COVID-19 Update: Pfizer booster shot aprubado na ng TGA; Muling pagbubukas ng international border kasado na sa Nobyembre

Update kaugnay sa Coronavirus sa Australia ngayong Oktubre 27, 2021.

File photo of passengers wearing protective masks collecting baggage after arriving on a flight at Sydney Airport.

File photo of passengers wearing protective masks collecting baggage after arriving on a flight at Sydney Airport. Source: AAP

  • Pfizer booster shot para sa mga may edad 18 pataas, aprubado na ng TGA
  • Epidemiologist nagbigay ng babala kaugnay sa maagang pagpapatupad ng unlimited travel sa buong NSW
  • Muling pagbubukas ng international borders, kasado na sa Nobyembre 1

 

New South Wales

Nagtala ng 304 na panibagong kaso ng COVID-19 ang New South Wales, mas mataas kumpara sa 282 na kaso na naiulat kahapon.

Nangangamba din ang isang epidemiologist sa maagang pagpapatupad ng unlimited travel sa buong NSW, na magsisimula sa darating na a-uno ng Nobyembre. Babala ni Mary Louise McLaws, kailangang paigtingin pa ang vaccination rates sa mga regional areas.

Ayon kay Premier Dominic Perrottet, pinag-aaralan ng komite ang kasalukuyang roadmap para sa muling pagbangon ng ekonomiya ng estado. 

NSW update – Wednesday 27 October 2021

In the 24-hour reporting period to 8pm last night:

- 93.2% of people aged 16+ have had one dose of a COVID-19 vaccine
- 85.5% of people aged 16+ have had two doses of a COVID-19 vaccine
— NSW Health (@NSWHealth)

Victoria

Nagtala ng 1534 na panibagong kaso ng coronavirius ang Victoria at labingtatlo ang namatay.

Naghahanda na din ang mga negosyo sa muling pagluluwag ng restriksyon sa darating na Biyernes.

Nag-anunsyo naman ang gobyerno ng vouchers na nagkakahalaga ng $2000 para makatulong sa mga negosyo tulad ng café, hotel, restaurant, at bar na makabili ng mga kakailanganin nilang gamit o equipment.

May mga pagbabago din sa QR code check-in app, kung saan malalaman na ng mga gagamit ng app kung may napuntahan silang exposure site. 

Iba pang kaganapan sa loob ng 24 oras sa Australia

  • Inaprubahan na ng Therapeutic Goods Administration (TGA )ang Pfizer booster shot para sa mga may edad 18 pataas. Ibibigay ang pangatlong dose ng bakuna, anim na buwan matapos ang ikalawang dose at inaasahang unang makakakuha nito ang mga residente na nasa aged care.
  • 97% ng mga public health workers sa Tasmania, nakakuha na ng isang dose ng bakuna
  • Australian Capital Territory, nagtala ng 12 panibagong kaso at inaasahang aabot na sa 90 porsyento ang vaccination rate dito.
Quarantine, travel, testing clinics at pandemic disaster payment
Pinamamahalaan ng bawat estado at teritoryo ang mga kakailanganin para sa quarantine at testing:

Kung kinakailangan mong bumyahe sa ibang bansa, maaaring mag-apply ng exemption online. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga kundisyon sa pagbyahe sa labas ng bansa.  Mayroong mga patakarang pansamantalang ipinapatupad para sa mga international flights, na regular na sinusuri ng gobyerno at ina-update    website. 




Isinalin sa inyong wika, .

Isinalin sa inyong wika .



Mga testing clinic sa bawat estado at teritoryo:

 
 

Impormasyon kaugnay sa pandemic disaster payment sa bawat estado at teritoryo:

 
 

Share
Published 27 October 2021 3:07pm
Updated 27 October 2021 3:57pm
By SBS/ALC Content
Presented by Roda Masinag
Source: SBS


Share this with family and friends