ng coronavirus sa Victoria, lumampas na ng 2000
• Dagdag na rebates para sa mga negosyo, inanunsyo sa NSW
• Bakuna para sa mga batang may edad 5 hanggang 11, pinagaaralan na ng TGA
Victoria
Nagtala ng 2,297 na panibagong kaso ng COVID-19 ang Victoria at labing-isa ang namatay. Nobenta porsyento sa mga naospital ay hindi pa kumpleto ang bakuna.
Ayon kay Premier Daniel Andrews, bagama’t mataas ang mga naitalangkaso, mas nakatuon ang estado na maabot ang target na 70 per cent double vaccination rate bago ang Oktubre 26.
Aniya, hindi din sapat ang isang linggo para maging batayan kung tatapusin na ba ang lockdown sa estado.
New South Wales
Nagtala ng 406 na panibagong kaso ng coronavirus ang estado at anim ang namatay.
Inanunsyo ng estado na mamimigay ito ng Dine and Discover vouchers na pwedeng gamitin hanggang June 2022. Maglalaan din ang estado ng dagdag na $66 million dollars para mahikayat ang mga tao sa open-air style dining.
Ayon kay Premier Dominic Perrottet, nais niyang makatulong ito sa pagbangon ng mga negosyo sa New South Wales.
Sa ngayon, umabot na sa 91.1 per cent ng mga residenteng may edad 16 pataas ang nakakuha na ng unang dose ng bakuna habang 76.5 per cent naman ang may kumpleto nang bakuna.
ACT
Sa Australian Capital Territory naman ay may naitalang 46 na panibagong kaso ng COVID-19, at 30 sa mga ito ay konektado sa kasalukuyang outbreak.
Pinakahuling kaganapan sa loob ng bente-kwatro oras sa Australia
• Queensland, walang bagong naitalang kaso
• Antas ng mga nabakunahan na mga First Nations people, nananatili pa ring mababa. Umabot lamang sa 57.5 per cent ng mga pwede na magpabakuna ang nakakuha ng unang dose habang nasa 42 per cent pa lang ang kumpleto na ang bakuna.
• Bakuna para sa mga batang may edad lima hanggang labing-isa, kailangan pang dumaan sa pagsusuri ng Therapeutic Goods Administration at TGA, ayon kay Federal Health Minister greg Hunt
Quarantine, travel, testing clinics at pandemic disaster payment
Pinamamahalaan ng bawat estado at teritoryo ang mga kakailanganin para sa quarantine at testing:
Kung kinakailangan mong bumyahe sa ibang bansa, maaaring mag-apply ng exemption online. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga kundisyon sa pagbyahe sa labas ng bansa. Mayroong mga patakarang pansamantalang ipinapatupad para sa mga international flights, na regular na sinusuri ng gobyerno at ina-update website.
- Balita at impormasyon na isinalin sa 63 wika sa
- Mga alituntunin sa bawat estado at teritoryo: , , , , , , .
- Impormasyon tungkol sa
Mga testing clinic sa bawat estado at teritoryo:
Impormasyon kaugnay sa pandemic disaster payment sa bawat estado at teritoryo: