COVID-19 update: Mahigit kalahati ng mga bagong kaso sa NSW ay edad 40 pababa

Update kaugnay sa Coronavirus sa Australia ngayong Hulyo 31 2021

NSW police check identifications at George St in front of the Sydney Town Hall in anticipation of an anti-lockdown rally in Sydney Sydney, Saturday, July 31, 2021. (AAP Image/Mick Tsikas) NO ARCHIVING

NSW police check identifications at George St in front of the Sydney Town Hall in anticipation of an anti-lockdown rally in Sydney. Source: AAP Image/Mick Tsikas

  • Nanatiling mataas ang mga kaso ng COVID sa South Western at Western Sydney.
  • Victoria pinahaba ang interval ng Pfizer vaccine doses mula tatlo patungo anim na linggo.
  •  South East Queensland magpapatupad ng lockdown ngayong 4pm 
  • Tasmania sinarado ang border sa Queensland
New South Wales
Nakapagtala ang NSW ng 210 panibagong locally acquired cases at isang lalaki na nasa kanyang sixties mula sa South Western Sydney ang nasawi.

Sinabi ni Health minister Brad Hazzard na mahigit kalahati ng mga bagong kaso ay mga taong nasa edad 40 pababa habang anim na nasa edad 20 pataas ang nasa intensive care.

Mayroon ng 1390 locally acquired cases sa NSW simula ng pumutok ang Delta outbreak noong Hunyo 16.

Victoria
Nakapagtala ang estado ng dalawang locally acquired cases na konektado sa kasalukuyang outbreak, ngunit isa lamang ang naka-quarantine habang infectious.

Sinabi ni Victorian Health Minister Martin Foley na papahabain ng anim na linggo mula tatlong linggo ang interval ng Pfizer doses.

Basahin dito ang pinakahuling .

Mga huling kaganapan sa loob ng 24 oras sa buong Australia

  • Matapos makapagtala ng anim na panibagong Delta cases, , magpapatupad ng tatlong araw na lockdown simula ngayong 4pm.

  • Australian Medical Association suportado ang Astra Zeneca COVID-19 vaccine upang mapalakas ang antas ng pagbabakuna.
  • Tasmania isasarado ang border laban sa South East Queensland simula 4pm ngayong araw.

Quarantine, travel, testing clinics at pandemic disaster payment

Pinamamahalaan ng bawat estado at teritoryo ang mga kakailanganin para sa quarantine at testing:

Kung kinakailangan mong bumyahe sa ibang bansa, maaaring mag-apply ng exemption online. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga kundisyon sa pagbyahe sa labas ng bansa, . Mayroong mga patakarang pansamantalang ipinapatupad para sa mga international flights, na regular na sinusuri ng gobyerno at ina-update sa  website. 


 



Isinalin sa inyong wika, .

Isinalin sa inyong wika .



Mga testing clinic sa bawat estado at teritoryo:

 
 

Impormasyon kaugnay sa pandemic disaster payment sa bawat estado at teritoryo:

 
 

Share
Published 31 July 2021 2:23pm
By SBS/ALC Content
Presented by Claudette Centeno-Calixto
Source: SBS


Share this with family and friends