COVID-19 update: Lockdown sa Victoria tatagal pa ng isa pang linggo, SA sasailalim sa level 5 restrictions

Update kaugnay sa Coronavirus sa Australia ngayong Hulyo 20 2021

Wynyard railway station

Commuters wait for buses at Wynyard railway station in the central business district in Sydney, Tuesday, July 20, 2021. Source: AAP Image/Mick Tsikas

  • Lockdown sa Victoria tatagal pa hanggang Martes, Hulyo 27
  • Sa New South Wales,namatay dahil sa COVID-19 Delta outbreak, pumalo na ng 5
  • Level 5 restrictions, ipatutupad sa South Australia simula 6pm ngayong gabi
  •  Higit 10 milyong Australyano nakatanggap na ng unang dose ng bakuna habang 2.8 milyon ang fully vaccinated na 

Victoria

Inanunsyo ni Premier Daniel Andrews na patatagalin ng isa pang linggo ang lockdown sa estado hanggang Martes, Hulyo 27.

Nakapagtala ang Victoria ng 13 bagong kaso ng COVID-19, habang isa sa mga ito ang tinuturing na mystery case. Siyam sa nasabing kaso ay naka-isolate habang infectious o nakakahawa. Umabot na sa 96 ang kabuuang bilang ng active cases sa estado.

Pansamantalang ititigil ang paggamit ng red zone permits sa pagbyahe sa Victoria. Inaasahang iaanunsyo bukas ang karagdagang suporta para sa mga negosyo.

Sa ngayon,  may 15,800 na close contacts at higit 300 epxosure sites ang natukoy ng otoridad, kabilang dito ang Philip Island at Mildura.

Alamin ang mga lugar kung saan may mga naitalang kaso ng COVID o .

New South Wales

Nakapagtala naman 78 bagong kaso ang New South Wales, habang 21 dito ay nsa komunidad habang nakakahawa pa.

Isang babae na nasa edad 50 ang namatay sa southwestern Sydney. 61 na ang namamatay dahil sa virus at ito na ang ikalima na kaugnay ng kasalukuyang outbreak.

Maaari nang mag-apply COVID lockdown grant sa Service NSW para sa mga maliliit na negosyante. Ang mga maliliit na negosyo na nauna nang makatanggap ng grant, kabilang ang Small Business COVID-19 Support noong 2020 at Small Business Recovery grants ay maaari pa ring mag-apply. Bukas ang aplikasyon hanggang Setyembre 13 2021.

Para sa karagdagang impormasyon bisitahin ang  .

Alamin ang mga lugar kung saan may mga naitalang kaso ng COVID o .

Mga pangyayari sa loob ng 24 oras sa buong Australia

  • South Australia, nakapagtala ng 5 bagong kasi ng COVID-19. Alamin ang mga lugar kung saan may mga naitalang kaso ng COVID o .
  • Queensland, nagtala ng isang panibagong kaso ng community transmission
  • 8 crew members ng cargo ship na dumaong sa Fremantle sa Western Australia, positibo sa COVID-19
Ang COVID-19 Disaster Payment ay lingguhang kabayaran para sa mga indibidwal na nakatira sa Commonwealth-declared hotspots, kung saan sumailalim sila sa higit pitong araw na restriksyon at nawalan ng sweldo o nabawasan ng oras sa trabaho.

Maaaring ma-access ang impormasyon dito sa , at kung kailangan ng tagapagsalin, tumawag sa 131 202.


Eid al Adha (Festival of Sacrifice), magsisimula ngayong gabi. Mainam na maging protektado sa panahong ito sa pamamagitan ng:

  • Pagdadasal sa bahay
  • Pagkansela ng mga malaking pagtitipon
  • Pagsuot ng mask
  • Paggamit ng sariling prayer rug

COVID-19 MYTH:

 Hindi raw ligtas gamitin ang bakuna dahil napakabilis nitong nagawa.

COVID-19 FACT:

Ang bawat bakuna kontra COVID-19 sa Australia ay kinakailang aprubado ngTherapeutic Goods Administration (TGA). Masusi nilang pinag-aaralan at sinusubukan kung ligtas, de-kalidad at mabisa ang mga bakuna. 

Kasunod ng pag-apruba, babantayan ng TGA ang mga bakuna para mabilis na maka-tugon sa anumang safety issue sa Australia at ibang bansa.

Susuriin din ng TGA ang kalidad ng bawat batch ng bakuna na dadalhin sa Australia bago ito ipamahagi.

Ayon sa sa Estados Unidos, karamihan sa namatay dahil sa COVID-19 – kabilang ang iba’t-ibang variant nito – ay hindi nabakunahan.

Noong Hulyo, napag-alaman sa na 103 sa 223 kaso na may Delta variant ang na-admit sa ospital simula noong Pebrero dahil hindi pa nabakunahan o nakatanggap lamang ng isang dose ng bakuna.


 

Quarantine, travel, testing clinics at pandemic disaster payment

Pinamamahalaan ng bawat estado at teritoryo ang mga kakailanganin para sa quarantine at testing:

Kung kinakailangan mong bumyahe sa ibang bansa, maaaring mag-apply ng exemption online. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga kundisyon sa pagbyahe sa labas ng bansa, . Mayroong mga patakarang pansamantalang ipinapatupad para sa mga international flights, na regular na sinusuri ng gobyerno at ina-update sa  website. 


 



Isinalin sa inyong wika, .

Isinalin sa inyong wika .



Mga testing clinic sa bawat estado at teritoryo:

 
 

Impormasyon kaugnay sa pandemic disaster payment sa bawat estado at teritoryo:

 
 
 

 


Share
Published 20 July 2021 2:46pm
Updated 20 July 2021 5:51pm
By SBS/ALC Content
Presented by Roda Masinag
Source: SBS


Share this with family and friends