COVID-19 update: Mas mahigpit na restriksyon ipapatupad sa Sydney

Update kaugnay sa Coronavirus sa Australia ngayong Agosto 23 2021

Workers conduct a deep clean at Carlton Public School in Sydney, Monday, August 23, 2021.

Workers conduct a deep clean at Carlton Public School in Sydney, Monday, August 23, 2021. Source: AAP Image/Joel Carrett

  • Curfew at isang oras na pag-eehersisyo, ipapatupad na sa Sydney hotspots
  • 22 mystery cases, naitala sa Victoria
  • ACT, binuksan na ang Pfizer registration para sa mga nasa edad 16-29
  • Home-based quarantine trial, sisimulan sa South Australia

New South Wales

Nagtala ng 818 na panibagong kaso ng coronavirus ang New South Wales, 42 sa mga ito ay nasa komunidad habang nakakahawa. Tatlong katao na nasa kanilang 80s na may underlying health conditions ang naiulat na namatay.

Sa ngayon, may . Ang mga nagtatrabaho na nakitira sa Canterbury-Bankstown, Cumberland, at Fairfield ay hindi na kinakailangang magpatest kung sila’y magtatrabaho sa labas ng kanilang LGA.

Magpa-book na ngayon ng .

Victoria

Nagtala ng 71 na panibagong kaso ng COVID-19 ang Victoria, 22 sa mga ito ay hindi konektado sa kasalukuyang outbreak. 55 sa mga kaso ay nasa komunidad habang nakakahawa.

May mga mystery cases na naitala sa Essendon West, Camberwell, Thornbury, Fitzroy North, Maidstone at Sorrento.

Narito ang listahan ng  at mga .

Australian Capital Territory

Nagtala ng 16 na panibagong kaso ang Australian Capital Territory. Tatlo ang kasalukuyang iniimbestigahan at tatlo ang nasa komunidad habang nakakahawa.

Para naman sa mga nasa edad 16-29, pwede nang magparehistro para sa booking ng Pfizer COVID-19 vaccine sa pamamgitan ng website.


 

Pinakahuling kaganapan sa loob ng 24 oras sa Australia

  • Queensland, nagtala ng isang panibagong kaso ng COVID-19, at kasalukuyan itong naka-home quarantine
  • Home quarantine trials, sisimulan na sa South Australia. Sa halip na sa hotel mag-quarantine, pwede nang mag-quarantine sa bahay at gagamitan din ng geo-location at facial recognition software.

Quarantine, travel, testing clinics at pandemic disaster payment
Pinamamahalaan ng bawat estado at teritoryo ang mga kakailanganin para sa quarantine at testing:

Kung kinakailangan mong bumyahe sa ibang bansa, maaaring mag-apply ng exemption online. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga kundisyon sa pagbyahe sa labas ng bansa,.  Mayroong mga patakarang pansamantalang ipinapatupad para sa mga international flights, na regular na sinusuri ng gobyerno at ina-update    website. 




Isinalin sa inyong wika, .

Isinalin sa inyong wika .



Mga testing clinic sa bawat estado at teritoryo:

 
 

Impormasyon kaugnay sa pandemic disaster payment sa bawat estado at teritoryo:

 
 
 


Share
Published 23 August 2021 3:17pm
By SBS/ALC Content
Source: SBS


Share this with family and friends