COVID-19 update: TGA inaprubahan ang bakuna sa mga bata wala pang limang taong gulang; estudyante hinikayat mag-suot ng face masks

Ito ang inyong COVID-19 update sa Australya ngayong ika 19 ng Hulyo

Authorities in the US and Canada have already approved Moderna's Spikevax vaccine in children under five. (file)

Authorities in the US and Canada have already approved Moderna's Spikevax vaccine in children under five. (file) Source: AAP/AP/zz/STRF/STAR MAX/IPx

Nitong Martes, may 75 katao ang naiulat na namatay sa COVID-19 kabilang ang 26 sa New South Wales (NSW), 25 sa Victoria at 18 sa Queensland.

Sa Queensland may naireport na 983 kataong may COVID-19 ang nasa ospital, ang pinaka-mataas na bilang sa panahon ng pandemya

Alamin ang pinaka huling datos sa bagong kaso, na ospital at mga namatay sa Australya
Binigay ng Therapeutic Goods Administration (TGA) ang provisional approval para sa Spikevax vaccine ng Moderna para sa mga sanggol na anim na buwan at mga bata hangang limang taon gulang. Ang dalawang dose ay maaring ibigay ng may agwat na 28 araw 

"Nakita sa mga clnical trial na ang safety profile sa mga bata ay may hawig sa mga nakita sa mga adult. Ang pinaka malalang epekto sa mga clinical trial sa mga bata mula anim na buwan hanggang anim na taong gulang ay may banayad o mild-moderate na side effect at nai-report ang mga ito matapos ang ikalawang dose" ayon sa TGA.

"Kabilang sa mga ito ang pagka-irita at pag-iyak, pamumula o pagkamaga sa lugar na tinurukan ng bakuna, pagka pagod, lagnat, sakit ng katawan at pamamaga ng axillary (groin)"

Ngunit, kailangan pa din aprubahan ng  Australian Technical Advisory Group on Immunisation (ATAGI) bago ito mabigay sa mga bata. 

Noong Martes inirekomenda ng ATAGI na paikliin ang pagitan ng ika-apat na dose at pinaka huling coronavirus infection mula apat na buwan sa tatlong buwan

Ayon sa ATAGI  ang mas malaking bilang ng mga COVID-19 winter booster dose sa mas nakakatanda, kabilang ang mga nasa edad 50 hanggang 64,  may maaring makatulong sa pagbaba ng bilang ng mga na-oospital kaugnay ng coronavirus sa susunod na mga buwan. 

Hiniling ni Minister for Government Services Bill Shorten sa mga empleyado na gamitin ang sick leave bago nito i-claim ang  pandemic payment. 

Hinihikayat ng mga health at school authorities sa buong Australia ang mga estudyante na mag suot ng face masks sa unang apat na linggo ng Term 3. 

Maaring pansamatalang magpatupad ang NSW ng karagdagang mga hakbang sa mga paaralan. 

Kabilang sa mga ito ang paghinto sa mga malalaking bilang ng mga nagtitipon sa loob, ang pagtigil sa  off-site at inter-school na gawain at ang pag kansela sa mga overnight na activity at mga excursions.

At ang pagmandato ng pagsuot ng mga face mask sa mga  adult at mag aaral sa high school, paglimita sa mga bisita sa paaralan, paghiwalay ng mga estudyante na nag-remote learning at  mga close contacts na pumapasok sa silid aralan.

Sinabi ni Minister for Aged Care Anika Wells  na isasapubliko ng kanyang department ang resident vaccination rates sa mga  individual aged care homes mula  1 Agosto. 

Impormasyon sa  wikang FIlipino



Hanapin ang COVID-19 testing clinic



I-Register  ang inyong RAT results dito, kung kayo ay nag  positive 



Kung kailangan ninyo ng tulong pinansiyal, 

Narito ang ilang maraing makatulong sa pag unawa ng  sa wikang Filipino

Alamin ang impormasyon sa  COVID-19 information sa wikang Filipino


Share
Published 19 July 2022 4:02pm
Updated 19 July 2022 5:12pm


Share this with family and friends