- Inaprubahan na ng Therapeutic Goods Administration (TGA) ang paggamit ng Novavax COVID-19 na bakuna sa Australia, at naka-order na din ang gobyerno ng 51 milyong doses nito.
- Nagbigay na din ng provisional approval ang TGA para sa dalawang anti-viral oral treatments, na maaaring gamitin para sa mga pasyenteng mas madaling hawaan ng COVID-19.
- Ayon kay Federal Health Minister Greg Hunt, inaasahan ding magkakaroon na ng supply ng oral treatments paxlovid at molnupiravir sa mga susunod na linggo.
- Umabot na sa 49 ang bilang ng nasawi dahil sa COVID-19 ngayong araw
- Bumaba naman ang bilang ng mga na-ospital sa NSW, sa unang pagkakataon simula pa noong Disyembre 18. Mula 2,863 noong Miyerkules, bumaba ito sa 2,781 ngayong Huwebes - habang bumababa na rin ang bilang ng mga nasa ICU.
- Nagtala ang NSW ng 30,825 na panibagong kaso at 25 ang namatay dahil sa COVID-19.
- Tatalakayain ngayon sa pambansang gabinete ang plano para sa ligtas na pagbabalik-eskwela ng mga estudyante at guro, habang nalalapit na ang pagsisimula ng mga klase.
- Isang 18 anyos na may iba pang sakit ang isa sa siyam na namatay sa Queensland dahil sa COVID-19, habang umabot naman sa 16,812 ang naitalang kaso ng estado ngayong araw.
- Ayon kay VIctorian Premier Daniel Andrews, kakailanganin ang tatlong dose ng COVID-19 vaccine para sa "maprotektahan ng husto" ang mga residente. Aniya, sasang-ayunan din ito ng pambansang gabinete.
- Inaasahan naman ng mga otoridad sa Queensland na maabot ng estado ang pinakamataas na bilang ng kaso sa pagtatapos ng buwan, at ayon kay Health Minister Yvette D'Ath, tinatayang mangunguna ang Gold Coast dito.
RAT registration forms ng iba't-ibang estado at teritoryo
Covid-19 Stats:
Nagtala ang NSW ng 30,825 na panibagong kaso at 25 ang namatay, habang ang VICtoria ay nagtala naman ng 21,966 na kaso at 15 ang namatay.
Sa Queensland, umabot naman sa 16,812 ang naitalang kaso at siyam ang namatay, habang sa Tasmania naman ay may 927 na naitalang kaso.
May 892 na kaso ang naitala sa ACT.
Quarantine at resktrikyon sa bawat estado
Pagbyahe
Mga dapat alamin kung ikaw ay at narito naman ang impormasyon tungkol sa Covid-19 at pagbyahe na isinalin sa
Tulong pinansyal
Narito ang ilang impormasyon kaugnay sa COVID-19 Disaster payment sa oras na maabot ang 70 at 80 porsyento ng vaccination rate: .
- Balita at impormasyon na isinalin sa 63 wika sa
- Mga alituntunin sa bawat estado at teritoryo: , , , , , , .
- Impormasyon tungkol sa
Mga testing clinic sa bawat estado at teritoryo: