COVID-19 update: Tamworth sasailalim sa lockdown, restriksyon sa regional Victoria luluwagan na

Update kaugnay sa Coronavirus sa Australia ngayong Agosto 9 2021

Health Workers at a drive-through COVID-19 vaccine hub in Melton, Monday, August 9, 2021. Victoria has entered a seven-day lockdown to contain a growing outbreak of the Delta variant of COVID-19 in the state. (AAP Image/Luis Ascui) NO ARCHIVING

Health Workers at a drive-through COVID-19 vaccine hub in Melton, Monday, August 9, 2021. Source: AAP Image/Luis Ascui

  • Tamworth sasailalim sa lockdown, Byron Bay naka-high alert
  • Lockdown sa regional Victoria magtatapos na ngayong hatinggabi
  • Unang drive-through vaccination hub sa Australia, binuksan na sa Melbourne
  • Pag-check-in gamit ang QR code, ipapatupad na sa Tasmania

 

New South Wales

Nagtala ng 283 na panibagong kaso ng coronavirus ang estado. 64 dito ay nasa komunidad habang nakakahawa.

Sasailam sa pitong-araw na lockdown ang Tamworth simula alas-singko ng hapon matapos matukoy ang mga na pinuntahan ng isang nagpositibo sa virus na galing ng Newcastle.

Nanawagan ngayon si Premier Gladys Berejiklian sa mga residente ng Byron Bay na magpa-test, matapos maiulat na may nagpositibo sa COVID-19.

Victoria

Nagtala ng panibagong 11 kaso ng COVID-19 ang estado, lahat ay konektado sa kasalukuyang cluster.

Nag-anunsyo din si Premier Daniel Andrews na tatapusin na ang lockdown sa regional Victoria simula ngayong hatinggabi. Babala nito sa mga residente ng Melbourne, huwag muna bumyahe sa iabng lugar sa estado kung hindi kinakailangan.

Ngayong araw, binuksan na din ang pinakaunang drive-through vaccination hub sa Melton, sa western suburbs.

Mga huling kaganapan sa huling 24 oras sa Australia

  • Queensland nagtala ng apat na panibagong kaso ng COVID-19
  • Cairns at Yarrabah sa Cairns sasailalim sa lockdown hanggang Miyerkules Agosto 11
  • At sa Tasmania, mga Uber at taxi obligado na gamitin ang QR code para mag-check in, simula 6pm ng Byernes, Agosto 13

Quarantine, travel, testing clinics at pandemic disaster payment

Pinamamahalaan ng bawat estado at teritoryo ang mga kakailanganin para sa quarantine at testing:

Kung kinakailangan mong bumyahe sa ibang bansa, maaaring mag-apply ng exemption online. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga kundisyon sa pagbyahe sa labas ng bansa, . Mayroong mga patakarang pansamantalang ipinapatupad para sa mga international flights, na regular na sinusuri ng gobyerno at ina-update sa  website. 


 



Isinalin sa inyong wika, .

Isinalin sa inyong wika .



Mga testing clinic sa bawat estado at teritoryo:

 
 

Impormasyon kaugnay sa pandemic disaster payment sa bawat estado at teritoryo:

 
 
 


Share
Published 9 August 2021 3:11pm
By SBS/ALC Content
Presented by Roda Masinag
Source: SBS


Share this with family and friends