COVID-19 update: 2 bagong pagkamatay dahil sa COVID-19 naitala sa NSW

Update kaugnay sa Coronavirus sa Australia ngayong Hulyo 25 2021.

Kiongozi wa NSW Gladys Berejiklian atoa taarifa mpya kuhusu COVID-19 mjini Sydney.

Kiongozi wa NSW Gladys Berejiklian atoa taarifa mpya kuhusu COVID-19 mjini Sydney, Jumapili, 25 Julai, 2021. Source: AAP Image/Lisa Maree Williams

  • 2 panibagong pagkamatay mula COVID-19, naitala ng NSW.  
  • Ang lahat ng bagong kaso sa Victoria naka-ugnay sa kasalukuyang outbreak. 
  • Dagdag na 85 milyong dosis ng Pfizer COVID-19 vaccine, siniguro ng pamahalaang pederal.
  • Sa South Australia, on track sa planong pagtatapos ng lockdown. 

New South Wales

Naitala ng NSW ang 141 na panibagong mga locally acquired cases. Dalawang katao ang namatay, isang babae sa kanyang 70s, at isa pang babae sa kanyang 30s na walang pre-existing na kondisyon, ayon kay Premier Berejikilian.

Makakatanggap ang NSW ng karagdagang 50,000 Pfizer COVID-19 dosis. Samantala, isang ispesyal na police unit ang binuo, inatasan na kilalanin ang mga taong dumalo sa mga protesta kahapon, nasa 510 na mga infringement notice na ang ini-isyu.

Narito ang updated na 

Naitala ng Victoria ang 11 bagong mga lokal na kaso, ang lahat ng mga ito ay pawang naka-quarantine sa buong panahon ng kanilang impeksyon at naka-link ang mga ito sa kasalukuyang mga outbreak.

Hindi pa kinukumpirma ng mga awtoridad ang paggaan ng mga COVID-19 restrictions sa Martes, Hulyo 27.

Narito ang updated na 

Mga pangyayari sa loob ng 24 oras sa buong Australia

  • Australia tatanggap ng 85 milyon na Pfizer COVID-19 doses sa taong 2022 at 2023.
  • SA nakapagtala ng 3 panibagong lokal na kaso, on track pa rin sa planong pagtatapos ng lockdown.  
  • Queensland nakapagtala ng limang bagong kaso sa hotel quarantine.

COVID-19 MYTH:
Hindi apektado ng COVID-19 ang mga malulusog na kabataan. Mga matatanda at may sakit lamang ang nahahawa.

COVID-19 FACT:
Ang virus ay nakakaapekto ng lubos sa mga matatanda at may mga sakit, ngunit natatamaan din ng virus ang mga malulusog na kabataan. 


Quarantine, travel, testing clinics at pandemic disaster payment

Pinamamahalaan ng bawat estado at teritoryo ang mga kakailanganin para sa quarantine at testing:


Kung kinakailangan mong bumyahe sa ibang bansa, maaaring mag-apply ng exemption online. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga kundisyon sa pagbyahe sa labas ng bansa, . Mayroong mga patakarang pansamantalang ipinapatupad para sa mga international flights, na regular na sinusuri ng gobyerno at ina-update sa  website.




Isinalin sa inyong wika, 

 

Isinalin sa inyong wika, .



Mga testing clinic sa bawat estado at teritoryo:

 


 

Impormasyon kaugnay sa pandemic disaster payment sa bawat estado at teritoryo:

 

 
 


Share
Published 25 July 2021 2:12pm
Updated 25 July 2021 3:32pm
By SBS/ALC Content
Presented by Annalyn Violata
Source: SBS


Share this with family and friends