COVID-19 Update: Pangatlong bakuna 'malamang na kakailanganin' para makumpleto ang bakuna

Narito ang pinakabagong Coronavirus update sa Australia ngayong 3 Pebrero 2022.

A woman is seen receiving a vaccination at a Cohealth pop-up vaccination clinic at the State Library Victoria, in Melbourne.

A woman is seen receiving a vaccination at a Cohealth pop-up vaccination clinic at the State Library Victoria, in Melbourne. Source: AAP

  • Mga batang may edad 16 hanggang 17 taon, pwede nang magpabook ng ikatlong bakuna kontra COVID-19. Bilang ng mga nakapagpabooster shot sa bansa umabot na sa 8.4 milyon.
  • Ayon kay Health Minister Greg Hunt, "mas malamang" na tutukuyin ng ATAGI na kakailanganin ang ikatlong booster shot para makumpleto ang bakuna.
  • Nanawagan naman ang lider ng oposisyon na si Anthony Albanese na mag-resign ang ministro ng Aged Care Services na si Richard Colbeck dahil sa pagresponde nito sa pandemya.
  • Babala ng Chief Medical Officer, hindi natatapos sa Omicron variant ang pandemya, pero dagdag nito, nalampasan na ng bansa ang peak ng kasulukuyang outbreak.
  • Inaasahan din nito na magkakaroon ng panibagong outbreak pagdating ng taglamig at maaari ding bumalik ang flu outbreak.
  • Sa Western Australia, daan-daang estudyante at dose-dosenang staff sa tatlong paaaralan ang kinailangang mag-isolate ng dalawang linggo. Nangyari ito ilang araw lamang simula nang magbalik-eskwela ang mga bata. May 19 na kasong naitala sa estado sa ngayon. 
  • Magbubukas na ng border ang New Zealand sa Pebrero 27 at naglatag ang gobyerno nito ng five-step plan para sa pagbubukas nito sa mga babyahe mula ibang bansa, simula Oktubre. 
COVID-19 Stats:

Sa NSW, 2,578 ang nadala sa ospital, 160 ang nasa intensive care, 38 ang namatay, at 12,632 na panibagong kaso ang naitala ng estado. 

Sa Vicotria, 752 ang dinala sa ospital dahil sa COVID-19, 82 ang nasa ICU, 34 ang namatay, at 12,157 ang naitalang panibagong kaso. 

Sa Queensland, 749 ang naospital, 47 ang nasa intensive care, 9 ang namatay at 8,643 ang panibagong kasong naitala. 

Sa Sa, 1,583 ang panibagong kasong naitala, 226 ang nasa ospital. 

Isa ang naiulat na namatay sa Tasmania, South Australia at Northern Territory. 


RAT registration forms ng iba't-ibang estado at teritoryo


Quarantine at resktrikyon sa bawat estado

Pagbyahe

Mga dapat alamin kung ikaw ay  at narito naman ang impormasyon tungkol sa Covid-19 at pagbyahe na isinalin sa 

Tulong pinansyal

Narito ang ilang impormasyon kaugnay sa COVID-19 Disaster payment sa oras na maabot ang 70 at 80 porsyento ng vaccination rate: .

Visit the translated resources published by NSW Multicultural Health Communication Service


Testing clinics in each state and territory

 
 

Share
Published 3 February 2022 4:07pm
Updated 3 February 2022 4:14pm
Presented by Roda Masinag


Share this with family and friends